003

5.2K 372 52
                                    













Halos mahimatay na si Marie kakaisip sa kung anong palusot pa ba ang pwede niyang irason kung bakit alam niyang allergic si Ana sa bulaklak. Butil butil na pawis ang patuloy na tumatagaktak sa kaniyang sentido habang salitang tinitignan ang lalaking may hawak na bulaklak at ang dalaga. Hindi naman nagtagal ay dumating ang isang lalaki na tama lamang ang tangkad at maputi ang kulay.

"Akin na kuya, salamat." sabi nito sabay kuha sa bulaklak na hawak ng lalaking nasa tabi niya. Nilingon ni Marie ang dalaga at bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa nakita. "Bakit parang gulat na gulat ka, Ana?"

"Ferdie?" hindi makapaniwalang sambit ng dalaga. Ngumiti lamang ang binata sa kaniya. Hindi nagtagal ay excited na tumalon si Ana papalapit upang mayakap ng mahigpit ang taong matagal niyang hindi nakita. "You don't know how much I missed you,"

Habang nasa bukana ng pintuan si Ana at si Ferdie ay na-stuck naman si Marie sa sa loob ng opisina; sa spot kung saan kitang-kita niya ang pagyayakapan ng dalawa. Napansin niya ang pagtaas-baba ng balikat ni Ana. Dinig din niya ang sunod sunod at maliliit ng hikbi coming from her. Her face was buried on Ferdie's chest while nira-rub naman ng binata ang likod ni Ana.

"Don't cry na, princess. Andito na 'ko oh." nakangiting sabi ni Ferdie habang panaka-nakang  hinahalikan ang tuktok ng ulo ni Ana. "Hanggang ngayon iyakin ka parin,"

"Tarantado ka kasi! Pinangako mong hindi mo 'ko iiwan tapos isang araw bigla ka nalang nawala!" hinanakit nito. Inalis niya ang mukha mula sa pagkakayukyok sa dibdib ng binata.

Mabilis na nagbawi ng tingin si Marie nang marinig ang huling sinabi ni Ana. He felt as if para narin sa kaniya iyon dahil narin sa pang-iiwan na ginawa niya sa dalaga. Ika nga nila, may mga salitang parang ligaw na bala, kahit hindi para sa 'yo tatamaan ka.

"Hindi ko naman sinasadyang umalis ng walang paalam. Kailangan ko kasi talagang lumipad pa-Europe para sa kapatid ko. Sorry kung feeling mo iniwan kita," sinserong paghingi ng tawad ni Ferdie kay Ana.

Mabilis na napaisip si Marie. Kung siya ba ang hihingi ng tawad kay Ana dahil sa pang-iiwan niya dito, patatawarin kaya siya agad ng dalaga? Kung siya ba ang bumalik mula sa apat na taong pagtatago, tatanggapin parin kaya siya nito?

"Okay lang. Sanay naman na 'kong maiwan," tila hugot na tugon ni Ana na muling niyakap ang kaibigan bago ito hilahin papasok sa loob ng opisina. Napansin ng dalaga si Marie na nakayuko sa isang gilid na tila nahihiya. "Marie, would you mind leaving us for a while? We just have to talk."

"S-sige po," pilit ngiting sagot ni Marie na ngayon ay nakatingin na sa bulaklak na hawak ni Ana.

Mabilis na naglakad palabas ng opisina si Marie at hinanap kung nasaan si Beauty. Habang hinahanap ang dalaga ay muli nanamang nag-alangan si Marie kung itutuloy pa ba talaga niya ang pagmomodelo sa kompanya ng dating kasintahan oh iiwas nalang ulit at maghahanap ng ibang mapagkakakitaan?

Kung itutuloy niya ang trabaho bilang modelo at pumatok sa madla ang magazine na siya ang cover, maaari niyang matulungan si Ana na maiangat ang kompanya. Iyon nga lang ay araw-araw siyang lalamunin ng konsensya dahil sa pang-iiwan niya rito.

"Kung bakit ba naman kasi ang liit liit ng mundo at ang likot likot ng tadhana. Talagang pinagtagpo pa ulit tayo," parang siraulong pangungusap ni Marie sa sarili. "Kung ako ang papipiliin mas gugustuhin kong hindi nalang tayo nagkita ulit para hindi ako nilalamon ng konsensya ko."

"Sinong kausap mo?"

"Sarili ko, wala kang pake!" singhal agad ni Marie kahit hindi pa niya nililingon ang taong kumakausap sa kaniya.

"What?" unti-unting pinihit ni Marie ang sarili patalikod at napanganga na lamang nang makita si Divine na kunot noong nakatingin sa kaniya.

"Ay hala, sorry po Ma'am. Sorry po." takot na paghingi ng paumanhin ni Marie na halos lumuhod na sa sobrang kaba. "Sorry po talaga."

She's A FeMANineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon