TaP3: Transpormasyon

415 12 7
                                    

AIZNY's POV

Baklaaa nasaan ka na ba?>....

Ang sakit na ng mga binti at paa ko...

Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa campus...

Ang leeg ko nangangawit na ka-kaikot at ka-katingala dahil sa kahahanap sayo.

Waaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

Girl 1: Friend, nakita ko si crush!

Girl 2: Ha?! Talaga? Waaahhhh nasaan siya? Alam mo ba kung saang club?

Girl 1: Nakita ko siya kanina malapit sa library! @___@ Ang mission ko ngayon is alamin kung saang club siya nagpa-member..

Girl 3 & Girl 4: *nanlaki mga mata* tara dali..hanapin natin siya!!!

Girl 1: Letz go!

Ano ba naman tong mga babaeng to? College na, crush at kalandian pa rin ang inaatupag. Bakit hindi na lang sila magseryoso sa  pag-aaral? Nakakaawa lang ang mga magulang nila. Nagpapakahirap sa kakahanap-buhay para lang pag-aralin sila sa... sa.. sa mamahaling iskwelahan na to. Hmpppttt.

At dahil pagod na nga ako, umupo na muna ako sa isang empty bench na malapit sa fountain ng school. Ikalawang linggo na ng pasukan.

Nilibot ng aking paningin ang iskwelahan.

Grabe ang laki pala talaga ng school na to. Ang linis-linis pa kumpara sa paaralan ko nung high school.

The school is filled with green trees and grasses, there are colorful flowers din.

Tapos meron pang sariling lake! Bongga! In short... para akong nasa paraiso.

Napalingon ako sa may bangdang kanan ko at nakita ko si Honey papalapit sa aking kinauupuan.

"Babae, saan ka na naman napadpad? Kanina pa ako naghahanap sayo", hinihingal na wika ni bakla habang pinupunasan ang tabi ng upuan ko at nang matapos ay kanya naman itong inupuan.

"Ikaw ang saan nanggaling? Puro paltos na paa ko kakahagilap sayo, ang  mga ugat ko sa binti ay naglabasan na rin. Ayan oh! Tingnan mo", tinaas ko ang aking kanang paa at itinapat ito sa mukha niya.

"EUWWWWW ikaw babae ka balahura ka talaga, baba mo nga yang majontot mong paa!", hampas niya sa paa ko. (majontot = mabaho)

"Tsee, jontot ka dyan! Ano nakahanap ka na ba ng org na sasalihan mo?" seryoso kong tanong kay Honey habang minamasahe ko ang aking mga binti.

"Oo, meron na. Sumali ako sa Teatro Mascara tap---"

"HAHAHA ano yan? Make-up club? Joke ba tong school na to? Elite school pero isang big joke?! Hahaha", pinutol ko ang pagsasalita niya. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi matawa.

"Tanga! Mascara yung mask na sinusuot sa mukha and usually ini-incorporate lang naman po ang mascara sa mga stage performances sa teatro", seryosong pagpapaliwanag niya. "Kapag mascara, make-up agad agad? Research research din pag may time, matalino ka pa naman" dagdag ni bakla habang kinukuha ang cellphone sa malaking bag niya.

"Hmmpppttt malay ko ba", simangot ko sabay pout ng lips ko.

"Wititit kasing magpaka-smart dahil sa nababasa mo sa mga libro, meron din tayong tinatawag na EXPERIENCE. Try mo rin yun minsan, marami kang matututunan", sarkastiko niyang sagot. "Hay, ewan ko ba paano ka pumasa sa Social Studies nung high school"

Ashrald: Tadhana at PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon