Hell 1

14.5K 260 28
                                    

[a/n: Hellion Academy (The Chess Pieces Officers) is now available on Dreame App.]

3rd Person's Pov

It's already 12 midnight at karamihan sa mga residente ng isang malaking syudad na tinatawag na Shiganshina ay mahimbing nang natutulog sa kani-kanilang mga tahanan. Ang ilan naman ay kasalukuyan nang o di kaya'y nagsisimula pa lamang sa kanilang panggabing trabaho. Habang ang ilan naman ay nagsasaya sa kanilang mga piniling lugar tulad ng mga bar.

Sa isang paaralan na nasa hilaga ng syudad, isang kakaibang kasiyahan ang piniling gawin ng mga estudyanteng nasa loob nito.

Kasabay ng madilim na kapaligiran at ingay ng mga pang-gabing insekto, isinasagawa ng mga piling estudyante ang kanilang kasiyahan sa rooftop ng isa sa matataas na building ng paaralan. Lahat ng narito ay nakasuot ng itim na maskara na syang nagpadagdag sa kanilang enxcitement.

Pero sa pinakagitna ng nasabing rooftop, may apat na estudyante ang nakasuot ng puting maskara na syang naiiba sa iba. Iniilagan ang mga ito dahil na din sa mga markang nakaukit sa maskarang suot ng mga ito. Mga piyesa ng larong Chess.

Sa harap ng apat na ito, may limang babae at tatlong lalaki ang nakahandusay sa sahig. Nakatali ang mga kamay at paa habang may busal ang bibig. Tanging undergarments lang ang suot ng mga ito kung kaya't kitang-kita ng lahat ang mga pasa at sugat na syang tinamo ng walo. Halos naliligo na din sila sa sarili nilang dugo dahil sa lalim ng kanilang mga sugat.

Buhay pa ang mga ito, pero bakas na din ang matinding paghihirap at panghihina na sinabayan pa ng matinding lamig dahil sa malakas na hangin.

"Hanggang kailan ba natin sila pagpapahingahin??" tanong ng isa sa nakasuot ng puting maskara na may nakaukit na isang itim na tore (rook) sa kanang parte nito. Nillaro nito sa mga daliri ang tatlong dagger habang hinahaplos ang mukha ng isa sa mga lalaki. "naaawa na ako masyado dito sa Baby Lance ko eh.."

"wag ka namang mainip dyan." inakbayan ito ng nag-iisang lalaki sa apat. May itim itong obispo (bishop) sa kaliwang parte ng maskara "kung gusto mo, paliligayahin muna kita.." at hinalikan ang leeg nito.

"hmm, gusto ko sana pero nakakahiya naman kay Baby Lance ko." bahagyang inilayo ni Ms. Rook ang inilayo ang ulo ni Mr. Bishop. "alam mo naman na ayokong nagchi-cheat sa kanya.. Tsaka nalang kapag patay na sya.."

"ano bang gagawin mo sa kanya??" tanong pa ni Mr. Bishop. Bumalik ito sa kanyang upuan.

"babaunan ko sya ng mga daggers ko sa iba't-ibang bahagi ng katawan nya.. Hihihi, ang saya sigurong marinig ang sigaw nya noh.." masaya pa nitong sabi.

Bumakas ang matinding takot sa mga mata ni Lance habang pilit iniiwasan ang kamay ni Ms. Rook na hinahaplos ang kanyang pisngi.

"it's not cool, Sis.." maarteng sambit ng isa pang bbae na may itim na kabayo (knight) sa kanang parte ng maskara. "mas masaya yung madugo.. Yung brutal.."

"yung dahan-dahan mong hihiwain ang katawan nya mula leeg hanggang puson tapos, hahalukayin mo palabas ang mga lamang loob." paglalarawan ni Mr. Bishop. "Ang kalat naman nun eh."

"yun nga ang maganda eh.. Mas makalat, mas masarap sa pakiramdam.. Mas nakakasatisfy.. Pwede din namang balatan natin sila ng buhay.. Or pwede din namang putulin natin ang bawat isang parte ng katawan nila.." dagdag pa ni Ms. Knight.

Hindi maiwasan ng mga nakakarinig sa usapan ng mga ito ang mandiri lalo na at talagang nai-imagine nila ang bawat paglalarawan nito sa esksena. Hindi lang nila magawang mag-react dahil ang apat na ito ay kabilang sa grupo na syang namamahala sa kanilang paaralan. At ang bawat miyembro ng grupong ito ay kabilang sa dalawampung pinakamalalakas sa buong paaralan nila.

Hellion Academy (The Chess Pieces Officers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon