Chapter 16 . Say It Again

12.8K 237 21
                                    

"This is it..."


*Ryle POV*

Nakatulala lang siya nung sinabi ko yon..

Natatakot tuloy ako.. paano kung sinukuan niya na talaga ako? Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

"Hey? Sabi ko.. mahal kita at naalala na kita? Bakit nakatulala ka diyan?" tanong ko sakanya.

Ngumiti siya sa akin at dahil doon ay nawala ang pangamba sa puso ko. Yinakap niya ako ng mahigpit.. napa ngiti din ako. Alam ko naman na man of few words siya. His smile is enough. I missed him..

"I told you.. I know that you will remember me eventually" sabi niya sakin. Tumango ako.

"I'm sorry.. if I hurted you. I am so sorry." sabi ko sakanya. Hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang mga luha ko. I was just looking at him.

"It's okay.. atleast you remember me now" sabi niya sakin at hinalikan ang noo ko.


I felt butterflies..

"I love you Luke. So much.." Yinakap ko muli siya at binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Narinig ko ang mahina niyang paghalakhak.

"Say it again" sabi niya sakin. Biglang nanlaki ang mga mata ko at mas lalo akong nagtago sa bisig niya.

"I said I love you" sabi ko. Ramdam kong hinalikan niya ang ulo ko.

"It's nice to hear you say that again. I love you too Ryle." 


Naglakad kami pabalik sa bahay namin..

hand in hand..


talking and smiling with each other like we are just the people in the world.


*Tin POV*


"Uy guys.. hindi pa daw umaalis si Nico eh" Sabay kaming napatingin ni Sab kay Ailee.

"Hah? Paano mo naman nalaman?" biglang napatayo si Sab.

I know she's happy.

"Sabi ni James.. nag paiwan daw si Nico dito." Sabi ni ailee. Naguusap pa sila ni James? That's new.. 

Bigla namang sumama ang tingin ni Sab.

"Hindi man lang niya sinabi sa akin." sabi ni sab at umupo ulit.

"Paano niya sasabihin.. tinaboy mo nga eh" sabi ko naman sakanya.


Kita ko ang pagawang ng labi niya at pagsara nito muli.

"Puntahan mo na" Ani Ailee.

"Why would I? Dapat siya nga pumunta dito eh" Sab. Sab. Sab.. pride.

"Asus! Pride!" sabi ko at tumawa kami ni ailee. Bigla siyang tumayo at pumasok sa kwarto.


"Well.. pupunta nalang ako sa condo nila Nico at kakausapin siya" sabi ni Ailee.

"Akala ko ba.. kailangan ka ni tita ngayon?" tanong ko sakanya.

Mukhang nakaligtaan niya 'yon. Nagkibit balikat lamang siya.

"Oo.. kaya lang siguradong buong araw na naman magaalboroto si sab" sabi niya. Hindi ko mapigilan ang mapahalakhak.

"Ako na sige.. puntahan mo nalang si tita." sabi ko sakanya.


"Are you sure?"tanong niya sakin. Nagsmile naman ako at nagsuot ng hoodie.

"Yup.. bye. Uuwi naman ako kaagad." sabi ko sakanya.

Lumabas na ako at sumakay sa kotse. Tinungo ko ang condo nila Nico.


Pagkarating ko sa condo na tinutuluyan niya ay kumatok ako.

"Sino -- yow! Tin." bati sakin ni Nico.

So totoo nga.. nandito pa siya. Kainis tong lalaking 'to!

"Puntahan mo nga si Sab! Kakaininis kayo!" sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya at prenteng sumandal sa pintuan.

Aba.. chill pa siya?

"I know.. I plan to talk to her tomorrow" saad niya at pinanliitan ko siya ng mata.

"Bakit bukas pa?" tanong ko.

"May sakit si charles.. ako lang naiwan dito" napatigil ako.. may sakit si Charles?

"Concern ka pa no?" tanong niya sakin na may halong pangaasar. Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip.

"Bakla ka ba? Bahala ka nga diyan" sabi ko sakanya at aalis na sana pero pinigilan niya ko.

"What?" tanong ko sakanya. Biglang nagseryoso ang mukha niya.


Alam ko ang mukhang ganito.. may naisip to.

"Can you take care of Charles for a while?" tanong niya sakin.. sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"Hah? Bakit ako? Bahala ka diyan" sabi ko. Pero mahigpit pa rin ang hawak niya sa akin. Madaya!

"Parang wala kayong pinagsamahan.." Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya.


"Okay. Fine.. pero bilisan mo ah" sabi ko sakanya. Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mukha niya.

"Thanks" sabi niya at tumakbo na palabas.


Now.. let's face my challenge.


*Ryle POV*


"I need to go now" Kinuha ko ang bag ko at sinabit iyon sa balikat ko.

Tumango naman siya at ngumisi.

"Okay.." sabi niya. Hindi niya man lang ako pipigilan?

"Okay bye" sabi ko pero hinigit niya ako bigla at yinakap. 

Parang panaginip pa rin ang lahat.. hindi ako makapaniwala.

Napaglaruan kami ng mabuti ng tadhana.


"Ryle.. someone will pick you up later. Let's meet" 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. May naisip nanaman ba siya? Kinabahan ako pero nakaramdam din ako ng tamis sa puso ko.

Book 2 : Forget The Cold PrinceWhere stories live. Discover now