Sino yung katabi namin?(true story)

2.8K 46 74
                                    

Friday night, August 5th, 2011. After ng PE dumiretso kami sa bahay para mag inom.. "Emperador Lights" yun ang binili namin dahil malakas daw ang tama ng alak na yun, nag simula kaming mag inom around 6 natapos ay mga 7:30 pm marami kaming napag kwentuhan at halos mamatay kakatawa, nung natapos na kaming mag inom... syempre, hindi mawawala ang... PICTURAN! nauna kaming mag picture sa salamin, then lumipat kami sa salas. 

Merong kaming kaibigan hindi nakasama dahil uuwi pa siya sa kanila, two hours ang biyahe. Biglang nasabi nung isa kong kaibigan "Oy, Oy si Toni" nakatingin siya sa kusina namin, nakaramdam naman ako ng TAKOT! pumikit na ako at nag siksikan kami sa isang corner, yung isa kong kaibigan naman napa dive ng di oras. Lahat kami ay natakot para sa kaibigan namin, malayo ang byahe niya, bundok yun at maulan, tinext na namin siya, tinawagan at ang HINAYUPAK naman, ang sabi niya mag tri-trip to heaven daw siya. Ang sarap sarap konyatan!

 ( YUNG PIC DITO WAS NOT TAKEN LAST FRIDAY.. IT WAS TAKEN ata nung AUG. 2 ------->)

Nung medyo ok na kami, nag lalaptop na yung isa, yung iba ng aayos, nag po-powder ako nasa isang tabi, takot na takot pa rin. Maya maya sabi nanaman nung kaibigan ko "Oy Oy, may katabi tayo sa picture" EDI KAGULO nanaman! tiningnan nila lahat ng picture... LAHAT MAY KASAMA KAMI! 

"DELETE NIYO NAYAN" sabi ko sa kanila, iyak na ako ng iyak dahil sa takot. zinoom pa nila yung picture, talagang may kasama daw kami! 

Bahay namin yun, hindi ako matahimik, ni hindi ako makatingin sa picture. Iyak lang ako ng Iyak, hindi umalis ang mga kaibigan ko dahil sakin. 

Sa unang picture, labi daw ang kita, parang BRATZ daw. tapos yung isa malabo ang muka, yung isa kitang kita na daw...!!!! "Naka side view, mala-barbie ang mata at SUPER tangos daw ng ilong" hindi siya kalokohan at imagination, hindi porket nag inom kami ay may tama na kami. Ni hindi nga kami nahilo... IMpossible namang mag gawa gawa ng kwento ang mga kaibigan ko, 5 silang nakakita! ako lang ang hindi dahil super duwag ko! 

Kung naniniwala kayo dun sa pinky niyo na hindi pantay ay nagalaw, or nabati kayo ng kung ano mang spirit or myth. LAHAT KAMI HINDI PANTAY...

hindi ako makatulog nung gabing yun, kaya kinabukasan lumuwas ako papuntang alabang dahil nandun si mommy. 

Friday August 12, 2011... pina suob na namin ang bahay namin, pati ako nag pa suob na rin. SPIRIT daw yun. BAD spirit. Hindi maaiwasan walang ganyan sa isang bahay. 

Wag na kayong mag picture ng gabi lalo na kung kakaunti kayo sa bahay niyo, tsaka mag pa bless na kayo ng inyong mga bahay bahay para safe sa mga bad spirits. 

Totoong kwento to! Totoo lahat ng sinabi ko.. 

GUSTO KO LANG I SHARE ang isang napaka UNFORGETtABLE EXPERIENCE!

oo nga pala, napagalitan ako ng lola ko bakit daw kami nag iinom, kababae naming tao. blablablabla. ang iingay daw namin!  NAG INGAY LANG NAMAN KAMI NUNG NATAKOT KAMI! 

buti pa kay mommy at daddy, okay lang na mag inom... hayssss... lola nga naman!

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon