Epilogue

17K 102 8
                                    

EPILOGUE

Karylle's POV

"Jared kasi..."

"Hmm?" sabi nito habang nakangiti at nakapikit. Nilalaro niya ang buhok ko habang ako naman ay nakasandal sa dibdib niya. Nandito kami sa may ilalim ng puno at nanunuod ng mga batang naglalaro.

"I-I'm ... ano..." di ko masabi. Natatakot ako. Napatitig siya sakin kaya naupo ako ng tuwid.

"May problema ba?" Tagos yung pagtitig niya sa akin. Nag-guilty tuloy ako. Sana di na ako pumayag na manligaw siya.

"I'm pregnant." Nakayukong sabi ko. Ang daya. Ang daya daya talaga ng mundo sakin.

"Kay Brylle?" Tumango ako at tiningnan ko siya. Nakita ko ang sakit sa mga mata nito.

"Sorry, sinayang ko pa oras mo. Magalit ka sakin. Tatanggapin ko yun." Mangiyak ngiyak na sabi ko.

Pero sa halip na ipagtabuyan niya ako ay niyakap niya ako na siyang ikinagulat ko.

"Pwede namang ako ang maging ama niyan diba?" Nagulat ako at napatitig sa kanya. Nakangiti ito na para bang hindi siya nasaktan.

"So kung ganun, edi papakasalan na kita bago pa malaman ng pamilya mo na buntis ka?" Nakangiti parin nitong sabi. Di ko alam ang gagawin ko. Gusto kong umiyak.

Bakit ganyan ka Jared? Bakit ganito mo ako kamahal? Bakit hindi ko to nakita noon?

"I love you." sabi niya. Should i  say 'i love you too'? Mahal ko nga ba siya?

"I... uhh.. I-i love you t-too." Liar. Isinubsob ko mukha ko sa kanya. Ang sama ko. Ganito siguro feeling ni Brylle tuwing sinasabihan ko siya ng 'I love you', kaya hindi niya masabi kasi wala siyang nararamdamang pagmamahal sa akin.

Brylle's POV

Nakita ko si Karylle. Ang saya ng mga mata nito habang magkahawak kamay sila ni Jared.

Narinig kong ikakasal na sila. Ilang araw palang eh. Nahuli ako. Damn papers. Nadelay ako dahil dun. Dammit! Masakit pero kitang kita kong masaya siya.

Akala ko ba mahal niya ako? Bakit ganun? Ang bilis niya naman akong ipagpalit. Karma ko na ba to?

Nakita kong umalis si Jared sa tabi niya at lumakad palayo. Lalapitan ko na sana si Karylle nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Brylle..." Boses ni Jared. Umusbong ang galit ko.

"G*go ka! Bakit mo inagaw si--"

"She's pregnant." Tumigil yata mundo ko. Mali naman pagkakarinig ko diba?

"P-paano? Eh di--" Kingina naman oh! Madaming beses kaming naglove make ni Karylle tapos hindi ko siya nabuntis? Akin dapat yun eh. Dapat akin si Kary--

"Ikaw ang ama." Biglang nablangko utak ko. A-ako? Magiging ama ako?

"If you won't be there for her, I'll take her away. Away from you."

I won't let you.

Karylle's POV

Ang tagal naman ni Jared. Andito kami ngayon sa  Mall. Nasa labas palang kami kasi bigla siyang umalis. Bibili kami ng gamit ni baby. Hindi naman sa excited pero parang ganun na nga. Di pa namin alam gender ng bata since bago palang pero excited talaga.

Plano kong magresign at alagaan muna sarili ko at ni baby. May savings pa naman ako.

Biglang may humila sakin at nanigas ako ng makita ko kung sino.

F BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon