C13- CONCERT

3.5K 92 5
                                    

Paolline's P.O.V


"I will never let you faaaaall

I'll stand up with you foreveeeeer

I'll be there for you--woo woo lalalaaaa!--"

*PAK!* (A/N: GANERN!~ Dejoke~ *exit*)

"Aray ko naman! 'Wag naman mang-batok baka makalog ang utak ko" naka-pout na reklamo ni Jp habang nakatungo na nasa ibabaw ang dalawa n'yang braso sa ulo n'ya bilang pagsuporta sa ulo nya. 

"Ano ka ba! Wala ng kakalog d'yan dahil wala namang laman 'yang ulo mo!" asar sa kan'ya ni Jd na suspect sa pagbatok kay Jp. Hay nako jusko. Ayan na naman ho sila, HAHAHA.

"E bakit ka ba kasi nambabatok d'yan, Jd!" sabi ni Jp na mangiyak-iyak na na parang bata na nawalan ng candy. Ang cute n'ya talaga, sarap ilagay sa bulsa *0*.

"E kasi naman no! Ayos na e! Nasa chorus na tayo tapos ginulo mo na naman!" sabi ni Jd na halatang pagod na kaka-practice nila sa music room.

"Hehehe. Sorry na fafa Jd. Nakalimutan ko kasi 'yung lyrics kaya nakisabay nalang ako. Hihi" Babatukan sana ulit ni Jd c Jp pero tumakbo na si Jp papalayo, nagdila pa siya kay Jd na nagsisilbing pag-asar niya dito. Akma namang tatakbo si Jd para habulin si Jp pero tumakbo na palabas ng music room si Jp.

'Mga Isip bata talaga („ _ _) *shakes head*'

Bigla namang dumaan sa harapan namin ni Jd si Jadden kaya napatingin kami sa kan'ya. Nasa harapan ko na kasi ngayon si Jd dahil sa pagkunyari niyang tatakbo para habulin si Jp. 

"Tumahimik nga kayo" sabi ni Jadden, pagkatapos ay umupo siya sa upuan n'ya malayo sa pwesto namin ni Jd at uminom ng tubig. Nagkatinginan nalang kami ni Jd. Nag-shrug siya ng shoulders niya ako naman ay napakagat nalang sa lower lip ko.

Nagpa-practice kasi sila ngayon para mamayang gabi dahil may concert nga sila. Oo nga pala wala pa rin si Ian ngayon kaya ang naging vocalist muna nila ay si Jp na kaya sila nag-aaway kanina ni Jd ay dahil sa pagkalimot ni Jp du'n sa lyrics. 

Sino ba namang hindi maiinis du'n e halos pang labindalawang ulit na nila 'yun pero hindi pa rin sila matapos-tapos sa isang kanta.

Napatingin kami kay Jadden na tumayo sa upuan niya sabay sinakbit ang isang strap ng backpack niya sa shoulder n'ya.

"If you need me just call me" Nagsimula na siyang maglakad. Dadaan muna siya sa gitna namin ulit ni Jd dahil sa kabilang dulo ang pintuan ng music room.

"San ka na----" naputol 'yung sasabihin ni Jd.

"Anywhere" dugtong ni Jadden at tyaka nakalabas na ng music room. Nakatingin lang ako sa pintuan na kakasara lang. 

Pa-cool lang siya. Hindi man lang siya kinakabahan para mamaya sa concert nila, bukod sa hindi pa nila natatapos i-tugtog 'yung kanta nila ay wala pa si Ian biglang vocalist nila. Siguro ganun talaga siya. Kung sabagay, mas mabuti nang kalmado kaysa sa biglang hindi rin siya sumipot mamaya.

"Babes!" biglang tawag sakin ni Jd kaya naman lumingon ako saglit sa kaniya at binalik na ulit ang tingin ko sa bag ko at nag-ayos ng gamit. Umupo si Jd sa tabi ng upuan ko.

"Sabay nalang tayo, Babes. Wala ka kasing kasama" aniya niya pagka-upo sa tabi ko. Napatingin si Jd sa pintuan nang hindi ako sumagot sa kaniya't tinanguan lang siya. Tumingin ako sa kaniya habang tumatayo  sabay sakbit ng backpack ko sa magkabila kong balikat. 

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon