Don't Say Goodbye

79 1 0
                                    

HE is leaving me. Kung saan siya tutungo o kung kailan siya babalik ay walang nakaka-alam. Pinagmasdan ko ang dahan-dahan niyang paglulan sa bus na tila ba may hinihintay. Ngunit sino? Ah, masakit isiping hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin niya ako magawang pag-ukulan ng pansin.

               Ako ang palagi niyang kasama, hindi ba? Ngunit, bakit kailangan pa niyang maghintay sa iba?

               Mahal kita, piping usal ng aking puso.

               Dalawang taon na ang nakararaan simula ng una kaming magkakilala. Tila isa siyang basang sisiw na nakaupo sa harap ng aking bahay. He looked like a lost puppy, then. Hindi ko napigilan ang aking sariling ayain siyang pumasok sa loob ng apartment kahit pa isa siyang total stranger.

               After all those years I was able to chain his life to mine, ay nagpupumillit na siyang makawala. Nais nang lumaya ng asong ligaw na tinulungan ko…

               “Myrtle, I’m sorry if I have to leave you. P-pero, kailangan ko na munang lumayo,” he exhaled sharply. There was a glint of sadness in his eyes.

               Hinaplos niya ang pisnge nito, tulad noong gabing ginaw na ginaw ito’t gutom. “Naiintindihan ko. Kahit... kahit na masakit ang magiging pagkawala mo...”

               Napamaang ito, tila may nabasa siyang pag-asa at kakaibang sigla sa mga mata nito. Subalit, iwinaksi niya ang isiping iyon. Paano ito magiging masaya ngayong magiging miserable ang buhay niya kapag nawala na ito. Her life wouldn’t be the same without him.

               “Wala na akong daratnan sa bahay pag-uwi ko. Wala na akong taga-luto, taga-hugas ng plato, taga-linis at taga-laba,” biro niya.

               Nawala ang nabasa niyang emosyon sa mga mata nito. Magka-gayun man ay sumilay ang isang tipid na ngiti sa mga labi nito. “Kailangan mo ng maghanap na katulong,” natawa siya. “O isang... a-asawa.”

               “H-hah?”

               “Forget it... Ma-mimiss kita, my lovely angel,” iyon ang naka-gawian nitong itawag sa kaniya, isang linggo matapos nitong maka-recover.

               “A-ako rin,” pinilit niyang ngumiti sa kabila ng nagbabadyang pagpatak ng kaniyang mga luha. Wala siyang lakas na pigilan ito. Tila siya isang kandilang mauupusan ng buhay...

               Bago tuluyang maka-pasok sa bus ay nilingon niya ako’t kumaway. Napasinghap ako ng makita ang kakaibang lungkot sa mga mata niya, tulad ng tinging ipinukol niya sa akin ng una kong masilayan ang napaka-gwapo niyang mukha. Sawi ito noon sa pag-ibig... muli ba itong nasawi ng hindi ko nalalaman?

               Nagsimulang umarangkada ang sasakyan. Sundan mo na siya, susog ng aking utak.

               Sabihin mo ng mahal mo siya, ani aking puso.

               Sa gitna ng chaos sa aking sistema, kusang kumilos ang aking mga paa. Nagsimula kong habulin ang bus na papalayo. Natawa ako sa sarili, how ironic? Noong isang araw lamang ay napanood ko ang ending ng Dream High kung saan hinabol ng babae ang kinalululanang bus ni Sam dong-ah. Ani ko pa, “Never kong gagawin iyan!” Subalit, heto’t nagaganap ang eksena sa totoong buhay ko.

               “Samuel!”

               Huminto ang bus, smungaw ang ulo ni Samuel sa bintana. Walang babalang inilapat ko ang aking mga labi sa naka-awang niyang mga labi, “Mahal kita, kaya kailangang bumalik ka...”

               Nawala ang lungkot sa mga mata nito. “Oo!”

               Sapat na iyon upang mawala ang agam-agam sa sarili ko. Hihintayain kita...

Picture Perfect Love (One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon