TaP1: My Cross-dresser Bestfriend

700 14 0
                                    

Straight A student, meaning nangunguna siya sa klase.

Nerd? Nope.

Geek? Hindi rin...

Sadyang gifted na matalino siya.

Yun nga lang pagdating sa usaping pang-puso, F ang grade niya...as in FAILED.

Kahit minsan hindi niya naranasan ang magka-crush, normal naman siya.

Hindi niya rin alam kung paano kiligin, tao naman siya.

Hindi naman siya bato dahil kahit papaano, marunong naman siyang makaramdam.

Man-hater? Hindi naman..

O baka sadyang hindi pa niya nakikilala ang lalaking makakapag-kiliti sa inosente niyang puso.

Paano kikilos sina Tadhana at Chance upang maranasan nya ang pinaka-importanteng bagay sa mundo?

Siya si Aizny.

Isang Mass Communication student na member ng NJSB as in No Jowa Since Birth.

Ang buhay niya ay umiikot lang sa mga libro at current events.

Hindi nag-e-exist sa vocabulary niya ang salitang fun and entertainment.

In normal people words, BORING ang buhay niya.

---------------------------------------------------------------------

AIZNY'S POV 

"Ouch!", sigaw ng kasama ko pagkatapos kong ibato sa kanya ang hawak kong maliit na pambura na kulay asul. "Ang sakit nun ha! Nakaka-imbey ka!", dagdag niya habang hinihimas himas ng kanyang kaliwang kamay ang noo niya. Ako ay patuloy naman sa paghahanap ng aklat na kailangan namin sa Jose P Rizal na subject namin. I acted as if parang walang nangyari. (nakaka-imbey = nakakainis) 

"Text ka kasi ng text. Tinatanong kita pero wala man lang akong nakukuhang sagot. Para akong tanga dito na nakikipag-usap sa hangin", sagot ko while not looking sa kanya. Before I forgot, nasa loob nga pala kami ng National Bookstore. Dumaan kami ng SM after school. Ikalawang araw yun mula nang mag-umpisa ang klase sa college.

Wow, akalain mo nga naman, kolehiyala na ako. Natupad din ang pangarap ko... pero siyempre hindi pa natatapos dun. Kailangan ko pang maging sophie, junior, senior at makapagtapos sa college  then by that time, masasabi kong I have finally reached my goal as I welcome the new journey in my life ----> ang maging isang Field Reporter! I will do everything just to make my dream into reality at walang makakaawat sa akin! Not even this crazy friend of mine!

"Babae, puwede naman kasing sa Sabado na lang natin bilhin ang JPR book. Gumorabels na tayel at mag-beauty rest, haggardo verzosa na feslak natin. Isa pa male-late na ako sa panonood ng laban ni Pacquiao!" maarteng sigaw niya habang naglalakad papalapit sa akin. (gumorabels = umalis; tayel = tayo; haggardo verzosa = haggard; feslak = face)

"Hoy bakla! Kailangan na natin bilhin ang book ngayon. Paano kapag naubusan tayo, saan tayo maghahanap aber? At saka anong laban ni Pacquiao pinagsasabi mo dyan, eh sa Linggo pa yun", sagot kong nakakunot ang noo at nakapamewang sa harap niya.

"Wititit mo nga aketch tawaging bakla", pabulong niyang sabi habang pinandidilatan ako. (wititit = huwag; aketch = ako)

"Eh sa bakla ka naman talaga eh! Kung ayaw mo, eh di Honberto!"

"Bruha ka!" sabunot niya sa ulo ko.

"Arayyy ang sakit. Alisin mo nga yang higanteng kamay mo sa ulo ko! Aray! HONBERTO MADLANGSAKAY JUNIOR ano ba?!" sigaw ko, at lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa buhok ko. "BERTO, pagsisisihan mo to!", muli kong sigaw. Habang nakatungo, napapansin kong nagtitinginan na ang mga tao sa amin.

"HONEY. Call me HONEY then I will let you go", sabi niya, enough upang kaming dalawa lang ang magkarinigan.

"Okay! H-O-N-E-Y HONEY! HONEY! HONEY! My bestfriend Honey, please..." pagmamakaawa ko at dahan dahan naman niyang binitawan ang buhok ko.

Agad agad siyang tumakbo palayo sa akin as if para ba kaming nasa park at playground. Alam kasi niya kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nakakuha na ako ng bwelo. BOOM! Dumi lang ng kuko niya sa paa ang hindi malalatayan.

Gamit ang aking mga daliri sa kamay, sinuklay ko ang aking buhok. Opo, hindi ko po hilig ang magdala ng suklay, lipstick or kahit anong make-up at pampaganda. Madalas yan din ang nagiging ugat ng aso't pusang awayan naming magkaibigan. Mas maganda pa nga siya sa akin eh. Mas mukha pa siyang  babae kesa sa ibang babae.

Si Honberto aka Honey, my cross-dresser bestfriend. Sabay kaming pinanganak sa probinsya --- same month, same day, same year, same kamadrona, at sabay na rin kaming lumaki. Mula kinder hanggang highschool magkasama kami, hanggang ngayon na college na kami magkasama pa rin kami. Nakatira kami sa isang apartment dito sa Manila.

Mula hininga hanggang utot, kilala namin ang isa't isa; daig pa nga namin ang kambal sa sobrang closeness na meron kami. Napagkamalan pa nga kaming mag-boyfriend nung freshmen year namin sa high school, YUCK! Pareho kaming masuka suka nang mga panahong iyon na metro gay pa lang siya. Buti na lang nagladlad din ang bakla ngayon, malakas ang loob kasi malayo kami sa probinsya. Wala dito amg mga mata at galamay ng daddy niya.

Akala ng parents niya, lalaking lalaki si Honberto, to the point na tuwang tuwa pa ang ama niyang kung tawagin ko ay Tito Berting dahil sa wakas daw magkakaroon siya ng isang field reporter na anak.

Siyempre nga naman pag field reporter ka, ibig sabihin non matapang ka at malakas ang loob mo kasi as an FR, ipapadala ka kung saan may bagyo at kung saan may giyera. HIndi puwedeng lalampa lampa ka, otherwise, maiiwan ka sa pansitan. Kailangan lagi kang nauuna sa mga current events, buwis buhay din ang propesyon na yun no!

Haayyyy kung alam lang nila, gusto lang maging showbiz reporter nitong si bakla. Pano, adik na sa tsismis at puro mga artistang lalaki pa ang bukambibig at pinagpapantasyahan. Minsan dinededma ko na lang, na-master ko na nga ang art of pretending dahil sa kanya. Kunwari nakikinig pero ang totoo nagco-concentrate ako sa ibang bagay tulad ng kung dapat ba akong kumuha rin ng degree sa pagiging surgeon upang ako mismo ang mag-oopera sa bibig niya  para tumahimik naman siya.

Minsan pa ang hirap intindihin ng mga pinagsasabi niya, maloka loka ako sa pag-unawa ng mga salitang binibitawan niya na tanging siya lang at mga ka-federasyon niya ang nakakaintindi. HALLER, I WON'T EVEN WASTE MY TIME TO STUDY HIS OUT OF THIS WORLD LINGO. As if naman pakikinabangan ko yun in the future. Kanyang kanya na lang ang trono na yun.

Back to the problem at hand, bakit nga pala nahilig sa boxing si bakla? Eh basketball lang naman hilig niyang panoorin dahil sa mga guwapong players, at of course inaabangan niyang may mahubaran sa isa sa mga players. Pero..boxing? Oh come on!

----------------------------------------------------------------------

A/N: PLEASE SUGGEST KUNG SINO PWEDENG MAGING HONBERTO MADLANGSAKAY aka HONEY. THANK YOU SO MUCH!

Ashrald: Tadhana at PagkakataonWhere stories live. Discover now