Prologue

28.4K 305 66
                                    

PROLOGUE

"All your quarterly outputs will be submitted tomorrow. And don't forget to prepare for the upcoming Periodical Examinations. Much better if you maintain your current ranking as the top section in 4th year. If you keep it up until the end of the academic year, the administration will give a reward."

"Ma'am ano pong reward?"

"There's no official statement yet since it's too early. Pero kinoconsider nila ang out of the country trip or course slot sa Western University."

Naghiyawan ang lahat sa inanunsyo ng class adviser namin. Isa sa pinakanakakaexcite bilang graduating student dito sa St. Bernardine Academy ay ang makasama sa Top Class of the Academic Year. Ang school ay laging nagbibigay ng reward sa may mga pinakamagagandang academic performance, isang paraan nila para mas paghusayan ng mga studyante ang pag-aaral.

"Remember that this isn't all about your individual performance. This is teamwork. So pagbutihan niyo. Okay? Class dismissed."

Lumapit sakin si Bea habang nagliligpit ako ng gamit.

"Oh. My. Gosh. Parang mas gusto ko ang course slot sa Western University." Napatingin ako sa kanya.

"I prefer out of the country trip. Mas exciting." Sagot ko sa kanya.

"Madali lang makapunta ng ibang bansa. Sa WU depende pa kung makakapasa ka sa entrance exam. Tsaka maraming gwapo dun sis! Madali tayong makakabingwit ng jojowain." Kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Marami rin namang gwapo rito oh. Si Roy, gwapo naman siya." Asar ko sa kanya. May gusto kasi sa kanya si Roy simula noong 1st year palang kami.

"Eww! Shut up, Hanikka! Kung makita mo lang ang mga hotties sa Western U wala mga panama ang boys natin dito."

Biglang umakbay saming dalawa ni Bea si Almira na nakasukbit na ang bag pack.

"Tara na! Umuwi na tayo hindi pa ko tapos sa essay at project sa Trigo." Sabi niya.

Nagsimula kaming maglakad palabas ng school. Humiwalay din ako sa kanila paglabas ng gate dahil sa Baristas Cafe ang diretso ko kung saan ako nagpapart time job. Nagmadali akong naglakad dahil kailangan ko palitan si Ate Chai ng maaga. Nabanggit niya kasing may exam din siya ngayon. She is a Graduate student kaya gabi ang klase niya.

Napatingin sakin si Ate Chai pagkapasok ko sa coffee shop. Ngumiti ako ng malaki sa kanya at pinagekis ang mga braso ko.

"Sub. Sub."

"Hanikka! Thank you. Thank you!" nagbihis lang ako saglit at agad siyang pinalitan sa counter.

"Una na ko. Bye!"

"Good luck sa exam!" habol ko bago siya makalabas. Kumaway lang siya sakin.

"Hindi ba exam mo na rin Hanikka? Okay lang ba sayong magtrabaho ngayon?" tanong sakin ni Ate Pearl. Siya ang isa sa barista namin. Working student din siya tulad namin ni Ate Chai. College student siya sa isang State University na malapit dito.

"Oo ate. Makakapagreview naman ako mamayang gabi."

Maraming costumer ang Baristas Café at halos lahat ay mga nag-aaral na studyante. Exam week kasi ngayon at ito ang ginagawa nilang tamabayan para magreview.

Mag-aapat na taon na akong working student. Halos apat na taon na rin akong independent at mag-isang naninirahan dito sa Pilipinas. Sa US ako lumaki at nakakapunta lang noon dito sa bansa kapag summer break. Ang mga magulang ko ay naiwan sa US, hiwalay na. Pero patuloy ang suporta sakin ni Papa kaya nakakapag-aral ako sa isang private school.

Love Me ActuallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon