12.1

1.6K 80 24
                                    




12.1

"Ang landi mo, Milagro. Grabe kayo ni Ethan." Andito kami sa library ulit at nakwento ko kasi sa kanya ung moment kahapon ni Ethan, ung pagseselos niya saka ung pagbigay ko ng note. Malandi na ba ko agad nun????

"Tigilan mo ko, Ligaya!" Natatawa kong saway kay Joy.

"Pero infairness noh, sino ba naman mag-aakala na after ng sem na 'to, may lovelife ka na." Tinaasan ko lang siya ng kilay, pag ako nilait neto mababato ko tong libro na hawak ko sa kanya, "pa-wattpad wattpad ka lang dati. Aba Milagro, iba ka na!"

"Sus maliit na bagay." Sabi ko sabay pabebe. Hahahahahaha!

Kahit naman ako di pa rin ako makapaniwala. Parang kelan lang sinabi ko na sa mga wattpad couples or books lang ako kinikilig. Kita niyo naman ngayon, may koya ethan na ko. Hay 😌😝

"Pwede maki-table?" Nilingon ko ung nagsalita kahit naman alam kong si Ethan 'to. Katext ko kasi siya syempre kaya alam kong pupuntahan niya ko diba.

Nasa ibang table ung mga blockmates namin kaya naman kilighearts na naman ang mga loka loka, gwapo kasi ng future boyfriend ko. CHAR! WAG KAYO MAINGAY HA!

Tumabi sa akin si Ethan at nakipagkwentuhan na rin kay Joy. Inaasar nga siya na ang landi landi niya daw at seloso pala.

 Inaasar nga siya na ang landi landi niya daw at seloso pala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ko nga alam na seloso pala ko eh."

"WEH" Syempre react ako agad aba. Tinaasan lang ako ng kilay, pag talaga may ibang tao lumalabas ung totoong kasungitan niya. Haynaku 🙄

"Ewan ko ba sa babaeng 'to.. Loka-loka masyado." Reklamo pa niya, syempre turn ko naman na samaan siya ng tingin, "pati ako binabaliw sa kanya."

"HUY!" Siniko ko si Ethan pano si Joy di mapigilan tumili, buti na lang agad niya narealize na nasa library kami kaya biglang na-mute yung tili niya.

Hindi rin kami makapag-aral ng maayos kasi kung ano ano pa rin talaga tinatanong ni Joy kay Ethan. Kung kelan daw nagkagusto sa akin, kung pano ako nagustuhan, kung gaano daw siya kaseryoso. Yung totoo? Nanay ko yata si Ligaya eh.

"Lagi kasi kami nag-iinisan sa chat. Nung umpisa talagang nakakainis siya, parang di nagseseryoso. Kaso habang tumatagal, parang hinahanap ko ung pagkakalog niya kausap. Hanggang sa nasanay na ko tapos di na kumpleto araw ko kung hindi ko siya susungitan at kung hindi niya ko babarahin. Tapos pag sa class lagi pa rin niya ko inaasar kaya ayun, sineryoso ko na ung mga biro biro lang." Ngumiti pa siyang nakakaloko ako naman eh namumula na. Dapat bawal magusap sa library, ayoko na kasi naman ung kilig ko eh!!!

"Ikaw nga Milagro, umamin ka nga. Totoo ung mga banat mo dito kay koya ethan noh!" Nag-rolleyes lang ako para kunware mag-deny ng feelings.

"Che!!!"

"Pakipot ka pa, kilig na kilig ka naman dyan!" Binato niya ko ng ballpen na nailagan ko naman, "aral muna bago landi huy!"

"Uy narinig mo un???" Tanong ko kay Ethan tapos bumalik ako kunware sa pagbabasa kahit di naman talaga ko makapagconcentrate dahil nga katabi ko siya.

"Ano yan?" Maya mayang tanong niya at sumandal pa sa akin ang loko. Juicecolored!!!

"Readings namin sa physio, nakakabaliw na nga eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Readings namin sa physio, nakakabaliw na nga eh." Reklamo ko kunware kahit ang totoo naloloka ako sa pagsandal niya sa akin. Si Joy din eh kitang kita kong pinipicturan kami ng pasimple. Kala niya!

"Ano ba yan, sa iba ka nababaliw. Samantalang ako.. sayo." Lalo pa siyang sumandal sa akin. Nang di ko na matiis eh kinurot ko na siya. Ang landi po ni koya ethan!!!

"Mag-aral ka na nga. Aral muna landi later!"

"Okay babygirl, maya na lang kita landiin uli after class." Haynaku, baliw nga talaga siya.



xxxxxxxxxxx

Sorry slow updates, finals kasi so aral aral muna. And sinasabay din ang interview for work. Haynaku sana di masyadong pagod para may time pa rin ako kay Ethan at Miracle.

Comment kayo please??? Para masaya naman mag-update ☺️☺️☺️

Follow niyo ko twitter: @erinxdizon 💙

Mr. Worth It #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon