Chapter 5: Cold Mate

13.9K 275 28
                                    

Chapter 5: Cold Mate

[Rain Castanova]

Ilang beses kong tinitigan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nagtataka ako kung bakit nagtatagal ako dahil lang sa pagpili ng maisusuot ko ngayong araw na ito. Ilang beses kong sinuklay ang buhok ko pero hindi pa rin ako mapakali.

Mga babae talaga.

Nagpalit-ulit ako ng damit. Isang plain white fitted na shirt at isang dark washed jeans at black na converse ang napili ko. Alas siyete na ng umaga, malamang bago mag-alas otcho ay nandoon na lahat ng kasamahan ko sa pack house para magbigay bati sa mga bisita. Sinuklay ko ulit ang aking kulay brown na buhok na hanggang bewang ang haba. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at patakbong lumabas ng bahay.

Napahinto nalang ako ng mapansin na isa lang ang nakaparadang sasakyan sa harap ng aming pack house. Isa itong itim na Porsche. Grabe, gusto ko ang ganitong klase ng kotse pero ayaw ni Dad dahil hindi ko daw magagamit! Unfair! Nang bubuksan ko na ang pinto ng pack house ay napahinto ako. His mint scent lingered everywhere! Fuck. Nanginginig kong pinihit ang sedura ng pintuan at kasabay nang pagbukas ko ng pinto ay ang malakas na lagabog na nanggaling sa itaas. Bakas ang gulat sa kanyang itim na itim na mga matang nakatingin sa akin. Mula sa itaas ay pinasadahan niya ako ng tingin, mula ulo hanggang paa at saka ulit huminto ang kanyang tingin sa aking mga mata. Napalunok ako.

Hot.

"Anong problema? Bakit lumabas ka kaagad?" tanong ni Alpha Nick na kakalabas lang ng kanyang opisina kasunod niya ang kanyang asawa si Luna Sophia.

The person who was standing outside the room on the second floor was so handsome! I had to resist the urge to check if I was drooling! Argh, come on Rain, get a grip of yourself! Mayroon siyang itim na itim na buhok na bumabagay sa kanyang itim na mga mata, matangkad siya at misteryoso ang dating. His muscles big, but not gross. His pinkish lips were so inviting.

Ang swerte ko! I found my mate!

"Wala. Pasensya na ituloy na natin ang pinagu-usapan natin," ang malamig na boses niya ay nagdala ng kakaibang sensasyon sa aking katawan.

Pinutol niya ang aming titigan at pumasok sa loob ng opisina ng aming Alpha. Sinundan siya ni Alpha Nick na hawak sa kamay ang kanyang asawa. Napasandal ako sa pintuan habang nakatingin sa nakasaradong pinto ng opisina sa itaas.

"Rain!" Napalingon ako sa aking kaliwa kung nasaan ang living room. Kumakaway sa akin sina Vee at Alex. Malaki ang ngiti ng mga ito.

Bumuntong hininga ako at naglakad papalapit sa dalawa.

I sat down on the couch next to Vee, katabi naman niya si Alex. Hindi pa rin mawala ang kanilang abot tengang mga ngiti. Napabaling naman ang tingin ko sa harapan. May nakaupong dalawang gwapong nilalang. Ang isa ay may seryoso mukha at ang isa naman ay may pilyong ngiti sa labi. Binaling ko ulit ang tingin sa katabi kong si Vee at nakita ko kung paano kumislap ang kanyang mga mata.

Okay. I get it.

"Hindi niyo ba ako ipapakilala?" pagkatanong ko ay agad na nawala sa tabi ko ang dalawa kong kaibigan. Nilingon ko ang dalawang lalaki sa harapan, nasa kanilang mga hita na ang aking mga kaibigan.

Napailing nalang ako.

"So?" panimula ko. Grabe kasi silang magtitigan sa isa't-isa, na-iinggit tuloy ako.

I'm the Broken LunaWhere stories live. Discover now