Chapter Fourteen : All pretends ends here~!

2.1K 62 24
                                    

MUST READ!!

ANNOUNCEMENT REGARDING THE NEXT UPDATE :D

FOR THE FIRST TIME PO MAGKOQUOTA PO AKO.. HINDI PO AKO GREEDY SA VOTES… PAMPALIPAS ORAS LANG BAGO ANG NEXT UD.

160 VOTES PO ANG QUOTA KO NA DAPAT TOTAL VOTES NG FHTS.. ALAM KO PO MATATAGALAN PA YUN KAYA MAY TIME PA PO AKO MAG-ISIP NG NEXT  UPDATE.

NOTICE KO PO KASI SA LAST CHAPTER ANG DAMING NAGVOTE KAYA KUNG GUSTO IYO PONG PADALIIN ANG NEXT UPDATE BALIKAN NIYO PO ANG PAST CHAPTERS NA HINDI NIYO PA NAVOTE AT E’VOTE NIYO PO…

TRUST ME~!! GUGUSTOHIN NIO AGAD NG UPDATE

Pasensya na po kayo kung napatagal ang UD ko.. Ilang araw din kasi akong nakipagdate sa CR dahil sa isang Litrong Chuckie na Linaklak ko.. :DD Wahahah

Dedicated pala ito sa 100th follower ko na si dededenz :DD

***

Baekhyun’s POV

Lalaki na po ako ulet. Tinaggal nila ang extensions ko. Feeling ko nga gumaan ang ulo ko eh, nasanay na rin siguro ako sa mahabang buhok.

“Tol, pahiramin niyo muna ako ng mga panlalaki niyong damit.” Sabi ko kay Kyungsoo.

“At bakit naman kita pahihiramin?” tanong niya. Pinanlakihan niya pa talaga ako ng mata nun ha.

“ehhh…”

“Ano?” Tanong naman ni Sehun.

Psssh! Mga atat naman to.

“Uhmm.. Kasi idedate ko si Yuri eh.” Nakayuko pa ako nun at nahihiya.

“Tama nga chismis ni Kai.” Sabi ni Kyungsoo.

“Oo nga. Tch!” sagot ni Sehun.

“Kahit kelan talaga napaka chismoso ni Kai. Hay! Oh pahiramin niyo na ako. Naghihintay na si yuri sa labas.” Sabi ko.

May pinuntahan si Sehun na cabinet tapos humarap siya sakin.

“Oh! Labhan mo bago mo ibalik ha.” Tapos tinapon niya sakin ang isang plain white V neck na Tshirt. Pedal na shorts na checkered at Lether Jacket na red.

“Yes boss. Sapatos pa pwede?” Tapos ngumiti ako.

“Tch! Oh!” Tapos hinagisan ako ni Kyungsoo ng converse na gray.

“Pasalamat ka mag kasize tayo.” Dagdag pa niya.

“Ba’t kelangan niyong itapon?! Tch. Salamat ha.” Sabi ko *NOTE THE SARCASM*

Tumayo na ako tapos nagbihis sa dressing room.

“Sige! Babye!” maglalakad na sana ako papunta sa waiting area ng…

“Teka!” Lumingon ako kela Kyungsoo. “Oh!” Tapos hinagisan nila ako ng isang backpack.

“Andyan na yung wig mo at pambihis mo mamaya.” Sabi ni Sehun.

“Salamat mga tol.” Tapos sinuot ko ang backpack at naglakad na ako papuntang waiting area.

Nagpapasalamat talaga ako kasi kahit na mga loko-loko ang mga kaibigan kong yun andyan pa rin sila palagi para sakin.

Nung papalapit na ako kay Yuri napangiti ako.

Umiikot lang ang mata niya sa fashion center habang kumakain ng chocolate.

Tss. Adiik. Naalala ko tuloy nung first day ko siyang makita. Pagpasok ko sa dorm room namin lahat nalang ng makikita mo sa bed niya purple tapos singguban niya agad ang chocolate na binigay sa kanya ni Kapre.

From HE to SHE [A Byun Baekhyun Fan Fic] - COMPLETEDWhere stories live. Discover now