Chapter 3: Friendly Date

383 11 4
                                    

Sorry sa late update guys. Medyo naging busy lang talaga ako this past few days. Anyway, sana magustuhan niyo po itong chapter na to.

Happy reading :)

__________________________________________

Belle's POV

Andito ako ngayon sa isang restaurant sa makati. Kasama ko si Aldren at si Carlo.

*Flashback*

"Let's go?" tanong sakin ni Aldren nang makapasok siya sa opisina ko. May dinner date kase kami ni Aldren.

"Yes." sagot ko saka ako ngumiti sa kanya.

Naglalakad na kami sa hallway nang makasalubong namin si Sir Carlo. 

"Hey guys. Date?" tanong niya.

"Ahm. Hehe. Friendly date." sagot ko naman.

"Aah." sabi niya. 

"You wanna come?" tanong ko naman. Friendly date lang naman to eh. Ibig sabihin pwede ko rin iinvite si Carlo kase friend ko na rin naman siya.

"Sure." mabilis niyang sagot. Si Aldren naman parang nag-iba ung expression nang mukha.

"So let's go." sagot ko para naman mawala ung akwardness sa kanilang dalawa.

Nang makapunta na kami sa parking lot ay bigla namang nagsalita si Carlo.

"Sakin ka na sumabay Archt. Chiu." sabi niya.

"NO. Sakin ka na sumabay Belle." sagot naman ni Aldren.

"Ahm." Hindi naman ako makasagot kase kanino ba talaga ako sasabay. Hindi naman papayag tong mga to kung isang sasakyan nalang ang gagamitin namin. Hai.. Bahala na nga.

"Kay Aldren nalang ako sasabay." sagot ko. Nakakahiya naman kase kung kay Carlo ako sasabay noh. Tsaka si Aldren ung unang nanginvite sakin.

"Ok." un lang ang tanging naisagot ni Carlo tsaka siya pumasok sa kotse niya. Kami naman ni Aldren pumasok na rin. Pinagbuksan niya muna ako nang pinto saka siya sumakay sa driver's seat. Nasa likod lang namin si Carlo habang papunta kami sa restaurant.

*End of Flashback*

Parang namang matutuyuan ako nang laway dito. Wala kaseng nagsasalita miski isa sa kanila. Nang matapos na kaming kumain ay nagyaya na din akong umuwi. Kay Sir Carlo na rin ako sumabay kase parehas lang naman kami nang inuuwian. Silence. Un ang madidescribe ko habang pauwi kami ngayon nang biglang magsalita si Carlo.

"Sorry kung nasira ko date niyo ni Aldren ah." sabi niya.

"Ano ka ba. Hindi mo naman nasira eh. Tsaka friendly date lang naman un. Nothing more." sagot ko.

"Friendly date? So hindi pala kayo?" tanong niya.

"Hindi ah. Friends lang kami." sagot ko naman.

"Good." sabi niya saka siya ngumiti nang nakakaloko.

Wait. Ano daw? Good? Ah baka nagkamali lang ako nang dinig.

Inignore ko nalang ung sinabi niya kase baka talaga mali lang ako nang dinig. After 20 minutes ay nakarating na rin kami sa condo namin. 

"Goodnight Belle." sabi niya habang nakangiti. Hai. Ang sarap mong halikan Sir Carlo. I mean. Ang ganda mo ngumiti.

"Goodnight Sir Carlo." sagot ko naman.

"Just call me Carlo." sabi niya.

"Eh. Ahm. Sige. Carlo." pumayag naman ako.

"Goodnight ulit." sabi niya saka ako pumasok sa unit ko. Hinintay niya muna akong makapasok bago siya pumasok sa unit niya. How gentleman of him naman. Ano ba yan! Lahat naman siguro nang lalaki gagawin un diba. Pero parang iba parin pag siya ung gumagawa. Nakakakilig. Ano ba to! Para na akong ewan nito. Natutuwa lang ako sa kanya. Un lang. Wala nang iba. Wala nga ba Belle? Hai.. I think I'm starting to like him kahit hindi maganda ung una naming pagkikita. Pero like lang ha. Nothing more. Parang kay Aldren. Friends lang ang tingin ko sa kanya. I like him as my friend.

Carlo's POV

Pauwi na sana ako nang makasulobong ko sa hallway si Archt. Chiu. At kasama nanaman niya tong si Engr. Castillo. Kailangan ba talaga lagi silang magkasama? Stupid me. Of course lagi silang magkasama kase nga sila. Pero hindi ko parin maiwasan ang mainis. Hindi naman ako nagseselos. Naiinis lang.(A/N - Hindi ka tlaga nagseselos sa lagay na yan Carlo. Hindi halata.)

"Hey guys. Date?" tanong ko. Kung hindi pa siguro ako nagsalita hindi man lang nila ako mapapansin.

"Ahm. Hehe. Friendly date." sagot naman niya. Friendly date? It means hindi sila? Well, sana nga tama nasa isip ko.

"Aah." un lang naisagot ko.

"You wanna come?" tanong niya. Of course i wanna come with you but not with this Engr. Castillo. Yan ang gusto kong isagot sa kanya.

"Sure." mabilis kong sagot. Mamaya kase baka magbago pa isip niya. Si Engr. Castillo naman parang ayaw yata akong sumama. Bigla kaseng nagshift to badtrip look from happy look tong Engr. Castillo na to. Akala mo masosolo mo siya? No way.

"So let's go." sabi ni Archt. Chiu saka kami sumakay nang elevator.

"Sakin ka na sumabay Archt. Chiu." sabi ko agad kay Archt. Chiu nang makarating kami sa parking lot.

"NO. Sakin ka na sumabay Belle." sagot naman nitong Engr. Castillo na to.

Tinignan ko naman si Archt. Chiu. Mukhang naguguluhan kung sino ang sasamahan saming dalawa. Sana sakin siya sumabay. Para makausap ko na din siya.

"Kay Aldren nalang ako sasabay." sagot naman ni Archt. Chiu.

"Ok." un lang ang nasagot ko saka ako pumasok sa kotse ko. Nakakainis. Mas pinili niya pa talagang sumabay dun. Oo nga pala. Wala nga pala akong karapatan. Pero nakakainis talaga. Nakita ko pang pinagbuksan niya nang pinto si Archt. Chiu. Carlo? Relax. Mas marami pang babae dyan kesa kay Archt. Chiu. Pero I still want her. I mean I want her because I like her. Un lang.

Nang makarating kami sa isang resto dito sa Makati, halos walang nagsasalita. Hanggang sa magyaya na si Archt. Chiu na umuwi wala paring nagsasalita samin. Feeling ko tuloy nasira ko ang dapat na date nila. Sakin na sumabay pauwi si Archt. Chiu. Wala ring nagsasalita miski isa samin habang nasa byahe kami pauwi. Kaya ako na ang naunang magsalita.

"Sorry kung nasira ko date niyo ni Aldren ah." sabi ko.

"Ano ka ba. Hindi mo naman nasira eh. Tsaka friendly date lang naman un. Nothing more." paliwanag niya. Ibig sabihin friends lang talaga sila? Hahaha.

"Friendly date? So hindi pala kayo?" pagconfirm ko.

"Hindi ah. Friends lang kami." nung marinig ko un parang gusto ko nang tumalon sa tuwa. So pwede na ako magaapply. Hahaha.

"Good." sabi ko saka ako ngumiti nang nakakaloko. Hindi na siya nagsalita after nun.

"Goodnight Belle." sabi ko sa kanya nang makarating kami sa harap nang unit niya.

"Goodnight Sir Carlo." sagot naman niya.

"Just call me Carlo." sabi ko naman sa kanya. Mas gusto ko lang kaseng Carlo nalang ang itawag niya sakin.

"Eh. Ahm. Sige. Carlo." buti naman at pumayag siya.

"Goodnight ulit." sabi ko ulit bago siya pumasok sa unit niya. Hinintay ko muna siyang makapasok sa unit niya bago ako pumasok sa unit ko.

Hindi ko man maipaliwanag ngayon ung nararamdaman ko para sa kanya, alam ko naman sa sarili ko na masaya ako pagnakikita ko siya. I will do my very best para mas mapalapit pa sa kanya.

______________________________________________

Thanks for reading guys :))

T.L. (True Love) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon