Senpai Is A Lie

143 3 3
                                    

Mina's POV

*** February 13, 2016 ***

"SENPAI!!!! SARANGHAE!!!" , alam kong malabo niyang marinig iyon dahil sa lakas ng speaker pero atleast naisigaw ko sa buong SMX na mahal ko si Senpai.

//: Dasi run run run nan meomchul suga eopseo
Tto run run run nan eojjeol suga eopseo
eochapi igeotbakke nan motae neoreul saranghaneun geot bakken motae://

"WHOAAAAAAA! "

Sa tuwing si Senpai na ang nasa spotlight ay todo bigay kami ng kaibigan kong si Nana sa pagsigaw. Parehas kaming patay na patay ky Jin Ferrer ; yung Senpai namin.

"WHAAAA SAKIN SENPAI!!!", sigaw ko nang nambibigay na sila ng Rose sa fans. Dapat talaga ako yung makakuha ng rose mula kay Jin eh kaso yung kiti kiting katabi ko ay inagaw sakin.

"Potahamnida ! Lamunin mo yang plastic na rosas !", 'yun yung sinabi ko pero iba yung nasaisip ko. Huhu pero hinalikan ni senpai yun eh T_T

Nagmove on na lang ako sa rosas thingy at nag pokus muli sa performance nila.

Matapos yung performance ay kaliwa't kanan na yung nagpapapicture sa kanya. Hindi na din kami nag take time na magpapicture dahil alam kong mas marami kaming time mamaya dahil iisang agency lang kami. Kami ni Nana ay sumasayaw din ngunit iba yung grupo namin.

Noong una ay kunwari lang yung pagiging fangirl namin sa kanya dahil nahihiya pa siya sa grupo kaya naman binoboost namin ang self confidence niya.Ngayon, unti unti nang nagiging totoo yung tinatawag nilang . "Tangina mukhang na fall na ako kay Senpai." Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakafeel nito o baka pati din si Nana pero the way we approach Jin is still the same. Umiiba lang yung energy namin pagnagpeperform na siya.

Umalis kasi ang isang member ng Fab Armies kaya siya yung ni recruit ng kaibigan namin.
Noon nagaalinlangan pa siya baka hindi siya magustuhan ng tao dahil bagong myembro lang siya pero dahil sa tulong namin ni Nana mas lumakas yung confidence niya sa stage. At ngayon benta na siya sa mga Fans.

***

"Grabe benta yung Senpai natin oh !", sabi ko with pa akbay-akbay effect pa. Hokage moves kumbaga.

"Hoy akin si Senpai", Hinablot ni Nana si Jin saka pinulupot yung kamay sa braso nito. Wala naman akong sinabing kakampi ko siya diba?

" Luh senpai oh ! Diba ayaw mo ng hokage?", depensa ko. This girl is so clingy ,myghad I hate drugs !

"Huh? Hihihi.", yun lang yung nasabi ni Jin. Well , I can say that Jin is just like an innocent kid at panay yung sakay sa trip namin ni Nana. Mabuti na yung ganun , maswerte pa din kami compare sa mga fangirls niya. Atleast kami nakakalapit sa kanya.

"Nevermind. Tara dinner na tayo ! ", paakbay kong kinaladkad si Jin papunta sa car ng kasama din namin. Dami kong hokage moves ngayon diba?

"Saan tayo?", tanong ng kaibigan naming may car na siyang nagdadrive ngayon.

Tradisyon na kasi samin yung magdinner sa labas tuwing may events or contest kaming sinasalihan. Win or lose , may pera o wala basta kakain pa rin kaming lahat. Mabuti't may manager kaming bumbay na siyang nagpapautang ng mga dukha at kasama na ako dun.

And yeah , we spend our night to this most expensive place for poors ; McDo. I know sawang-sawa na yung mga kasama namin sa mga pagkain dito pero saan pa ba aabot yung 50 pesos ? Kahit maghanap kami ng ibang kainan , sa mcdo pa rin yung bagsak namin. Kulang na lang pakasalan ko yang red-hair guy na hindi marunong mang lipstick. Pfft
Pero kahit ganun , masaya kaming kumakain together at ilang ulit na din kaming pagalitan dahil sa ingay namin. Eh sa malakas lang talaga yung boses ng mga kasama ko , problema ba yun? Tahimik lang naman ako dito , pa shy type kumbaga , katabi ko kasi si Jin. Nagbabakasakali lang baka ideal girl niya yung mga shytype.

Senpai Is A LieWhere stories live. Discover now