Simula

10 1 0
                                    

Warning:
This story contains mature scenes that may not be suitable for young readers.

--

Nandito ako ngayon sa bahay nila Siera. Magkapit bahay at mag-bestfriend na kami eversince mga bata pa kami. Syempre kami ang magkalaro parati. Kabisado ko na sya at ganun din sya sakin, parehas kaming solong anak kumbaga ang turingan na namin ay sisters by heart not in blood.

Hinimas himas ko yung likod nya habang umiiyak sya.

"Tahan na Siera, walang kwenta yung mga ganung klase ng lalaki! Wag mo sayangin yung luha mo sakanya!"

Naiinis ako kung bakit iniiyakan nya yung kinekwento nyang crush nya. Sa description pa lang nito sakin major turn off na talaga.

"Hindi ko kasi alam Emery, pakiramdam ko gusto nya rin ako pero bakit ganun? Bakit gusto nya na kalimutan na lang daw yun?" Tapos umiyak na naman sya.

Di ko pa nakikita yung itsura ng lalaki pero naaasar na talaga ko sakanya. Nakakabwisit yung mga lalaking pa-fall, yung pasweet sweet kuno yun pala wala naman balak saluhin ka sa dulo.

Ganto kasi yung nangyari ayon sa kwento ni Siera.

Magkaklase sila at magka-course nung Shaun, pareho silang Computer Engineering.

Una silang nagkakilala nung second year college. Transferee kasi ito galing US sa school nila. Sweet daw yung Shaun sa lahat palibhasa daw kasi ay magaling na basketball player at varsity sa school nila. Bukod sa matangkad at maganda ang katawan, may itsura rin ito kaya maraming mga fans.

Si Siera ay isa sa mga nabiktima ng charms nito. Eto rin kasing babaeng to. Sweet lang sakanya nahulog naman, ginagawa rin pala sa iba. Ang katwiran nya iba daw kasi talaga pakitungo sakanya, iba yung sweet nito sakanya. Hindi ko masabing hopia lang si Siera kasi di ko naman alam kung paano yung kakaiba at di ko pa nakikilala yung lalaki.

Magkaiba kami ng school ni Siera, sa Eastside University siya ako naman ay sa Verden College. Kaya sa bahay at weekends lang talaga kami nagkikita.

Ang iniiyak this time ni Siera ay dahil daw naginuman sila ng mga blockmates nila kagabi at kasama dun si Shaun, maraming nakalingkis na mga babae sakanya pero mas pinili daw nito na katabi sya kaya hopeful na naman tuloy si Siera. Hinatid pa daw sya pauwe kagabi dahil nahihilo na siya sa kalasingan ng bigla daw sya hinalikan ni Shaun tapos nag-goodbye.

Sa sobrang gulat daw niya di na nya natawag si Shaun kung para saan yun at ano ang ibig sabihin. Kilig na kilig naman ang kaibigan nya at di daw makatulog. Only to find out the next day na ng kinumpronta nya si Shaun na ang reason daw nito ay lasing lang din sya at kalimutan na lang ang nangyari.

Her heart broke into millions of pieces. Akala nya may i-aangat na ang relasyon nila wala pa pala. Tapos nakita nya si Shaun na nakikipaghalikan sa locker room with some random girl na mas nagpadagdag ng sama ng loob nito.

"Emery di ko alam kung bakit, ang sakit sakit. Four years ako umaasa sakanya. Ang bait bait nya sakin, ang caring, ang sweet, tapos hinalikan nya ko then sasabihin nya wala lang sakanya yun?! Anong klase sya!"

Tapos humagulgol na naman ito. Naiinis lang sya lalo sa Shaun na yun. Kun sino man yun di sya worth it. Dapat yung mga malalanding lalake ay iniiwasan at di nalang pinapansin.

"Wag ka na umiyak, Si! Kalimutan mo nalang sya. Madami pa dyang iba. Magmove on ka na lang. Siguro iwasan mo na lang din sya at as much as possible wag ka na maniwala sa mga pinapakita nyang kalandian sayo."

Nagpatuloy pa sya sa pagiyak habang ako ay pinakikinggan lang ang mga hinagpis na sinasabi nya.

"Ba't ngayon ka lang, Emery!" Sigaw ni Nanay sakin. Ginabi na ako ng uwe kakapatahan kay Siera na walang tigil sa pag-iyak.

The Player's First LoveWhere stories live. Discover now