6:30 pm

4.8K 100 21
                                    

6:30 pm

Sa dinami-daming beses na naming nagwalwal ni Bea, hindi talaga dumating 'yung araw na siya 'tong unang natapos magready.

Dahil magi-isang oras na since we planned na lumabas at wala pa ring Bea De Leon sa pintuan para sunduin ako, inakyat ko na lang siya sa kwarto nila.

Sinalubong ako nung Fetty Wap playlist niya at ng binagyo niyang kama.

Bea was in her robe, hindi pa bihis pero pinagpapawisan na. Hay nako.

"Beh, ano na?"

"Wait, babe. May hinahanap lang." Isa-isa na naman niyang pinaglalabas 'yung mga gamit sa drawer niya-- underwear, sports bra, hankies, hand towels tapos mga medyas. "Ugh, nasaan na kaya 'yun?"

"Bea, ang gulo ng kwarto niyo! Papagalitan ka naman nila Maddie."

"I'll fix it mamaya. Hinahanap ko 'yung partner nito." She tossed me a Lord of The Rings lego-designed sock. Seryoso ba? "Help, Jho!"

"Beh, ibang medyas na lang."

"Ehhh." Iling ni Bea at kapag umiling na 'yan, jusko, ayaw talaga niya. "Sige na, please?"

Kaso 'di naman papalag kakulitan nito sa akin eh.

I went to her bed at binalik lahat nung mga damit na nilabas niya sa cabinet niya. Hindi ko na tinupi dahil magugulo rin naman niya 'to. Even if I neatly arrange her stuff, after two days, para na namang dinaanan ng bagyo eh. "Uy, shirt ko 'to. Napunta na naman sa'yo?"

"Leave it there, beb. Isusuot ko nga eh." Bea said.

"Grabe ka, beh. Kalahati siguro ng damit mo, damit ko 'no?"

"O, edi magsulian tayo nang magka-alaman sino 'tong hiram nang hiram. Ikaw nga, you're wearing my name across your back eh." She retorted sabay ngiti. I was startled dahil I was wearing my gray hoodie over her shirtsey eh.

"Daya nito. Sumilip ka siguro kaninang nagbibihis ako."

"Babe, I know you. Two of three times we go out, you wear my clothes."

"Three of three, lagi kang cause of delay!" I quipped then tossed her a plaid shirt which hindi ko na maalala if sa akin ba 'yun or sa kanya. But I know we bought it at F21. "Bilis, De Leon!"

"E 'yung partner nga nito. It's sad, o! Wala siyang partner. Parang ako 'pag wala ka, gets mo na the analogy?"

"Beh, 'di tayo medyas!" I laughed kesa naman manahimik ako at mapaisip pa ng ibang meaning other than what she just meant.

"We cannot be paired wrongly, babe. The other does not go along will with another else. At higit sa lahat, wala nang babagay pang iba sa atin. So we are figuratively medyas." She insisted nang nangingiti. May sasabihin pa 'to eh dahil nauuna na naman 'yung tawa. "Pero we don't suck."

If there were crickets here, they would be chirping by now. Kaso wala. So I gave her a couple of silent seconds nang maramdaman niya 'yung kakornihan niya.

"Jho!!! That was funny! Appreciate mo naman, beh!"

"Sorry, Bea. Hindi ko kinaya eh."

"Pshhh."

"Halika na nga! H'wag mo nang hanapin. Mamaya na. Life is short para ubusin ang oras mo sa paghahanap kay Jho."

"Sino si Jho?"

"Tanga. Yung nawawalang pares ng medyas mo."

"Ew! Who names their socks?" She rolled her eyes pero she was grinning. Jusko, kinilig 'to. "Help me later then, ha?"

bluesWhere stories live. Discover now