Hell 2

9.8K 210 11
                                    

Present Time;

Her Pov

"Good Morning!!" Masaya kong bungad sa pamilya ko pagpasok ko palang ng dining room. Pinaghahalikan ko muna sila sa pisngi tsaka ako naupo sa pwesto ko.

"Mukhang maganda ang gising ng Princess namin huh." Nakangiting puna sa akin ni Daddy.

Kumuha ako ng pagkain ko at inilagay sa plato. "Syempre naman po.. Alam ko kasing nandito kayo.."

"Woooh,, sipsip.." Ismid ni Kuya Zeron tsaka bumaling kay Daddy. "Wag kang maniwala dyan, Dad.. Nang-uuto lang yan kasi may kailangan.."

"Oy, wala huh.." Depensa ko agad.. "Na-miss ko naman talaga sina Mommy at Daddy.."

Nginisian nya ako. "Ows, kaya pala sabi mo kahapon, kailangan magpakabait ka pagdating nila para ibigay nila yung gusto mo.."

Nanlaki ang mata ko. "Hala! Hala! Wala kaya akong sinasabing ganyan.. Writer ka huh!!"

"I heard that too.." singit ni Ate Zea at nginisian din ako.

Sinimangutan ko sila. Nakakainis talaga sila.. Inuumpisahan na naman akong pagkaisahan. Palibhasa kambal kaya pareho ng ugali.

"Kayo talagang kambal.." naiiling na sabi ni Mommy. "Lagi nyo nalang pinagkakaisahan itong Princess natin."

Napangiti naman ako. Waaahh!! Bait talaga ng Mommy ko.

Nakangiti akong binalingan ni Mommy. "So, Princess, ano ba yung gusto mo??"

Napasimangot ako. "Mommy naman eh.."

At tinawanan nila akong tatlo.

Akala ko pa naman, kakampi ko ngayon si Mommy.. May simpleng banat din pala.. Huhuhu, lagi talaga nila akong pinagkakaisahan kapag ganitong magkakasama kami.

"Wag nyo na ngang i-bully ang Princess natin.." Awat ni Daddy na syang ikinangiti ko.. Hoho, sya talaga ang kakampi ko. Kaya lumaki akong Daddy's girl eh. "Anyway, Princess, nabanggit sa akin ng Tito Jeric mo na may nagugustuhan na daw na babae si Xeric.."

"Ha??" Gulat kong sabi.

"Ow, you're still into him huh.." ani Kuya Zeron.

"May nagugustuhan na sya?? Kelan pa?? Bakit hindi ko alam?? Imposible!!" Sunod-sunod kong sabi.

"Wait!! Until now, gusto nya pa din ang lalaking yun??" Kunot noong tanong nila Mommy at Ate Zea.

Sabay na tumango sina Daddy at Kuya.

"Pero, Dad.. Imposible yun.. Wala naman syang nagugustuhan sa school nila eh. Ni hindi nga sya lumalapit sa mga kaklase o ka-schoolmate nyang babae eh. At magmula naman nang mag-summer, hindi sya gaanong naglalabas ng bahay nila. Kung lalabas man, puro lalaki lang ang nakikita kong kasama nya.."

Nakita kong natigilan sila sa pagkain at kunot noong tumingin sa akin.

"Paano mo naman nalaman yun??" Tanong ni Kuya Zeron.

"Maliban sa kakuntsaba ko ang mga kaibigan nya na syang nagre-report ng mga ginagawa nya sa school lagi ko din syang sinusundan kapag lalabas sya ng bahay --" Natigilan ako at napahawak sa bibig ko. Waaaahhh!! Bakit ko sinabi yun?? Hala! Hala! Inilaglag ko pa ang sarili ko.

"Sinusundan mo sya??" Pinanliitan ako ng mata ni Mommy.

Umiling-iling ako pero halata namang hindi sila naniniwala dahil nga sinabi ko na. Huhuhu, ang daldal ko naman kasi eh.

"Ikaw yung stalker ni Xeric noh.." Ani Ate Zea.

Napabuntong hininga ako. Wala na, inilaglag ko na ang sarili ko. Wala nang sense kung magsisinungaling pa ako. "Yeah, kapag nasa school sya, yung mga kaibigan nya na kakuntsaba ko ang nagsasabi sa akin ng mga ginagawa ni Xeric My Labs at umuuwi sya dyan sa bahay nila, lagi akong nakabantay sa kanya at sinusundan ko sya kapag lumalabas naman sya.."

Hellion Academy (The Chess Pieces Officers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon