|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
1
ALAMAT NG ILANG-ILANG ***
Produced by Jeroen Hellingman, Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] =ALAMAT= N~G =ILANG-ILANG= KATHA NI _José N. Sevilla_ MANUNULAT SA "BUHAY PILIPINAS" Unang pagkalimbag MAYNILA, S.P.--1908 LIMBAGAN NI E.C. ESTRELLA, BUSTILLOS BLG 9, (SAMPALOK) TELEFONO 1199 Ilang-Ilang Niaó'y buwán n~g Diciembre at ang malamíg na simoy ay umáanyaya sa tanáng na sumangap n~g maligayang sandalíng iniáalay n~g kaparan~gan, at bagá man dito sa ati'y di kaugalian ang magaksayá n~g panahón sa paglilibáng, ay ilan kong m~ga kaibigan ang nakipagyari sa akin na kami'y maglakbáy sa kagubatan n~g Mindoro, upang doo'y magparaan n~g maligayang panahón sa pan~ga~ngaso. Hindi naglipat araw at guínanáp namin ang pinagkásunduán at karakaraka'y ang aming m~ga áso'y naka-amóy n~g lungá marahil n~g usa kaya't unahán kamíng sumunód sa tun~go n~g kaniláng m~ga tahulan. Sa pagtugaygáy na iyaó'y nátiwalág akó sa aking m~ga kasama at sumandalíng humimpíl sa lilim n~g isáng mayabong na kahoy na di ko alumana kung anó ang kanyang pan~galán, bagá mang labis akóng nápapataká na sa gayong ilang ay masamyo ko ang di maisaysáy na ban~go na lubháng laganap sa kagubatan na pinaiibayuhan ang ban~go n~g sa tanáng sampaga. Nakaraán ang isáng malakíng bahagui n~g araw at ang pagkainíp ay sumagui sa akin, sa di pagkárin~gíg n~g anománg hudyát na amíng pinagkasunduan, at di ko naman malaman kung saán sila napatun~go, Kung sukatin ko naman n~g malas ang napakalawak na gubat na namámagitan sa akin at sa kabayanan, ay lubha akóng nalululá sa di matapós-tapos na m~ga dawag, na sumasatitig. Ang panglulumó ay naghari sa aking damdaming di sanáy sa gayóng m~ga ilang at nawalán ako n~g kayang lumayo pá't tuntunin ang landas, sa pan~gan~ganib na sa pagsasápalaran kó'y makásalubong n~g mababan~gis na Tamaraw.[1] Ano pa't ang pan~gan~gambá'y lumaganap sa aking kalagayan at sa kadahilanang itó'y inihanda ko ang tagláy na baril, upang ipagsangalang kung itó'y kákailan~ganin, subli't lalong lumalâ ang aking pan~gin~gilabot, nang mausisá kong walâ ang m~ga punglong taglay at nahulog sa aming pagtatakbuhan, n~g di ko man lama~g náalumana. Gumiyaguis na n~ga sa akin ang lubháng malaking pan~gan~gambá at n~g tumamà ang aking m~ga titig sa nan~gun~gulimlím na panan~glaw sa Sandaidig, ay napagsiya kong nan~gun~gubli nang nagmamadali sa likod n~g isáng matarik na bundok sa kalunuran. Ang pag-aalinlan~gan ay namalagui pang sumandali sa pagayóng anyo na nakapan~gin~gilabot na bantá n~g pagkalun~gi at lubháng binabagabag ang di ko hirating kalooban sa gayong kasindak-sindak na kalagayan, nang sa di kawasà'y nakamalas ako n~g isáng matandá, na nagbubuhat sa kalaliman n~g isáng masukal na yun~gib na makubli't mámatâan ko sa kasukalan n~g gubat. Sa pag-áantay na itó sa inaasahang tagapagtangol marahil sa kapan~ganibang kong kinalalagyang, ay sumaguí naman sa aking ala-ala ang m~ga singaw lupang lagui kong narin~gig sa matatandang alamat na ibinadhâ tuwi na, n~g nan~gamatay ko nang m~ga nuno. Baga mang ang pagkatakot ay labis na nagpapasakit, ay pinapaghari korin sa sárili ang mayamang aral n~g CATOLICISMO, na pinagsikapan n~g aking m~ga magulang na siya kong palaguing panangnan sa anó mang kapan~ganyayang haharap at ang pakatiwalà kong itó'y siyang bumubuhay n~g aking loob. Sa aking mahabang pánanalan~gin ay dumating din ang inaantabayanan nang hindi man lamang ako nainip at pagkalapit niya sa aking kinalalagyan, ay naulinig ko pa ang ganitong pag-aawit: Oh hiwagang lagui sa m~ga pan~garap aliwan n~g laguim na nagpapahirap Ikaw n~ga ang siyang wagas kong pag-asa, na magkakandili sa luoy kong puso na pinakaapi at tuwi-tuwi na'y inayop n~g dusa; at siyang hantungan n~g m~ga paghamak ang nilun~goy-lun~goy n~g aba kong palad. * * * * * Ikaw din ang kusang lubos sumiphayo sa niluhog luhog n~g aba kong puso; at dina na awang mag gawad maglagda n~g hatol na imbi na siyang papatáy sa abang kumasi't walang kasalanan kahit na ano man, kundi ang sa iyo'y lubos na isuyo ang iyong nalamang hindi man kinuro. Kung ang m~ga laguim at pagkahilahil siyang magdudulot sa iyo n~g saya iyo n~g sabihin at aking gagawin ang ano mang ibig na ipababata káhit ikaputi n~g aking hinin~ga. Pagkaraan n~g kanyang pagaawit ay tumanong. --Anó, anak ko ang naghatíd sa iyo dito sa ilang na poók? --Oh! kagalang-galang na matandâ--ang aking tugon--ang maling a
|
|
||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |