HPD 7

361K 5K 115
                                    

[ 7 ]

Sherlyn's POV

Isang matandang lalaki ang pumasok. Hindi siya ka-edaran ni Manang Pilar. Parang mga nasa mid-forties pa lang siya. Siya siguro si Mang Kaloy.

"Oh, Kaloy. Ang bilis mo naman yata nakabalik." Bungad sa kanya ni Manang Pilar pagkabukas ng pinto.

Tama nga ako.

"Ah opo, manang. Pinabalik na ako ni sir agad. Bumalik na lang daw ako mamayang hapon."

"Ganoon ba. Oh sya, kumain ka na roon sa kusina. Nandoon pa nakahain ang pagkain."

"Ay salamat ho, manang. Siyanga po pala, nakuha ko na rin ho ang magiging uniporme ng papalit sa akin. Manang? Babae ho ba ang papalit sa akin?"

Rinig na rinig ko ang usapan nila kahit nasa kusina pa rin ako. Sinilip ko lang kanina kung sino iyong dumating tapos binalikan ko na rin ulit ang kinakain ko.

"Oo, naroon siya sa kusina ngayon at kumakain din."

At iyon na. Sumulpot na sila agad sa harap ko.

Halatang gulat na gulat si Mang Kaloy pagkakita sa akin at pati ako ay nagulat na rin dahil nakita ko ang reaksyon niya. Naiwan pang nakasubo pa rin sa bibig ko ang hawak kong kutsara habang nakatingin sa kanila.

Agad naman akong nakabawi at ngumiti kay Mang Kaloy.

"Oh Kaloy, siya si Sherlyn, ang papalit sa'yo. Siya ang bagong personal driver ni Paul."

"Hello po, Mang Kaloy!" Masayang bati ko sa kanya.

Kunot-noo pa rin si Mang Kaloy at tumingin ulit kay Manang Pilar.

"Sigurado ho kayo, manang? Siya ang ipapalit sa akin ni sir?"

Ouch. Masasaktan ba ako roon or mapa-flattered? Ngumiti naman si Manang Pilar at sabay natawa.

"Ganyang ganyan din ang reaksyon ko kagabi, Kaloy. Oo, siya nga ang bagong personal driver ni Paul."

Eh? Napakunot lalo ang noo ko.

"Manang Pilar, Mang Kaloy. Ano hong problema? Hindi ko ho kasi ma-gets."

"Wala, hija. Nagulat lang itong si Kaloy sa'yo." Napatingin naman ako kay Mang Kaloy.

"Oo nga. Nagulat talaga ako nang sinabi kanina ni sir na babae ang papalit sa akin pero akala ko tomboy o kaya titigas-tigasin din. Pero mas nagulat lang talaga ako nang makita kita ngayon. Sigurado ka ba, hija, na pagiging personal driver lang ang gusto mong trabaho?"

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon