Love Me Actually [10]

13.9K 135 16
                                    

Chapter 10

Second day of school festival, I decided not to roam around. Pumunta ako sa library para mag-aral at gumawa ng kung anu-ano.

This is the safest place to go to during festival because they keep the library policy for those who wanted to study. That means, bawal dito yung mga estudyanteng nagpopolice para sa jail at marriage booth.

Sina Bea at Mimi ay kasama si Kaylie and from what I heard, nandito ulit sina Ivan. Another reason why I'm hiding here, para iwasan siya.

I was scribbling something when I noticed someone moved the chair beside me.

"Hi." Bati ni Zed sakin. Nginitian ko lang siya. "Bakit ka nagtatago rito?"

"Ayoko na ulit mahuli nanaman ng mga booth sa labas."

"Sinabi nga nila." Napatingin ako sa kanya.

"Sinong sila?"

Hindi siya sumagot pero nilabas niya ang phone niya at pinakita sa akin ang litrato namin ni Ivan habang natutulog sa jail booth, habang nasa mga hita ko ang ulunan niya.

Hindi ako nagsalita. In a snap biglang naging halo-halo ang naramdaman ko. Inis sa kumuha ng litrato at sa nagpapakalat nito, hiya kay Zed at inis din kay Ivan.

Umirap lang ako at umiling. Siya naman ay ngumiti lang at binulsa na ang cellphone.

"Medyo may pagkaflirt lang talaga yung pinsan ko. Sana hindi ka agad mabihag."

"As if naman." Sagot ko.

"Pero mabait 'yun."

Mabait? Talaga? Baka sa piling tao lang. Kapag nakikita ko ang taong 'yon, walang magandang nangyayari sakin. Puro kamalasan ang napapala ko.

Habang mahina kaming nagkukwentuhan ay biglang may isinukbit sa balikat ko. It's like a long chain made of beads, napatingin ako kay Zed and he has the same. Magkadugtong ang chain na inilagay sa amin.

This is familiar. Napapikit ako ng maalala kung ano ito. Paglingon ay nakita ko sina Rye at Brent. Tahimik lang sila pero unti-unti kaming hinihila palabas.

Kahit na anong pilit kong umayaw ay hindi sila tumitigil. Ayoko naman gumawa ng eksena at baka hindi na ako papasukin ulit dito kaya wala na akong choice kundi tahimik na sumama sa kanila.

Pagkalabas namin ng library...

"Seriously?" Sabi ko sa kanila. Nandoon na rin sina Mimi at Bea.

"It's your time to shine girl!"

Tumingin ako kay Zed pero natatawa lang siya.

Pagkarating namin sa marriage booth ay may iilan ng students na naroon para manuod. Nanatili kami doon habang iniintay yung magpapanggap na pari.

"Pwede ka namang magrun away bride." Sabi ni Zed. I smiled at him while rolling my eyes jokingly.

"Hindi ako kasing ganda ni Julia Roberts para gawin 'yon."

"Hindi rin naman ako kasing gwapo ni Richard Gere para pilitin kang pakasalan ako."

"Well, we're here." I shrugged. Seeing Bea being in a marriage booth once help me to just get over it. And good thing it's Zed.

The fake ceremony started. I was kinda shocked to see a lot of people around us. Syempre, it's Zedrick.

Then we got to the part where we have to put a ring on each other's finger. Inabutan kami ng malamang ay fake ring but it kinda looks real. Yung mga singsing na nabibili sa tabi tabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me ActuallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon