Previous Page of 10Next Page

Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan

spinner.gif

ANG LIHAM NI DR. JOSE RIZAL ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net

ANG LIHAM

NI

Dr. JOSE RIZAL

SA MGA

KADALAGAHAN

SA MALOLOS, BULAKAN

Febrero, 1889

Epistorario Rizalino Vol.II p.122

Europa Pebrero 1889

SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS:

Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat �g dalagang makilala sapul sa pagkabat�, ay ma�gisa-�gisa lamang ang sumaguing larawang aking ninanas�. Tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugal�, ang binibining any�, ang mahinhing asal; �gunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan �g lubos na pagsuy� at pagsunod sa balang sabi � hiling nang nag�ga�galang amang kalulua (tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala �g malabis na kabaitan, kababaan �g loob � kamangma�gan kay�: anaki'y mga lantang halaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang ba�go, magbu�ga ma'y walang katas.

�gun� at �gayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos, napagkilala kong ako'y namal�, at ang tu� ko'y labis. D� sukat ako sisihin, d� ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga, liban sa isang Emilia, at ito pa'y sa �galan lamang.

�gayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw �g ikagagaling �g bayan; �gayong nagpakita kayo �g mabuting halimbawa sa kapu� dalagang nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at maha�go sa pagkalugam�, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglah� ang sakun�, sa pagka at kayo'y katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay. Ang babaing tagalog ay di na payuk� at luhod, buhay na ang pagasa sa panahong sasapit; wal� na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na palalakhin sa alipust� at pagayop. Di na unang karunu�gan ang patu�g� �g ulo sa balang maling utos, dakilang kabaitan ang �gisi sa pagmura, masayang pangaliw ang mababang luh�. Napagkilala din ninyo na ang utos �g Dios ay iba sa utos �g Par�, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kund� ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip. Napagkilala din ninyo na d� kabaitan ang pagkamasunurin sa ano mang pita at hiling �g nagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuid, sapagka't ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan �g likong paguutos, at sa bagay na ito'y pawang nagkakasala. D� masasabi �g pun� � par� na sila lamang ang mananagot �g maling utos; binigyan �g Dios ang bawat isa �g sariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang lik� at tapat; paraparang inianak �g walang tanikal�, kund� malay�, at sa loob at kalulua'y walang makasusupil, bakit kay� ipaaalipin mo sa iba ang mara�gal at malayang pagiisip? Duag at mal� ang akal� na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilay nilay. Ang kamangma�gan'y, kamangma�gan at d� kabaita't puri. Di hiling �g Dios, pun� �g kataru�gan, na ang taong larawan niya'y paulol at pabulag; ang hiyas �gisip, na ipinalamuti sa atin, paningni�gin at gamitin. Halimbaw� baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anak �g kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Pani�gasin nila ang liwanag �g ilaw, alagaang kus� at huag patain, dala �g pag-asa sa ilaw �g iba, kund� magtulongtulong magsangunian, sa paghanap �g daan. Ulol na di hamak at masisisi ang madap� sa pagsunod sa ilaw �g iba, at masasabi ng ama: "bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?" �guni't d� lubhang masisisi ang madap� sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim, � kay� ay totoong masam� ang daan.

Previous Page of 10Next Page

Comments & Reviews (1)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended