Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan

Magsimula sa umpisa
                                    

Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palal� ang katiwal� sa sariling bait; sa akal� ko ay lalong palal� ang ibig sumupil ng bait ng iba, at papanatilihin sa lahat ang sarili. Lalong palal� ang nagdidiosdiosan, ang ibig tumarok ng balang kilos ng isip ng DIOS; at sakdal kapalaluan � kataksilan ang walang gaw� kund� pagbinta�gan ang Dios ng balang bukang bibig at ilipat sa kanya ang bal� niyang nas�, at ang sariling kaaway ay gawing kaaway ng Dios. D� dapat naman tayong umasa sa sarili lamang; kund� magtanong, makinig sa iba, at saka gawain ang inaakalang lalong matuid; ang habito � sutana'y walang naidaragdag sa dunong ng tao; magsapinsapin man ang habito ng huli sa bundok, ay bulubundukin din at walang nadaday� kungd� ang mangmang at mahinang loob. Nang ito'y lalong maranasan, ay bumili kayo ng isang habito sa S. Francisco at isoot ninyo sa isang kalabao. Kapalaran na kung pagka pag habito ay hind� magtamad. Lisanin ko ito at dalhin ang salit� sa iba.

Sa kadalagahang punlaan ng bulaklak na mamumu�ga'y dapat ang babai'y magtipon ng yamang maipamamana sa lalaking anak. Ano kaya ang magiging supling ng babaing walang kabanalan kund� ang magbubulong ng dasal, walang karunu�gan kungd� awit, novena at milagrong pangulol sa tao, walang liba�gang iba sa panguingue � magkumpisal kay� ng malimit ng muli't muling kasalanan? Ano ang magiging anak kund� sakristan, bataan ng cura � magsasabong? Gaw� ng mga ina ang kalugamian ngayon ng ating mga kababayan, sa lubos na paniniwal� ng kanilang masintahing pus�, at sa malaking pagkaibig na ang kanilang mga anak ay mapakagaling. Ang kagula�ga'y bu�ga �g pagkabat� at ang pagkabata'y nasa kandu�gan �g ina. Ang inang walang maitutur� kund� ang lumuhod humalik �g kamay, huwag magantay ng anak ng iba sa du�g� � alipustang alipin. Kahoy na laki sa burak, daluro � pagatpat � pangatong lamang; at kung sakal�'t may batang may pusong pangahas, ang kapangahasa'y tag� at gagamitin sa sam�, paris ng silaw na kabag na d� makapakita kund� pag tatakip silim. Karaniwang panagot ang una'y kabanalan at pagsinta sa Dios. �gun� at ano ang kabanalang itinur� sa atin? Magdasal at lumuhod ng matagal, humalik ng kamay sa par�, ubusin ang salap� sa simbahan at paniwalaan ang balang masumpu�gang sabihin sa atin? Tabil ng bibig, lipak ng tuhod, kiskis ng ilong..... bagay sa limos sa simbahan, sangkalan ang Dios, may bagay baga sa mundong ito na d� ar� at likh� ng Maykapal? Ano ang inyong sasabihin sa isang alilang maglimos sa kayang panginoon ng isang basahang hiram sa nasabing mayaman? Sino ang taong d� palal� at ulol, na mag lilimos sa Dios at magaakalang ang salant� niyang kaya ay makabibihis sa lumikh� ng lahat �g bagay? Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa mayhirap, magpakain sa gutom; �gun� at mapulaan at sumpain, ang bi�gi sa taghoy ng mahirap, at walang binubusog kund� ang sandat, at inubos ang salap� sa mga frontal na pilak, limos sa simbahan � sa frayleng lumala�goy sa yaman, sa misa de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping ito'y pinipig� sa buto �g mahirap at iniaalay sa pa�ginoon �g maibili ng tanikalang pangapus, maibayad ng verdugong panghampas. � kabulagan at kahiklian ng isip!

Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari. "Gaw� at hind� salit� ang hiling ko sa inyo" ani Cristo; "hind� anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kund� ang nabubuhay alinsunod sa hiling �g aking ama." Ang kabanalan ay wal� sa pulpol na ilong, at ang kahalili ni Cristo'y di kilala sa halikang kamay. Si Cristo'y d� humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man; hind� niya pinatab� ang may yaman at palalong escribas; wal� siyang binangit na kalmen, walang pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, at di nagbayad sa kanyang panalangin. Di napaupa si San Juan sa ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral. Bakit ngayo'y ang mga pari'y walang bigong kilos na di may hinihinging upa? At gutom pa halos nagbibili ng mga kalmen, cuentas, correa at ibapa, pang day� ng salapi, pampasam� sa kalulua; sa pagkat kalminin mo man ang lahat ng basahan sa lup�, cuintasin mo man ang lahat ng kahoy sa bundok ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop, at ang lahat na ito'y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at pagbulongbulongan ng lahat ng pari sa sangdaigdigan, at iwisik man ang lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi. Gayon din sa kasakiman sa salapi'y maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na ng� sa huag sa pagkain ng karne, pagaasawa sa pinsan, kumpari, at iba pa, na ipinahihintulot kapag ikaw ay sumuhol. Bakit, nabibili baga ang Dios at nasisilaw sa salaping paris ng mga pari? Ang magnanakaw na tumubos ng bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya'y pinatawad; samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Totoo bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros � guardia civil? Kung ito ang Dios na sinasamba �g Frayle, ay tumalikod ako sa ganyang Dios.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2008 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, BulakanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon