Chapter Twenty-four The most awaited... FINALE :))

1.6K 41 36
                                    

 PAG MAY TANONG KAYO, DITO NA LANG. :) http://ask.fm/ehLlzeeReyes

3rd Person’s POV

“You’re free.” Nagtaka naman si Baekhyun sa pambungad ng tita niya habang magkausap sila sa telepono.

“Ano po?” Takang tanong pa ni Baekhyun sabay kamot sa batok kahit hindi naman siya nakikita nito.

“Sabi ko, Malaya ka na.” Pagtatranslate ng tita niya.

Hindi niya pa rin magets anag pinagsasabi ng tiyahin niya.

“Malaya sa ano tita?”

Ano ba ‘tong si tita, ang gulo. Isip ni Baekhyun.

Pero nung sinabi ng tita niya sa kanya kung anong ibig nitong sabihin ay napangisi na lang siya ng napakalapad.

“Salamat  po talaga tita. Salamat.”

Ilang beses pa siyang nagpasalamat sa tita niya hanggang sa nagbabaan na sila na telepono.

Nagsimula na siyang mag-ayos. Umaga pa lang naman kasi. Pero hindi lang ito basta bastang umaga… Ngayon na kasi ang araw ng prom nila.

Matapos niyang mag-ayos ay tinawagan niya ang mga kaibigang si Sehun para sunduin at ayusan si Yuri habang nanghahanda siya para sa sorpresa niya.

Matapos niyang makausap ang mga kaibigan ay umalis siya papunta sa kwarto nila Kai. Nagbago kasi ang plano niya…

Kumatok na siya sa pintuan ng kwarto nila Kai at si Kai ang nakabukas nito..

“Uy pare. Aga mo ata?” Tanong ni Kai na kakatapos lang ata malago kasi nakatapis lang ito ng tuwalya.

“Haha. Ligo ka ulet. Mukhang inaantok ka pa ata. Haha. Si Chanyeol?” Tanong ko.

“Ayun nakaharap sa salamin. Haha. Pasok ka na at paghiwalayin mo na yun sa repleksyon niya. Mag-iisang oras na yan diyan eh.” Sabi ni Kai.

“Haha. Sige tol. Salamat ha. Bihis ka na.”

Pinasok na ni Baek ang kwarto at nadatnan si Chanyeol na nasa harap pa rin ng salamin.

“Oh tol. Aga mo ah.” Sabi ni Chanyeol nung nakita niya si Baekhyun sa salamin.

“Actually tol. Magpapatulong sana ako eh.” Sabi niya.

“Tulong sa ano tol?” Tanong naman ni Chanyeol.

“Dito oh. Alam mo bang tugtugin ‘to?”

Yuri’s POV

Nandito ako ngayon kela Kyungsoo. Ang kulit kasi eh. Ang aga pa naman. Mamayang gabi pa ang prom pero aayusan na raw nila ako. Ewan ko ba sa mga ‘to. Sila pa ata ang excited eh.

Nakipagkwentuhan lang sila sa akin buong umaga. One pm na nila akong sinimulang ayusan at five pm na ako natapos. Hinatid na nila ako sa venue suot suot na ang full face mask ko.

Alam niyo ba kung bakit weird ng prom namin ngayon? Sobrang pamystery kasi eh. As in sobra sobra talaga.

Bawal ang eyemask lang dapat full face mask talaga. Baka raw kasi may mga nunal ka sa parte ng mukha mo na maging dahlian para may makakilala sayo.

Pero ang pinakawalang kwentang rule ngayong gabi ay ang bawal magsalita…

Like WTF? Hanggang 12 midnight hindi pwedeng magsalita? Babaho hininga ko niyan.

Pero it’s not like I have a choice, susunod nalang ako. Baka magkaroon pa ng thrill ang gabi ko.

Nagsisimula na ang entrance kaya pumila na ako. Nagtext naman si Baek sa akin na pumasok na raw muna ako. Susunod nalang daw siya at hahanapin niya lang ako dahil alam niya naman daw ang damit ko.

From HE to SHE [A Byun Baekhyun Fan Fic] - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon