By His Side

28 0 0
                                    

MARAHAN niya akong inilapag sa wooden floor ng tulay. “Salamat!” He smiled. Then, he hurried back to the car to retrieve our picnic basket.

                Ahh, napakasarap ng simoy ng hangin.

                Kasalukuyan kami noong nasa lake na madalas namin pasyalan. Ito ang lugar kung saan kami nagkakilala. Dito siya nagtapat ng kaniyang pag-ibig. Dito siya lumuhod sa aking harapan, at tinanong kung nais ko ba siyang makasama habang-buhay. Dito rin kami nag-selebra ng aming unang anibersaryo.

                Ngunit, nasaan ang pangakong habambuhay?

                Nang araw na ito, pakiramdam ko’y hindi lamang puro magagandang ala-ala ang maaalala niya sa lugar na ito. Maging ba aking paglisan?

                Pinigil ko ang paghulagpos ng damdamin.

                Nakangiting umupo siya sa aking tabi, tangan ang gitara na regalo ko noong nakaraang kaarawan niya. It was also named after me—Candy.

                “Gerry, sing for me. Please?” Lambing kong hindi na kailangan ng pangalawang salita.

                “Oo naman,” ilang saglit pa’y pumailanglang ang malamyos nitong tinig sa aking teynga. “If there were no words, no way to speak. I would still hear you. If there were no tears, no way to feel inside. I'd still feel for you. And even if the sun refuse to shine. Even if romance ran out of rhyme, you would still have my heart until the end of time. You're all i need...  my love, my valentine...

                Humilig ako sa kaniyang balikat. Ninanam-nam ang mensaheng hatid ng madamdaming kanta. Alam niyang paborito ko si Jim Brickman kaya siguro iyon ang inawit nito.

                Habang nanunuot sa aking puso ang bawat lirikong sinasambit niya’y hindi ko maiwasan ang magtanong.

                Bakit ako pa? Marami namang iba diyang mga halang ang kaluluwa, ah! Noon ay nagpakabuti ako, namuhay bilang isang mabuting kristyano. Subalit, nasaan ang awa na nais kong ilimos niya sa akin?

                Diyos ko, bakit ako pa?

                Tuluyan ng bumagsak ang luha sa aking pisnge.

                “All of my life, I have been waiting for all you give to me. You've opened my eyes and showed me how to love unselfish—“ tumigil sa pagkanta ang aking esposo. Pag-angat ko ng tingin ay aking natuklasan ang paglambong ng luha sa kaniyang mga mata. “I-ituloy mo lang, honey!” Ang aking muling samo.

                “P-pero—“

                “I love you. Please, continue the song!” Sa nanlalabo kong mga mata ay hindi pa rin nakalagpas ang pag-sungaw ng hapdi sa kaniyang mukha. Magkagayunman ay napaka-gwapo pa rin ng aking asawa, kumpara sa aking tinakasan na ng natural na kulay at nalalagas na ang buhok.

                Sinunod niya ang aking hiling.

                Masaya akong mamatay sa piling mo, mahal!

ITINULOY ko ang kanta...

I've dreamed of this a thousand times before. In my dreams i couldn’t love you more. I will give you my heart until the end of time. You're all I need... my love, my valentine. And even if the sun refuse to shine. Even if romance ran out of rhyme. You would still have my heart until the end of time. ‘Cause all i need is you, my valentine!

Kinintalan ko siya ng halik sa buhok. Subalit, nagtaka ako ng hindi man lang siya tuminag upang mag-pasalamat o pumalakpak man lang tulad ng nakagawian na niya noon.

“H-honey?” Paos kong tawag sa kaniya. Tila ayaw lumabas roon ng anumang tunog. Ibinaba ko ang gitara, saka ipinihit ang nakasandal niyang katawan sa aking balikat. “Oh, God!” Agad ko siyang pinulsuhan. Subalit, bakit wala akong madama? Lalo akong namutla. Nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso. Bakit biglang sumalakay ang kaba? Oras na ba? Hindiiii!

Niyugyog ko ang kaniyang balikat. Subalit, wala pa ring sagot. Wala na ang pamilyar nitong ngiti. Tanging walang buhay na mukha ang nasa aking harapan. “Honey, don’t joke like that! Hindi mo pa oras, gagaling ka pa, hindi ba? H-honey... Candice, gumising ka naman, oh...!” Umaasam pa rin ako. “Candiceeeeeeeee!” Sa pagitan ng mga luha’y sigaw ko.

Ngunit, nanatiling walang sagot ang aking pagtangis. Sa bandang huli, ang yakapin siya, ang tanging bagay na aking magagawa.

“Mahal na mahal kita... at mamahalin pa rin kita, kahit wala ka na!”

Naririnig mo ba?

And even if the sun refuse to shine. Even if romance ran out of rhyme. You would still have my heart until the end of time. You're all i need... my love, my valentine!

Picture Perfect Love (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon