A Confession on a Secretfiles

14.4K 289 91
                                    

A Confession on a Secretfiles
by: Chrispepper
Story started: September 04, 2015

××

PLVSecretFiles updated a post.
13 mins ago.

Long legged man.

Hi admins, pa hide nalang po ng identity ko. :) Gusto ko lang mag-hi kay Stephen Escoto! HAHAHA. Ang dami palang nagkacrush sayo no? Tapos dadagdag pa akes, hahaha. Sorry na po :p Ang galing mo po kasing magbasketball. Nakita po kitang maglaro sa Annex building ng University kasama ang mga kaklase nyo po yata. Ang haba po kasi ng legs mo kaya ayun! HAHAHA. Yun lang naman po :D

BSED 2-*
TaylorSwift.

243likes. 16comments.
Like | Comment | Share

Avid reader ako ng PLVSecretfiles. Ang facebook page na kung saan ay madalas kong nababasang itinatag sa mga comments ang pangalan mo. Madalas kong mabasa na nagcoconfess sa'yo ang iba't ibang babae. Dito din mababasa ang mga shout-outs at malulupit na secrets ng mga estudyante, nag-aaral man o hindi sa school na pinapasukan natin. Gustong-gusto ko magbasa sa facebook page na 'to dahil sobrang nakakatuwa sila. Pampalipas oras na rin at minsan pampabeastmode dahil maala-hokage kung makapagcomment ang mga nagbabasa dun. Minsan nga, isa rin ako sa mga taong gustong mauna sa pagcocomment kapag may nagpost. *^O^*

Pinindot at binasa ko ang mga comments.

Camille Devera
Hahaha, Stephen Escoto! Famous kana, brad. Hwag mo kaming kalimutan a! :D
12 mins ago. Like. 2 likes. Reply.

Lester Robles
Iba kana dude! XD Kaypogi mo HAHAHA. Stephen Escoto.
11 mins ago. Like. 1 like. Reply.

Stephen Escoto
Nice penname :) Taylor swift. Hi! *waving palm emoji* Insert pawikan face, hahaha.
9 mins ago. Unlike. 5 likes. 3 replies.

Natawa ako. Paano ba naman, ang legendary pawikan face mo, naalala ko. Kung paano mo kuhaan ang sarili mo ng mga litratong nakawacky ang mukha, at kung paano natutuwa ang mga babae sayo dahil kahit sa litrato lang ay mababakas na wala kang kaartehang itinatago.

Camille Devera
Dude, ang gwapo mo! Papicture mamaya ha? HAHAHA.
2 mins ago. Like. 1 like. Reply.

Stephen Escoto
Nang-aano ka Camille eh :p Para kay Ate na nagpost, salamat *smile emoji* Pakilala naman dyan o, hahaha.
2 mins ago. Unlike. 2 likes

Hannah Serrato
Di yan magpapakilala sa'yo pen! Mabangis ka eh. HAHAHA. May chiks ka na namang gago ka :p
1 min ago. Like. Reply.

Stephen Escoto:
Ate Hannah, grabe ka po :( HAHAHA. Please kung sino man ang sender nito, pm me. I wanna know you.
25 seconds ago. Unlike. 1 like. Reply.

Isang araw, nakita kitang naglalakad sa campus kasama ang mga kaibigan mo. Nagkakasiyahan kayo at talagang halos iparinig mo na sa buong campus ang tawa mo. Titig na titig ako sayo noon dahil kamukha mo ang artistang crush ko. (Ryle Paolo Tan Santiago) Matangkad ka, moreno, makulit, at punong-puno ng kalokohan sa buhay. Magaling ka ring magbasketball. Yan nga marahil ang dahilan kung bakit ang daming babae ang nahuhumaling sayo kabilang na ako. Napakamanly ng hugis ng mukha mo, di ka nahihiyang magpapangit sa picture dahil kahit anong hitsura at anggulo, ang gwapo mo. Isa na yata ang pangalan mo sa mga bentang bentang pangalan ngayon sa school dahil sa mga nagcoconfess sayo.

At ito nga may nabasa na naman ako. Ilang ganito pa ba ang mababasa ko na tungkol sa'yo? (_>>)

Pinindot ko ang message box ko at tinignan ang message na ipinadala ko na may nakasulat sa baba na "Seen". Tanda na nabasa na 'to ng pinadalhan ko.

A Confession on a Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon