Chappie 17: 4 days vacation... (part 3)

2.4K 56 16
                                    

"Na load na iha." ngumiti ako saka, naupo muna dito sa may upuan sa labas ng tindahan.

Asar kase yung Macky na yun eh >___< Ayaw paawat sa text messages nya. 

Please Reply.

Yan ang paulit ulit nyang sinend sakin. Eh sa wala akong load eh! Problema ko pa ba yun??

Pero nagpaload nalang ako. Naalidbadbaran na kase ako sa kadami dami kong ididelete sa cp ko na messages na puro galing sa kanya. Mang flood ba naman ng inbox to da max?!

Nag text ako sa kanya.

K.

Yun lang. At dahil lang sa isang letter na yun, nag paload ako -___-" Nakakabanas talaga!

"Iha.. di ba kayo magsisimba ngayon?" biglang tanong ng tindera. Napatingin ako sa kanya na nakasilip lang dun sa maliit na bintabintana ng tindahan nya.

"Ah.. magsisimba po sana, kaso.. san po ba dito yung simbahan nyo?" naitanong ko. Linggo ngayon, at dahil mabait ako.. gusto kong magsimba! haha XD

"Ah dun.. malapit sa munisipalidad dito."

Tumango tango ako. "Sige po. Sasabihan ko po mga kasamahan ko."

Ngumiti lang sya tapos ay nag ayos ayos ng paninda nya sa loob.

Aalis na sana ako kaso biglang nag vibrate cp ko.

Galing kay Macky.

Bat ngayon ka lang reply? Asan ka ba? 

Ay, echusero! Bat ba nagtatanong pa sya. Paki ba nya.

Pero nagreply na din ako, walang magawa sa load eh.

Wala akong load kahapon. :P Tsaka, wala ka ng paki kung san ako.

Mga ilang segundo lang.. nag reply sya ulit.

Tss. -__- Kasama mo yung Zed dba? >:(

Napataas kilay ko dun. 

Bakit ba alam nya?? o?O At may pa emoticon pa sya na ganyan.. ano sya, galit?

Yah, may problema? 

Sagot ko. 

Oo ako na mataray. Eh kayo kaya ganunin, di naman kami close eh. Bat parang nangingialam pa sya kahit personal na mga bagay?

Tss -___- Tsaka excuse me, bawal ba akong sumama sa mga kaibigan ko? Fc naman nya.

Tumayo na ako saka naglakad pabalik dun sa bahay nila Zed. Malapit lang naman, as in. Mga tatlong minuto lang ang kelangan kung lalakarin mula dito sa tindahan. 

. . .

. . .

Nag reply na naman sya.

Kayo na ba?! >:(

Di ko na sinagot yung message nya.

Nakakabuset lang eh -___-"

Ayoko ng pumatol sa kanya. Kita nyo naman siguro  mensahe nya.. galit ata. Tsaka nagiging pakialamero na sya ah. Eh bakit ba?  Tatay ko ba sya? Nanay ko ba sya? TSS.

Naabutan ko kasi si Zed nagwawalis sa bakuran nila.

"Zed!" tawag ko sabay kaway at napatingin sya sakin. Nilagay ko na ulit ang cp sa bulsa ko.

"O? San ka galing?" tanong nya at initayo nya ang walis nya sa may puno.. saka ako sinalubong sa pagbukas ng gate nila.

Pumasok ako saka pumunta dun sa may bench dito sa harap ng bahay nila.

[IWYTNMS1 Book2] IN A SNAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon