008

6.1K 363 51
                                    












Sa ilang taon na nagdaan, ngayon na lamang niya ulit naranasan 'yung gigising sa umaga na wala siyang bigat na nararamdaman. Everytime kasi na gigising siya ay trabaho agad ang papasok sa utak at kung paano muling mababawi ang pangalan ng kompanyang pinaghirapan ng mga magulang.

This time ay laking pasasalamat niya nang maramdaman ang kaginhawaan na matagal na niyang gustong maramdaman ulit.

"Gising ka na pala?" napalingon si Ana sa pintuan at nakita si Marie na nasuot ng white lose shirt kaya kung titignan mula sa malayo ay tila wala itong salawal. Nakapusod din ang buhok nito at nakasuot ng reading glasses. "Punta ka ng kusina? Naghanda na 'ko ng breakfast natin,"

"Saan ka natulog?" Ana curiously asked.

"Wag kang mag-alala dahil sa sofa ako natulog. Kahit alam ko naman sa sarili kong hindi kita gagapangin, I still decided na wag tumabi sa 'yo. Babae ka parin at ayoko namang isipin mo na binabastos kita," paliwanag ni Marie kaya mabilis namang napangiti si Ana. "Tara na po at naghihintay ang pagkain,"

"Wait me here! Maghihilamos at magmumumog lang ako,"

Nagmamadaling tumakbo si Ana papasok ng shower room upang makapaghilamos ng mukha. Hindi naman napigilan ni Marie ang mapangiti dahil bigla niyang naalala ang isang scenario sa past nila ni Ana kung saan dinalaw niya ito sa bahay; alas sais ng umaga. Himbing pang natutulog si Ana noong mga oras na 'yon nang pasukin ni Marie ang kwarto nito. Nadatnan niya ang dalaga habang literal na tumutulo ang laway nito sa pisngi kaya paggising ni Ana ay walang humpay kaaasar sa kaniya si Marie.

"Inaalala mo nanaman! Para kang tanga," biglang usal ni Marie as he slapped himself dahil nagsisimula nanaman siyang magreminisce.

Ilang segundo lang naman ang lumipas ay lumabas na si Ana mula sa shower room at inangkla ang kamay sa braso ni Marie na ikinagulat ng huli.

"Teka lang, atih! Nagground ako!" kunwaring pag-iinarte ni Marie habang inilalayo ang braso mula sa pagkakakapit ni Ana.

"Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon! Hindi ko alam kung bakit pero, basta parang ang saya saya ko today." nakangiting sabi ni Ana na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakakapit sa kaibigan at iginitgit pa ang sarili dito habang naglalakad sila papuntang kusina.

"Ganito ka ba talaga sa mga kaibigan mo? I mean, clingy ka ba talaga?" sa tanong na iyon ni Marie ay mabilis na napahiwalay si Ana sa kaniya.

"Sorry! Masiyado ba akong feeling close?" tila nahihiya ng tanong ni Ana. "Nasobrahan yata 'yung gaan ng pakiramdam ko,"

"Ano ka ba? Okay lang naman sa 'kin. I was just asking kung ganito ka ba talaga kadikit sa mga kaibigan mo?" this time ay si Marie na ang kumuha sa kamay ni Ana at ikinapit sa braso niya upang hindi na ito mahiya. "Saka hello! Boss kita, chu-choosy pa ba 'ko kung ganito tayo ka-close?"

Nang makarating sa kusina, Marie pulled out one stool upang makaupo na si Marie. Umikot din naman siya sa kabilang side ng table at doon umupo. He prepared omelette and sausage as their breakfast dahil 'yon lang naman ang nakita niyang pwedeng ihain.

"Mamaya pupunta akong mall at grocery para hindi naman nakakahiya na sa ref mo pa 'ko kukuha ng kakainin ko," natatawang sabi ni Marie habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Ana.

"Since I asked you to live here, pwede mong galawin lahat ng gamit ko dito. Hindi naman ginto 'tong mga naipundar ko so bakit ko ipagdadamot?" kinuha nito plate na naglalaman ng kanin at 'yung plato naman ni Marie ang nilagyan niya. "Pero kung gusto mong mamimili for your personal stuff, okay lang din. Para naman mabili mo 'yung mga kailangan mo. Baka kasi kulang 'yung gamit ko dito,"

"Bibili na nga 'ko ng napkin, baka bigla akong datnan." tila walang bahid ng pagbibiro na sabi ni Marie. "Ilang linggo na akong delay! Sabi ko naman kasi kay Jeff, wag muna. Eh makulit siya tapos mapusok ako kaya pinabigyan ko na. Hindi kaya buntis ako?"

She's A FeMANineWhere stories live. Discover now