Chapter 17 . The date

12.6K 224 12
                                    

*Tin POV*


Saan ba dito yon? 

Nasa kusina ako ngayon.. hindi ko makita yung kwarto kung nasan siya. Ang masama pa hindi ko makita yung buksanan ng ilaw.

Anong klaseng condo ba to? Sakalin ko si Nico! Baka pinagloloko lang ako non.

"Aray!" napasigaw ako. Nahulog yung frying pan sa paa ko. Ang sakit.. naniniwala nako na may pagkatanga ako.

"Sino yan?" Namilog ang mata ko at mabilis na lumingon sa likuran ko. Biglang nag bukas yung ilaw.

Bumilis ng tibok ang puso ko nang mag tama ang mga mata namin.

"Kristine?" Napaiwas ako ng tingin.

"Uhm." Ngumiti ako ng mapait. Napatingin ako sa paa ko.

"Bakit nandito ka?" tanong niya sakin at lumapit sakin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa paglapit niya.

Akala ko ba may sakit siya?

"Pinakiusapan nila ako na alagaan ka." sabi ko sakanya habang pinipigilan ko ang sakit.

"Wag mo ng pigilan" sabi niya sakin at binuhat ako papunta sa upuan.

"Imbis na ako ang alagaan mo.. mukhang ako pa ang magaalaga sayo" sabi niya sakin habang kumukuha ng yelo.

Nahiya naman ako dahil sa sinabi niya.

Linagyan niya ng yelo yung paa ko. Napatitig ako sakanya.. namayat siya, may dark circles na siya, halatang may sakit siya.. nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.

"Don't drool" Aniya kaya napangiwi ako.

"I'm not drooling!" depensa ko. Bigla siyang ngumiti..


Bigla ko siyang yinakap.. bakit ganon? Kahit gaano niya ako saktan.. mahal ko pa rin siya.


*Ryle POV*


"Madam?" napatingin ako kay dannie. Ngumiti ako sakanya.. puro kasiyahan lamang ang nararamdaman ko ngayon.

"Yes?" tanong ko sakanya.

"Nagfly fly away napo mga junaoh dito.. hindi pa po kayo uuwi sainyong mansion?" tanong niya sakin. Napahalakhak ako.

"No.. can you get me my dress sa loob ng private room ko.? saad ko habang pinipigilan ko ang pagtawa.

I want to look good in front of him later.


"May date kayo no madam?" napangiti ako at tumango.

"Actually dannie.. naalala ko na yung taong nakalimutan ko." sabi ko sakanya. 

Ang sarap sa pakiramdam. Nag uumapaw ang puso ko.

"Congrats madam! Wala na yung Alzheimer mo!" tumawa naman ako.. tumakbo na siya at bumalik kasama ang specially self made dress ko.

"Akong bahala sainyo ma'am!" sabi niya at hinila ako..


I trust 'him'. Nakita ko kung paano siya maging professional artist. 'He' is really good. Gumalaw nalang siya basta at minakeup-an ako. Sinuot ko ang dress ko at pagkalabas ko sa banyo ay kita kong napanganga siya.

"Magificent!" Natawa ako sa ekspresyon niya.

"Wow.. thanks" sabi ko at yinakap siya.

"Sige mader! Gumora kana!" tumango ako at lumabas na.

Tinungo ko ang labasan ng kompanya pero natigil ako nang may makita akong lalaking nakatayo doon. Hinanap ko si Luke pero wala siya.

"Maam pinapasundo po kayo sa akin ni sir luke." sabi ng lalaki nang makalapit sa akin.

"Oh. Okay thanks." sabi ko. Pinagbuksan niya ako ng kotse at sumakay naman ako doon.

"Maam.. alam niyo po ba na sobrang mahal kayo ni sir Luke.. kahit malamig pakikitungo niya samin pag kayo na ang pinaguusapan.. bigla nalang siyang mapap-ngiti."


Wala sa sariling napangiti din ako.

"That's why I'm really, really sorry for him"


"Maam.. nandito na po tayo" Napatingin ako sa labas. 

Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan.

"Thanks.." sabi ko at lumabas na.

"Hindi ka ba sasama?" tanong ko sakanya. Maagap naman itong umiling.

"Hindi po.. tumuloy na po kayo" tumango nalang ako at tumuloy na sa loob ng isang grand hotel.

Napahawak ako sa purse ko. I am so nervous.. pero ramdam ko ang excitement sa katawan ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko.. napatakip ako ng bibig. Tumutok ang isang spotlight sa akin at may isang pink carpet sa harapan ko. Naglakad ako papunta sa isang dinner table.

Halos mapatalon ako nang may marinig akong boses.


"You're stupid"

What? Nasaan siya?

"You're careless"

Base sa boses.. siya 'to.

"You're nosy"

Nanikip ang dibdib ko.


"You're irritating"

"You have strong guts"


Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko. How can this.. make me cry?

"You're such a crybaby"


"but.. That is the girl that I want to spend my life with.."

Hinanap ko siya. Lumingon lingon ako pero napaka-dilim. Sa akin lamang nakatutok ang spotlight.


"Im cold"

"Im not showy"

"I dont care about the people that surrounds me"


Oh Luke.. you're more than that.


"I dont have emotions most of the time"


"but I hope that you can accept me"


Bigal siyang lumitaw at kita ko ang pag ngiti niya sa akin. He was handsomely standing just a few inches away.

Naglakad siya papunta sakin, he was looking at me na para bang ako lang ang nasa mundo niya.


Tumutok ang dalawang spotlight sa amin. Masyado niya atang pinaghandaan 'to. Dahil doon ay masyado akong nanlambot.

Halos hindi ako makahinga nang makalapit na siya ng tuluyan sa akin. 


His eyes were on me. My eyes were on him.

Book 2 : Forget The Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon