Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia

1.9K 1 0
                                    

KASAYSAYAN NG KATOTOHANANG ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

CASAYSAYAN

ng

CATOTOHANANG BUHAY

ng

Haring Clodeveo

_AT_

Reyna Clotilde

_SA REYNO NANG FRANCIA NA TINULA SA LUBOS NA CATIAGAAN NI_

CLETO R. IGNACIO

_Concepcion, Malabon, Rizal_.

* * * * *

_SIPI SA TUNAY NA HISTORIA_

=1917=

IMPRENTA, LIBRERIA Y PAPELERIA DE P. SAYO Vde. DE SORIANO Rosario 225. Plaza del Conde 1003 y Azcarraga 552, Tondo

Manila, I.F.

=PAUNAUA=

_Manga maguiliuing puso sa pagbasa nang catotohanang hanay nang historia, dito'y lubos ninyong mapag-kikilala ang cay Clodoveong buhay na talaga._

_Niyong unang siya ay di pa cristiano ay Clovis ang tauag sa pangalang moro, nang binyagan siya'y naguing Clodoveo at Reyna Clotilde ang asaua nito._

_Siya'y isang tangi cung sa cabaitan at ul�ran naman cung sa cahinhinan, nang tanang babae, nang casalucuyang siya ay dalaga't nang mag-asaua man._

_Caya cailangang pacatatastasin yaong buhay niya't nang iyong malining, mulang puno't dulo'y iyong pasayurin at nang upang iyong matantong magaling._

_Hangang dito aco't ang bahala'y icaw sa tula cong hamac na pinag-inutan, sa dahop cong cayang hinimalay lamang na butil, nang manga nalagas sa uhay._

=Simula nang buhay=

* * * * *

Taong isang daan ualungpu at apat mula nang manaog ang Poong Mesias, sa Reyno nang Francia ay noon tumangap si Clovis nang pagca Haring napatanyag.

Nang panahong yao'y ang Reyno n~g Francia ay hindi cristiano at man~ga gentil pa, si Clovis ang siyang nagbinyagang una't sa Dios ay siyang unang cumilala.

Sa panahong yao'y ang Borgo�a nama'y man~ga cristianong tumangap nang aral, nang man~ga Apostol ni Cristong hinirang na nagsilaganap sa sangsinucuban.

Noon ay ang Hari namang sinusunod na namamahala ay si Agabundos, at ang bunso niyang capatid na irog ay yaong Infante na si Hispericos.

Ang bunying Infante ay nagca-asaua nang isang Duquesa na si Aprodicia, dalauang babayeng naguing An�c nila na ang bunso'y ualang cauan~gis nang ganda.

Mabunying Infante Estatira bilang n~galan nang canilang An�c na pan~ganay, ang bunso'y Infanta Clotildeng timtiman sa Reynong Borgo�a'y tan~ging cagandahan.

Bucod sa caniyang cagandahang angkin ay nahiyasan pa nang bait at hinhin, at nang cabanalang pagca-masintahin sa Dios na Poon at sa In�ng Virgen.

Sa araw at gabi ay di sumasala nang pananalan~gin sa Dios na Am�, at sa In�ng Virge't sa touing umaga'y pilit guinaganap yaong pagsisimba.

Madalas ding siya ay nag-cocompisal at tuloy ring siya ay nakikinabang, lubos na caniyang pinag-iin~gatan ang pagca-babaeng loob nang maycapal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2008 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang FranciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon