16

1.3K 71 11
                                    

Disclaimer: This is a corny/cliche chapter. You are warned.

**

16

"Bruha ka!!! Kwento mo, detailed!" Yan ang bungad sa akin ni Ligaya pagkakita namin. Tama ba naman yun, ni hindi nga tinanong kung kami na nga. Nagpapakwento agad.

"Ang atat!"

"Gaga, 100+ na kaya ung post ni Ethan sa facebook! Ang harot harot niyong dalawa!" May kasama pang hampas. Hindi ko alam kung masaya si Joy para sa amin o may pagkabitter din ung statement niya. Haha!

"Weh? Sampu lang yun bago kami matulog ah!"

Wala naman talagang engrandeng nangyari kahapon.

**

"Luh bakit ang dilim? Mommy!!!!" Sigaw ko pagkabukas ng bahay namin. Hindi pa ko nakakalayo sa pinto eh biglang may tumugtog na music.

"Haluh mumu?!!!" Teka, walang mumu sa bahay namin. May narinig akong mahinang tawa at naramdaman kong lumapit sa akin, aabutin ko na sana yung switch ng ilaw namin kaso naunahan ako.

"HALA 😳" Wala, walang petals na nakakalat sa floor. Walang scented candlelights o walang christmas lights na nakakalat.

Isang malaking box lang ng pink roses ang hawak ni Ethan na nasa harap ko ngayon. Gwapong gwapo at nakaflash ang famous smile niya na nagpapakilig sa maramong babae.

"AKALA KO MAY SAKIT KA?!!!" Sigaw ko na kinatawa naman niya. Binaba niya ung box ng flowers at bigla akong pinasuot ng blindfold.

"Uy alam ba 'to nila mommy?!! San mo ko dadalhin, Ethan!!!!" Natataranta ako pero di naman siya kumikibo. Ginuide niya ko paakyat at familiar sa akin na sa kwarto ko ung pupuntahan namin.

"Dito ka lang."

Nanginginig ako sa kaba at curiousity. Ano ba 'tong pakulo ni Ethan juicecolored!

"You can take off your blindfold now, baby." Tinanggal ko yung blindfold at nag-adjust ung paningin ko.

Kaya pala walang kung ano anong ek-ek sa sala namin eh andito pala sa kwarto ko yung surprise.

"Nagpaalam ako kina daddy para dito, don't worry. Umalis lang sila saglit to buy us dinner, libre daw nila in celebration of.. our relationship. Yun ay kung, sasagutin mo na ko."

My eyes looked around my whole room. There were balloons floating with my pictures attached to each. Oo, pics ko lang. May stolen, may nagpapacute ako at syempre may mga pics na sobrang ganda ko lang talaga.

On my bed were red and white petals forming words, "BE MINE?"

"I know it's not an original concept. Marami ka ng napanuod na viral vids sa fb na ganito, proposals and anniversaries. Hindi ko nga alam pano ko effortan ung pagpropose ko sayo eh. Sabi ni mommy kahit tanungin na lang daw kita agad-agad, pero I think you deserve a little effort from me." Hinawakan niya kamay ko tapos nilapit sa mga pics ko.

Each pics may nakasulat sa likod. They were histories for each photo. Kung ano nafifeel niya that time. There was this photo na natutulog ako sa lib habang nagaaral yata siya that time, "Bakit ba ang ganda mo kahit tulog? Akin ka na lang. Please."

Hindi ko alam kung medyo natiteary eyes ako sa kilig o sa natouch ako o ano. Pero juicecolored feel na feel ko ang ganda ko ngayon.

"Baby.." Niyakap ako ni Ethan mula sa likod habang binabasa ko isa isa yung mga pics

"Mahal na mahal kita, Miracle." Humarap ako sa kanya at niyakap rin siya ng mahigpit, "Will you be mine?"

Hindi ako sumagot pero sumiksik ako sa kanya tapos tumango ng paulit ulit. Hinalikan niya ko sa noo at lalo niya pang hinigpitan yakap sa akin.

This was the time na pumasok sila mommy at tuwang tuwang nagpipicture.

Yun ung pic na pinost ni Ethan sa fb, caption: "MINE. Finally."

**

"Maharot kayo!!! Walang forever!!!" Hinahampas ako ni Joy pagtapos kong magkwento. Wala daw forever pero kilig na kilig naman siya.

"Meron!" Kontra ko sa kanya.

"Wala nagbreak nga kami nung 23 eh!" Gaga talaga 'tong ligaya na 'to. "Hay nako kainis kang Milagro ka, bakit may lovelife ka na ako wala. Unfair eh!"

"Sorry, nag-iisa lang kasi si Ethan." Sinamaan niya ko ng tingin, "at akin lang siya."

"WALANG FOREVER!!!!" Hahahahahahaha ang sarap asarin ng mga bitter. Ewan ko ba dito.


xxxxxxxxxxx

Sorry sabi sa inyo korni lang eh hahahahaha bawi next ud!!! Comment kayo ha. Labyu!

#MrWorthIt on twitter 💙💙💙

Mr. Worth It #Wattys2016Where stories live. Discover now