C18- A DATE WITH JSEN (2)

3.2K 81 11
                                    

Paolline's P.O.V


"Mich! Matagal pa ba 'yan? Dalian mo na!"

"OO NA, OO NA! SAGLIT LANG!" Full force na sigaw ko dahil kanina pa siya reklamo ng reklamo samantalang naka-upo lang naman siya do'n at sitting handsome. Tapos ako nagkakanda-tumba na ako dito para lang masuot kaagad 'yong mga damit. Jongina siya kamo -_-.

Hay nako! Kung hindi lang talaga kami nasa public place ngayon ay siguradong kanina ko pa nasapak 'yang si Ian. Kanina pa niya ako pinagsususukat ng mga damit na kinuha niya, ha! Pagod na akoooooo! T.T

Ta's magrereklamo pa siyang ang bagal ko daw?! Paalala niyo nga sa'kin mamaya na sapakin si Ian -_-.

"Mich! Bilisan mo naman! Mauubos na time natin sa kakasu---"

Binuksan ko ng padabog 'yong pintuan ng fitting room dahil kanina pa akong naririndi sa kakasigaw at kakareklamo niya. 

"--kat mo....ng....mga...."Bumagal ng bumagal ang pagsasalita ni Ian simula nang makita na niya akong lumabas ng fitting room. 

"Damit" Huling salitang nasabi niya pagkatapos ay napatulala nalang sa'kin. Parang siyang nawalan ng sasabihin. Pero hindi ko 'yon pinansin dahil nag-uumapaw ang badtrip ko sa kaniya kaya naman,

"OH! AYAN NA! HINDI MAKAPAGHINTAY? 'KAW KAYA ANG MAGPALIT NG MAGPALIT NG DAMI KADA HINDI MO TYPE 'YUNG DAMIT NG MARANASAN MO ANG PAGOD KO SA KAKAPALIT-PALIT NG DAMIT! TAPOS SASABIHIN MO PANG NAUUBOS ANG TIME NATIN SA KAKASUKAT KO NG DAMIT? E, IKAW KAYA MAY GUSTO NITO!" Agad na bungad ko sa kaniya kahit na alam kong nakatulala lang siya ngayon. Mabilis ang paghinga ko dahil sa walang tigil na pagsasalita, isabay mo pang pasigaw akong nagsalita.

Hinahabol ko ang hininga ko habang hinihintay ang reaction ni Ian, pero gaya ng sabi ko ay nanatili lang siyang tulala. 

"......."

Nang nakakahinga na ako ng normal ay tyaka ako napataas ng kilay kay Ian dahil pinagmukha niya lang akong tanga sa pagsigaw kanina sa kaniya, "IAN! HOY, IAN! SUMAGOT KA NGA!"

"........" At nanatili pa rin siyang 'no comment' kahit na ata sampal-sampalin ko siya ngayon e, pero hindi ko 'yon gagawin dito baka sugurin ako ng mga babaeng pinagnanasaan siya ngayon -_-. Nasa paligid lang sila, dapat akong mag-ingat. Yosh!

'Hindi kaya sobrang pangit ko ngayon sa damit na 'to? At dahil do'n ay wala siyang ma-say?'

Shet! Sinabi ko na nga ba, e! Dapat talaga hindi muna ito ang sinuot ko, hays!. "WAAAAAAAAA~! IAN, 'WAG NA! ALAM KO NA! MAGPAPALIT NALANG AK---" Iwinagayway ko pa ang mga kamay ko sign ng 'wag na siyang magsalita',

"NO! I-I mean. O-OKAY NA 'YAN!" Napatigil ako sa pagtalikod at babalik na sana sa fitting room nang higitin na ako ni Ian. Medyo nagulat pa ako sa pagsigaw niya bigla.

"AAAAAAAAH~! Ian, sagliiiiiiiit!" Like, helllo?! Kinakaladkad na niya ako! Hindi kaya ako ready no'ng higitin ako ni Ian sa kamay! 

Naalala ko pang nakasabog lang sa loob ng fitting room 'yung mga damit na sinukat ko. At HINDI PA NGA NIYA ATA NABABAYARAN 'TONG DAMIT NA SUOT KO!. 

Napalingon ako sa likod, nakita ko naman ang isang sales lady na pumasok sa fitting room na sinusukatan ko kanina. 

"Thank you po, Sir! Balik po kayo" Napatingin naman ako sa babaeng nasa cashier na nadaanan namin, nakangiti ito sa'min. Meaning ba no'n, bayad na 'yung mga damit na ibinigay sa'kin ni Ian bago niya ipasukat sa'kin lahat 'yon? E, paano 'yong mga natirang damit sa fitting room? Iiwanan nalang ba namin 'yon do'n? Gano'n nalang 'yon? 

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon