Jeepney

131K 1.6K 483
                                    

A/N: Habang umuulan kanina pinapakinggan ko yung kantang Jeepney ng Spongecola, may naisip akong plot para sa isang story kaya sinulat ko sya. Sana magustuhan nyo :)

-----------------------------------

Umuulan.

Tuwing umuulan naaalala ko ang isang babaeng sobrang minahal ko. Tuwing umuulan hindi ko maiwasang maging malungkot at magsenti. Dito sa kinatatayuan ko ngayon, tag-ulan noon, buwan ng Agosto, siyam na buwan na ang nakalilipas kung naaalala mo pa ba, dito tayo unang nagkita..

“Ganda..”

yun ang unang lumabas sa bibig ko ng makita ko sya. Tinignan ko ang buhok nya, ang ngiti nya. Tinitigan ko ang mata nya. Ganda.

 Gandang ganda nga ako sa kanya.

Simula noon, sa pwesto kung saan ako nakatayo ngayon. Inaabangan ko sya lagi. Hinihintay ko ang oras ng paglabas nya. Saktong alas syete ng gabi ay lalabas sya mula sa pinapasukang opisina at dederetso sa sakayan ng jeep.

Mag-aabang sya dun, at ako naman ay pasimpleng sumusulyap sa kanya. Hindi ko maiwasang mangiti habang pinagmamasdan sya. Oo nga at umuulan pero tanaw ko pa rin ang ganda nya.  Ang bawat tikwas ng buhok nya na mas lalong bumagay sa maganda nyang mukha.

Pumara sya ng jeep at iyon namang paghinto noon. Tumakbo sya palapit ng jeep ngunit bago sya makarating doon ay lumapit na ako sa kanya at isinilong sa kanya ang payong ko. Nagulat sya ng una, ngunit nang makabawi ay ngumiti rin. Ganda. Ang kulay ng ngiti nya. Iba. Ang labi nya, siguro ay napakalambot niyon.

Sumakay ako sa jeep na sinasakyan rin nya. Umupo ako sa tabi nya at nagkadikit ang mga braso namin. Parehas kaming basa ng ulan ngunit ramdam ko pa rin ang pagdampi ng balat nya sa akin.

Hindi nya siguro yon napansin ngunit sa’kin ay may sayang dulot ang pagtatabi namin sa jeep. Gusto ko syang kausapin ngunit hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Gusto kong magpakilala ngunit sa tuwing lilingon sya sa gawi ko ay nawawala na ang dapat kong sasabihin.

Buong byahe ay nagiisip lang ako ng paraan kung paano sasabihin ang nais kong sabihin. Gusto kong magpakilala ngunit natatakot ako na baka mag-iba ang dating noon sa kanya.

Bumaba na sya ng jeep ng hindi ko man lang nalalaman ang pangalan nya. Nakakapanghinayang. Tinignan ko na lamang ang anino nya na kahit sa malayo ay nais ko pa ring masulyapan.

Ngunit sa kinauupuan nya kanina mayroon doong isang panyo na may mga nakaburdang mga rosas na kulay pula. May nakaburda rin doong pangalan na ang nakalagay ay “Kristen”. 

Napangiti ako. Kristen. Yun pala ang pangalan nya. Napakaganda at bagay na bagay nga sa kanya. Sigurado akong sa kanya nga ang panyo na ‘to. Itinago ko sa bulsa ang panyo. Hindi ko man natanong ang pangalan nya, nasa akin naman ang panyo nya.

Hanggang pag-uwi ay baon sa alaala ko ang oras na iyon kung saan kami ay nagkatabi sa iisang jeepney. Ang panyo nya na nasa bulsa ko pa rin.

Lumipas ang mga araw at nagdaan ang mga gabi. Lagi pa rin kaming nagkakasabay sa loob ng iisang jeepney. Hindi ko alam kung sinasadya nga ba ng panahon ngunit sa tuwing magkakasalubong kami ng landas dito sa sakayan ng jeep, umuulan, gabi, at sa mga oras na iyon ay magsasalubong din ang aming mga mata. Nangingiti ako at ganun rin sya. Siguro ay nasanay na rin sya.

JeepneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon