One moment ( One shot ) ♥

615 25 29
                                    

Dedic to her. Again, THANK U sis sa BOOK COVER ^___^

--------------------------------------------------------------------------------

"Hi miss, is this seat taken?"dinig kong tanong ng isang lalaki. Alam ko na ako ang tinatanong nya kaya lumingon ako para tingan sya.

"Duh?May naka-upo ba? di ba wala naman?Not unless kung may nakikita ka na hindi ko nakikita!" yan sana ang gusto kong isagot sa kanya, pinigilan ko lang. At isang iling na lang ang iginawad ko sa kanya.

Sayang, gwapo pa naman sana. Tanga lang. bulong ng isang bahagi ng isip ko.

Nagtanong lang tanga agad? Hindi ba pwedeng naninigurado lang? sagot naman ng isa pang bahagi ng isip ko.

Hay bago pa ko masiraan ng bait dahil sa lalaking ngayon ay umupo na sa tabi ko, muli ko na lang ibinaling sa labas ng bintana ang tingin ko.

"Here" dinig kong muling sabi ng lalaking katabi ko, kasabay ng paglitaw sa harap ko ng isang pink na panyo.

Seriously? pink talaga?! Tsk, sayang talaga.. ang gwapo pa naman.

"Pffft, wag ka manghinayang miss, lalaki ako sigurado ako sa sarili ko."nakangising wika nito ng lingunin ko.

Tinaasan ko lang sya ng kilay as if sayang Who the hell care? pero ngumiti lang sya sabay abot uli ng panyo.

"Sige na kunin mo na, kanina ko pa napapansin na umiiyak ka. Kaya nga tinabihan na kita dito dahil baka bigla ka na lang mamatay dyan, eh di konsensya ko pa."

So ganun? yun pala ang reason kung bakit sa dinami-raming bakanteng upuan ng bus na sinasakyan namin ngayon eh dito pa talaga sya sumiksik sa tabi ko? At teka, may namatay na ba dahil lang sa pag-iyak?!

Magsasalita na sana ako pero bigla nya akong inunahan. "Look, pati sipon mo tumutulo na oh,"

What?! Mabilis kong kinuha yung panyo sa kamay nya at nagpahid ng ilong. Wala namang sipon ah! Nagpahid na muna ako ng luha bago ko sya tiningnan ng masama.

"Peace! hehe" sabi nito na naka peace sign pa. Inirapan ko na lang sabay ayos ng upo.

Matutulog na lang ako. Tatlong oras pa naman ang byahe.

I was in the middle of my dream ng maramdaman ko na may tumatapik ng marahan sa pisngi ko. Kaya dahan dahan akong nagmulat ng mata.

"What?"masungit na tanong ko sa kanya. Sya pala yung nanggambala sa tulog ko. Kainis!! Wala akong pakialam kung gwapo sya!Ayoko sa lahat eh yung naaabala tulog ko! Argh!

"Uyy nagsasalita ka pala? hehe kala ko pipi ka eh!"

"Shut up!" kainis! kung makapang asar lang kala mo close kami? duh?

"Bus stop, baka you want to go to the restroom or eat something?"nakangiting tanong nito. Tsk, bakit ba ang gwapo nya? kaasar!

"Thanks." maikling sagot ko then bumaba na ko ng bus para mag cr.

Pagbalik ko nakita ko syang kumakain ng siopao. Ginutom tuloy ako! Pero hindi na ko pwedeng bumaba uli dahil umandar na uli ang bus. Ang haba kasi ng pila kanina sa cr kaya medyo natagalan ako.

"Here."nagulat ako ng abutan nya ko ng siopao. "binili ko talaga yan para sayo.."dugtong nya ng mag-alangan akong tanggapin yung siopao na may kasama pang bottled water.

"Thank you."nakangiting sabi ko. Nakita kong nagulat sya. Kaya mabilis na napalis yung ngiti ko.

"You should smile often, para lalo kang gumanda."

Hindi ko alam kung anong isasagot o sasabihin ko sa sinabi nya kaya tumingin na lang uli ako sa labas ng bintana habang kinakain yung bigay nyang siopao.

Hindi na ko makatulog uli kaya minabuti ko na lang na tumingin sa mga nadaraanan namin. Nalibang ako kaya hindi ko napansin ang oras. Naramdaman ko na lang na huminto na ang bus at sinabi ng kundoktor na nasa Subic na kami, kung saan ang destinasyon ng lahat ng mga pasehorong katulad ko.

Nawala din sa isip ko na may katabi nga pala ako.

Bahagya pa kong napaigtad ng magsalita ito. "You're crying again. Tsk."

Ha? Mabilis kong hinawakan ang pisngi ko na hindi ko namalayan na basa na pala ng luha.Pinunasan ko ito gamit uli ang panyong iniabot nito kanina.

Naalala ko na naman kasi. 

"Thank you dito.."tukoy ko sa panyo.

He just smiled and say "keep that." Kaya tumango na lang ako.

"Alam mo ba na mas madaling pag-aralan ang gravity, kesa ang acceleration?" muling saad nito ng makababa na kami ng bus. Hindi ako kumibo at hinintay ko ang sunod nyang sasabihin.

"Mas madali ang gravity kesa acceleration dahil mas madaling ma fall inlove kesa ang mag move-on."

Ha? Anong pinagsasabi nito? Iniisip ba nya na kaya ako umiiyak ay dahil sa nag break kami ng bf ko? Wala naman ako nun eh! Ang adik lang?

Hindi ko tuloy napigilang tumawa. "Ewan ko sayo! Sige alis na ko."sabi ko sabay talikod at nagsimulang humakbang.  Hindi pa ko nakakalayo ng bigla itong sumigaw kaya napalingon ako.

"Pwede ko bang malaman kung bakit ka umiiyak kanina?"

Ngumiti muna ako bago sumagot ng pasigaw din. "Dahil sa nabasa kong pocketbook! Nakaka-iyak eh!"

Kitang kita ko kung paanong bumilog ang mga mata nya. Pero hindi ko na sya hinintay na magsalita uli. Naglakad na ako palayo. And this time.. with a smile on my lips.

A/N: THANKS FOR READING :")

VOMMENTS PLEEEAASE ^____^

One moment ( One shot ) ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon