Chapter 6: He's Jealous?!

361 12 2
                                    

Carlo's POV

Nagtatawanan kami ng labs kong si Belle papasok ng building nang biglang may tumawag sakin.

"Baby!" It's Mom! Nagulat akong makita siya dito kaya di agad ako nakapagreact pero super namiss ko talaga siya. Nang makalapit siya ay agad niya akong hinalikan sa pisngi and i hug her. I really miss her.

"Hey Mom. You surprised me. I really missed you." sabi ko sa Mommy ko.

"Me too son." sagot ni Mommy at niyakap ulit ako.

"Ahm Mom. I want you to meet someone. Belle this is---" paglingon ko wala na siya sa likod ko. Kanina lang andito siya ah. Inikot ko ang mata ko sa paligid at nakita ko siyang pasakay na sa elevator.

"Wait Mom. Habulin ko lang." sabi ko kay Mom saka tumakbo papunta sa puso ni Belle. Hahaha. Sa elevator pala. Buti nalang naharang ko agad bago magsara. Nakita ko naman nagulat siya at parang badtrip din. Eh kanina lang ok naman kami ah. Anong nangyari?

"Bakit bigla mo naman akong iniwan? Halika nga dito. May ipapakilala ako sayo." sabi ko sabay hila ko sa kanya. HIndi naman kase siya nagsasalita eh.

"Sinong namang ipapakilala mo sakin? Girlfriend mo? HMP!" bulong niya. Akala niya siguro hindi ko siya narinig. Anong girlfriend na pinagsasabi niya?

"Ahm Mom. Sorry about that. I would like you to meet my special someone. Architect Isabelle Sue Chiu." proud kong sabi kay Mom sabay akbay kay Belle. Halatang gulat na gulat siya sa pagintroduce ko sa kanya kay Mom. Pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko un because she's really my special someone and i want her to know that.

"And Belle this is my beautiful Mother, Mary Anne Cruz Lim."

"Correction anak. Mary Anne Cruz nalang. Anyway, hi Belle. It's so nice to finally meet you. Hindi nga nagkamali ang anak ko. You're so pretty iha." sabi ni Mom kay Belle saka niya to niyakap. Pero si Belle tulala parin.

"Ah---Eeh---Hello po Mam. Ang ganda niyo po pala. Akala ko nga po kanina girlfriend mo si Sir Carlo." Buti naman at nagsalita na siya. Pero natawa ako dun ah. Napagkamalan niyang girlfriend ko si Mommy. Well, lagi talagang nangyayari un kase mukhang bata talaga si Mommy. I'm a proud son. Haha. So kaya pala nabadtrip siya kanina? Dahil akala niya girlfriend ko si Mom? Un kaya ung dahilan? Hai wag feeler pare.

Nagkwentuhan pa kami bago umalis si Mom. Pumunta lang naman kase siya dito sa office para isurprise ako na dumating siya. Well, dalawa lang naman ang reason ng paguwi niya dito ngayon. 1st was she missed me and 2nd was may reunion sila nung mga college friends niya. 3 days lang siya dito kaya medyo onti lang ung time na makakasama ko siya.

Habang nasa elevator kami ay tahimik lang si Belle. Hindi ko naman makausap kase parang badtrip nanaman ata.

"Let's talk sir. Sa office mo." bigla niyang sinabi nang makalabas kami ng elevator. Ung pagkakasabi niya is more like utos hindi pakiusap. At ako naman kailangan sumunod. Siya kaya ang boss nang puso ko. Naks. Hahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

T.L. (True Love) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon