I Love you, Daddy!

4.7K 77 36
  • Dedicated kay sa mga anak na hindi gaano ka close sa kanilang tatay
                                    

para to sa mga anak na hindi ganun ka close sa kanilang mga tatay. :)

I Love You, Dad!

                Close ako sa mommy at kuya ko, pero kahit kelan hindi ako naging close kay daddy, nag uusap kami pero hindi mo masasabing close, napipilitan lang ako makipag usap sa kanya kasi pag galang yun, daddy ko pa rin siya.

                Lumaki akong may galit kay daddy, dahil siguro.. wala siyang natutulong sa pamilya namin, wala syang work, hindi siya nakapag tapos ng college. Walang aasahan sa kanya. Siya ang umaasa sa nanay ko! Wala namang ginagawa sa bahay, hindi mag hanap ng trabaho. Minsan kahit mga basurero kina iinggitan ko, kasi kahit ganun trabaho nila, napag tapos nila mga anak nila, eh tatay ko walang effort.

                Walang araw na hindi ako na-bwisit sa tatay ko, salita ng salita akala mo naman may laman mga sinasabi niya, ano bang alam niya? Wala naman siyang natapos. Ni simpleng pag babasa hindi magawa, san ka pa? gusto mo ng tatay? Inyo nalang please.

“ Mommy, pahingi ngang pera bibili lang ako ng card ng load” sabi ni daddy kay mommy.

“ what’s new? Mommy pahingi, mommy, mommy. Puro nalang asa” sabi ko pero syempre bulong lang sa sarili ko.

Bumababa si kuya sa stairs nag mamadali.

“ Daddy! Ihatid mo naman ako sa school, late na ko eh” sabi ni kuya.

“Ihahatid pa, sayang ang gasolina, ang mahal mahal.” sagot ni daddy.

“ Sayang? Mahal? Ikaw ba ang nag papagas? Pera mo?” bulong ko ulit sa sarili ko. Nakakainis talaga!

“Mommy oh, ayaw ako ihatid ni daddy. Ang init init pa naman” sumbong ni kuya.

“ Ihatid mo na anak mo” sagot ni mommy.edi wala na siyang nagawa.

Umalis na silang dalawa ni kuya.

“Anak, wag mo naman masyadong bastusin daddy mo. Daddy mo yun” sabi sakin.

“ Wala akong pake ma, saktan niya kung gusto niyang saktan. I don’t care!” umakyat nalang ako ng room kesa mag away kami ni mommy.

                Okay, so si mommy ang breadwinner saming pamilya. 60k lang ang sweldo niya a month, pero kulang pa yun para sa everyday expenses namin. Pareho na kaming nasa college ni kuya, at 40+ ang tuition naming pareho.  May binabayaran pa si mom na bahay sa cavite monthly dahil dun siya nag sta-stay. Sa cavite siya nag wowork eh, habang si mommy nag papagod sa pag wo-work si daddy, petiks lang sa bahay, sarap buhay. Sino ba namang hindi magagalit? Naawa na ako kay mommy, siya yung nag papakapagod, tapos si daddy hindi? Siya dapat ang bumubuhay sa pamilya diba?

                Naiinggit ako sa pamilyang may magandang trabaho ang tatay, lalo na yung mga doctors, engineers, architects. Naiingit ako dahil may pinag aralan tatay nila.

                Hindi ako pinanganak na mayaman at hindi rin naman ako pinanganak na mahirap, may kaya ang pamilya ko pero minsan, hindi na kinakaya ng nanay ko. Minsan nababaon siya sa utang sa mga credit cards niya. Sobrang naawa nalang ako kay mommy, siya din ang mag hihirap sa pag bayad ng mga yun.

                Naligo na ako dahil may klase pa ako, hindi na ako nag paalam kay mommy kahit alam kong next week pa kami mag kikita.

                Last subject namin, Family and Values.  Ito ang pinaka ayaw kong subject sa lahat.

“Okay class, para sa project niyo, gusto ko gumawa kayo ng isang parang organization, tapos ilalagay niyo members ng family niyo at kung anong function nila sa family niyo. Deadline is next week, and you need to report your project here in front. Understand?”

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon