C14- UNEXPECTED DECISION

3K 92 6
                                    

Paolline's P.O.V


"Hala! Ano na'ng gagawin natin?!. Hindi naman pwedeng ipa-cancel ang concert!. Ayokong mapahiya pa ulit ang banda natin!" sigaw niJd na tarantang-taranta na  sa kakaisip kung ano ang kaniyang gagawin.

"WAAAAAA!. Paano na tayoooo?" teary eyed na magmumukmok ni Jp na nakaupo sa upuan habang nagkukunyaring umiiyak, nagkukunyari pa siyang nagpupunas ng luha. 

'Hanggang ngayon nagagawa pa rin niyang magpaka-isip bata? *shakes head*'

"There was never an us, Jp" seryosong saad ni Jd kay Jp. Nagtitigan pa ang dalawa at nagkukunyari pang nasasaktan si Jp sa sinabi ni Jd sa kaniya, mukha silang mga bakla na nagbe-break ngayon. 

Nung una hindi ko na-gets ang sinabi ni Jd kay Jp. Tae sigurado akong hindi na maipinta ang mukha ko ngayon! -_-. 

"Jd! Ano nga ang sunod na line diyan?. Hindi ko maalala e"  nagkakamot pa ito ng batok, inosenteng-inosente pa ang mukha ni Jp habang nagtatanong kay Jd. Napa-face palm nalang ako sa mga pinagsasasabi nila ngayon. 

'Lintek na 'yan, may script pala sila do'n -_-'

Naputol naman ang pagsasalita ni Jd dahil sa pag-cuss ni Jadden na nasa harapan ko ngayon, pareho kaming naka-upo sa magkaharap na sofa. Napasuklay ito ng isang kamay sa kaniyang buhok na ani mo'y halatang stress na sa kakaisip ng paraan o solusyon sa prolema nila. 

Bumaba ang tingin ko sa sahig. Natatanga lang ako dito. Ako lang ata ang kanina pa hindi nagsasalita. Nabablangko ang utak ko sa ngayon, kanina pa kasi hindi maalis sa isip ko si Ian.

"AHA!" Lahat kami'y mabilis na napatingin kay Jd na nakataas ngayon ang isang kamay sa hangin na nakaturo ang hintuturo nito sa paitaas.

"Ano 'yon Jd?. May naisip ka na bang plano?" aniya ni Jp sabay tumayo sa pagkaka-upo't mabilis na naglakad papunta sa harapan ni Jd at niyugyog niya ang braso nito.

"Oo!--at sure akong epektib 'to!" nakangiting saad ni Jd habang nakatingala na mistulang nagde-day dream pa ata. Napataas nalang ang kilay ko nang marinig ko ang hindi kaaya-aya n'yang pagtawa na wari'y isang greek god na takas sa mental.

"Sure ka ba talagang epektib 'yan ha, Jd?" hindi ko alam kung nagi-imagine lang ba ako na parang nagi-spark ang mga mata ni Jp ngayon habang nakatingin kay Jd na nakatingala pa rin ang mukha na patuloy lang sa pagde-day dream.

"Sa tingin n'yo may maiisip na matinong paraan 'yang si Jd?"

Sabay-sabay kaming tatlo na napatingin kay Jadden na seryoso lang na nakatingin sa kawalan na parang bang iniisip nito na hindi kami nag-iisip ng ayos dahil sa pag-iling-iling ng ulo nito. Ay teka bakit nasama ako sa dalawang takas na mental?

Parang on cue na sabay-sabay ring nanlaki ang mga mata namin na nakatingin kay jadden at hindi makapag-react sa sobrang pagkagulat at pagbagal ng process sa mga utak namin. Si Jadden naman na naglilibot ng tingin sa aming tatlo ay kumunot ang noo't halatang nainis sa kaniyang mga nakikita.

"What?!"

Nagulat kami sa pagsigaw ni Jadden kaya naman napaayos kami ng sarili naming tatlo. Ako napaayos ng upo't napatikom ang bibig. Ang dalawang isip bata naman ay napaayos ng tayo't parang mga sundalo pa. Grabe ngayon ko lang narinig si Jadden na ang haba ng sinabi *0* . At in fairness mga b3h, sumigaw pa siya!.

"Humahaba na ang lines mo, Cj! UWAAAAAA! NAKAKAIYAK!" react ni Jp sabay yakap ng mahigpit kay Jadden habang kunyaring umiiyak na naman. Isip bata talaga kahit kailan, hays. Tsk Tsk!

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon