Chapter 3

1.2K 33 12
                                    

Chapter 3

Stupid, I don't need you.


It's been two weeks simula nung first term. Nakadungaw ako sa bintana na classroom. Two weeks na ding absent si Kiro. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako oh ano. Matapos ang ngiting binigay niya ay hindi na ito nawala sa isip ko. Aaminin ko simula din nung araw na iyon ay naging crush ko na siya. Sino bang hindi maattract sa lalaking ang puhunan ay ang itsura. Ang impokrita ko kung sasabihin kong ang pangit niya at hindi ko siya magugustuhan.

Kiro, why are you still absent? I emailed him. Yep, nakuha ko ang email niya pero sandamakmak na kasungitan muna bago ako nagging successful. Kulang na nga lang eh sigawan niya ako sa buong classroom kaso hindi naman niya magawa dahil nga, "Prince Kiro" daw siya at inaalagaan niya ang reputasyan niya bilang isang prinsipeng mapagpanggap.

"Will you stop bugging me? Nakakairita ka na." masungit niyang sabi sa akin.

Inilahad ko ang cellphone ko. "Give me your email!"

"Ayoko." Ang hirap niyang kumbinsihin.

Kung ayaw madala sa magandang pakiusap dahi, edi sa mas magandang eksena na lang. "Babe, bakit ba ayaw mong ibigay ang email mo! Isusumbong kita kay Tita!" paawa kong sabi.

Tiningnan niya ako ng masama. "Stop it will you? Walang maniniwala sayo. As if naman they care about you." Stupid, Kiro "Monster" Alcantara! Yes, wala silang pakialam sa akin. Ganun din ako sa kanila. Sinukuan ko na ding maging friendlier. Ano bang magagawa ko kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin? Kaya si Kiro na lang ang kukulitin ko.

"Heh, whatever." Irap ko. "Give me your email ng tantanan na kita."

Hindi niya ako pinansin.

"Kiro kasi!"

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa na siyang kinangiti ko. May denial siyang number at nagulat ako dahil nagriring ang phone ko. Damn it. Don't tell me!

"Happy?" Irita niyang tanong.

"How did you..." tinalikuran niya ako. "Damn happy!" sigaw ko.

Umismid siya at saka nagpatuloy na maglakad. Lokong 'yon. Saan niya kaya nakuha ang email address ko? Kung saan man atleast may contact na ako sa kanya.

Hoy prinsipeng mapagpanggap! I texted him again. Loko talaga. May number nga ako hindi naman nagrereply. So anong silbi nun? Display lang sa contact list ko. Kung alam ko lang bahay nitong si Kiro pupuntahan ko talaga yun!

"Arissa, friend mo si Kiro di ba?" What! Isang himala, may isa na namang kumausap sa akin. Well, hindi sa pagmamayabang pero simula ng lumipat ako dito ay inis sila sa presensya ko dahil buntot ako ng buntot prinsipe nila. At kakausapin lang nila ako pagrelated sa prinsipeng masungit na iyon.

Tumango ako.

"Pwedeng pakibigay 'tong notes? Hindi kasi ako pwede today since may aattendan akong seminar for our cultural festival. Nandyan na din yung address niya, two weeks na kasi siyang absent and it worries me a lot."

Walang pakundangang akong umoo sa request niya. Mapaglaro nga ang tadhana. Parang kani-kanina lang ay naghahanap ako ng address niya at ngayon meron na agad.

Sa sumunod na klase ay nagdismiss ng maaga dahil sa nalalapit na festival na mangyayari. Kaya naman inayos ko kaagad ang gamit ko at bumaba na para magpalit ng sapatos.

How Did We End Like This?Where stories live. Discover now