HPD 31

270K 3.6K 174
                                    

[ 31 ]

Paul's POV

"Ano na ang sunod na balak mong gawin, Pre?" Napaisip din ako sa tanong na iyon ni Kael.

Napakibit-balikat na lang ako habang tinitingnan ko si Sherlyn na nasa lamesa niya sa labas ng opisina ko.

"Ayun! Hindi makapag-isip nang maayos dahil may binobosohan sa labas."

Binaling ko ang tingin ko kay Kael na imprenteng nakaupo sa upuan ko at pinapakialaman ang mga gamit ko. Tiningnan ko siya nang masama.

Nginisian lang ako ng gago.

"At sinong nagbigay ng pahintulot sa'yong umupo diyan at makialam sa mga gamit ko?"

Parang wala lang itong narinig at nagpatuloy lang sa ginagawa.

Nagulat na lang ako ng may hawak na siyang isang litrato.

"Pre, ito ba iyong sinasabi mo noong college tayo na hinahanap mong kababata mo?"

Napakunot-noo ako. Kinuha ko sa kanya ang hawak niyang litrato at tiningnan ko. Nandito lang pala ito? Matagal ko itong hinanap noon. Akala ko nawala na talaga. Paano napunta ang picture na 'to rito? Ang alam ko hindi ko ito nilabas noon sa kwarto ko.

"Yo, Paul! Siya ba 'yan? Imposible namang si Nics iyan dahil nakita ko na picture ni Nics noong bata pa. Akala ko nawala 'yan? Hinahanap mo pa rin ba siya?"

"Matanong ka rin noh?"

"Eh kung sinagot mo?"

"Tsss. Hindi ko alam bakit napunta ito rito. Ni hindi ko ito nilalabas sa kwarto ko noon. Si Dad lang naman ang gumagamit ng opisina na 'to noon bago ko pa maging opisina ito."

"Eh hindi ba sabi mo bata ka pa noong nawala iyan? Ano nga uli pangalan niya? Maganda kaya siya ngayon? Tara, Pre! Hanapin natin!"

Tiningnan ko lang siya nang masama. Tumahimik naman siya agad.

Tiningnan ko ulit ang litrato.

Eight years old ako sa picture na ito, kasama ang kababata namin ni Nichole na si Shana. Ang naaalala ko, dinadala siya noon nina Mommy at Daddy sa bahay kasabay ng pagdating din nina Ninong Anton at Nichole. And then, bigla na lang siyang nawala. Hinahanap namin siya ni Nics kina Mommy pero ang sabi nina Mom and Dad, umalis na raw sila.

"Masyado nang malalim 'yan Pare ah. Move on! May Sherlyn ka na..." Natatawang sabi ni Kael.

"Siraulo."

Tumawa lang ito sabay sumeryoso.

"Pero Pre, ano na ngayon ang plano niyo ni Nics?"

Napahinga ako nang malalim.

"We have to talk to Tita Sylvia and tell her the truth. I don't want to hurt Sherlyn anymore. Ayaw kong abusuhin ang pag-intinding binibigay niya sa amin. Kahit hindi niya ipakita, I know nasasaktan siya."

Kael just tapped my shoulder.

"Sa totoo lang Pre, si Sherlyn ang dehado sa sitwasyon niyo ngayon. Pero sigurado ka na ba diyan? Handa ka na ba sa pwedeng gawin ni Tita kapag nalaman niya ang totoo?"

"I don't know. But one thing is for sure, I will do anything just to make sure na hindi nila magagalaw si Sherlyn... even the tip of her finger."

"That's my Paul!"

"Ang bakla mo."

Tumawa lang siya. Ganyan na talaga 'yan si Kael. Hindi siya nakakatagal sa seryosong usapan kaya hinahaluan niya palagi ng biro.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon