Chapter 24: The Game

9.5K 169 21
                                    

Chapter 24: The Game

[Rain Castanova]

Para talagang baliw si Tristan. Kumuha pa siya ng tatlong bote ng alak, marami pala siyang dala at nasa maletang dala niya ito nakatago. Limang Jack Daniels ang kailangan naming ubusin. As if namang malalasing kami. We're all werewolves that's why alcoholic liquors won't have any effects on us. Ito rin ang magiging first time kong makakainom ng alak kaya medyo kinakabahan ako, but anyway I'll going to enjoy this na lang.

"Ladies first! Alex, ikaw muna."

Pabilog ang pwesto namin kaya kung si Alex ang mauuna ang magiging sunod ay si Tristan tapos si Vee tapos si Ivan tapos ako at ang huli ay si Luke. Mabuti nalang at nahuhuli ako kaya may pagkakataon pa akong makapag-isip sa laro naming Never Have I Ever.

"Fine. I've never made out with a girl," nakangising sabi ni Alex.

Padabog na kinuha nila Ivan at Tristan ang mga basong nasa gitna at nilagyan iyon ng alak. Kunot ang noo nilang ininom ang kanilang basong may lamang alak.

"Unfair!" Tristan hissed.

"Oh, tapos?" pinagtaasan lamang siya ng kilay ni Alex.

"That's unfair. We're dudes!" sagot ni Tristan na parang batang nag-iinarte.

"Heh! Tama na iyan! Ikaw na Tristan!" sabi ni Vee kaya natahimik si Tristan at napangisi.

Baka may kamanyakang lumabas sa bibig niya.

"I've never had sex!" masayang sigaw ni Tristan sabay taas ng kamay.

Walang naglagay ng alak sa mga baso.

"Proud na proud ka eh, 'no?" I said.

"May ipinapahiwatig lang iyan hahaha!" sabi ni Ivan kaya naman naguluhan ako.

"Ewwness to the highest level! Akala ko nagawa mo na iyon dahil sa kalandian mo!" sabi ni Vee at mukhang na-offend si Tristan dahil nakita kong ikinuyom niya ang kamao niya.

"Maraming namamatay sa maling akala. Buti nga't buhay ka pa," naasar na singhal ni Tristan.

A warning growl escaped from Ivan. Mukhang magkakainitan dito, ni hindi pa nga nagtatagal ang laro.

"Enough," malamig na usal ni Luke kaya't kahit papaano ay naputol ang tensyong namamagitan sa amin.

"Vee, ikaw na," sabi ko at nginitian siya. Kumuha ako ng chips na nasa gitna.

"Hindi pa ako nakaka-apak ng poop," sabi niya.

Naglagay ng alak sina Alex, Ivan at Luke.

Pfffftt. So, he stepped on a poop, huh? Ano kayang reaction niya noon?

"I've never kiss a dude," nakangising sabi ni Ivan. Gumaganti ata siya.

Naglagay sina Alex, Vee at Tristan ng alak sa kanilang mga baso at ininom iyon.

Wait? Si Tristan?

"Takte pare ba't ipinaalala mo pa!" sigaw ni Tristan sa kaibigang si Ivan na parang walang nangyaring masama kanina dahil mukhang okay na ulit sila.

"Wala kasi akong maisip hahaha!"

"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni Alex.

"Tss. Highschool ako no'n okay?! Itinulak ako bigla ni Luke sa lalaking nasa unahan ko at sa nakakadiring pangyayari lumanding ang maganda kong lips sa labi ng lalaking kamukha ng paa ko!" paliwang niya kaya napatawa kaming lahat.

I'm the Broken LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon