Chapter 3

19.2K 91 0
                                    

Chapter 3

Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko.

This is the most comfortable place to sleep and rest. Yung mabangong amoy. Mga brasong dantay sa tyan ko at ang mainit na hiningang tumatama sa leeg ko.

Wait. Braso? Napalaki ang mata ko at nagising ang diwa ko.

Dito natulog si Brylle?!

Hinarap ko siya at gumalaw siya ng konti pero natutulog padin.

Para akong maiiyak. Ang gwapo niya panuorin. Niyakap ko din siya at pumikit. Hindi ko to inaasahan.

I made my decision last night. Huli na to. Panghuli na to. I'll let him go. Hahayaan ko na talaga siya kung saan siya masaya.

Niyakap ko siya ng mas mahigpit pa.

"Hey. Can't breath." Reklamo nito.

"Sorry. Nagising ba kita? " Napabitaw naman ako ng yakap at tinitigan siya.

"Maybe." Niyakap niya ako at pumikit ulit.

"I prepared our breakfast. Hinanda ko nadin ang damit mo para sa trabaho mo kanina." sabi niya habang nakangiti at nakapikit.

Bakit mo to ginagawa Brylle? You're making it hard for me to let you go. Akala ko ba F Buddy nalang tayo? Bakit ganito?

"Brylle bangon kana. Diba may trabaho ka pa?" I just heard him giggle.

"Work can wait baby. Just give me a hug."

Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Last naman na to kayo lulubusin ko na.

Naramdaman kong parang nakatulog na naman siya ulit. Napangiti ako. Grabe talaga kung matulog to.

Ipagluto ko kaya siya ng sisig? Favorite niya yun eh lalo na yung sobrang anghang.

Tatayo na sana ako ng marinig ko siyang bumulong.

"Ano yun Brylle?"

Di ito kumibo kaya alam kong natutulog pa ito. Napatawa ako ng mahina at inilapit ang tenga ko sa kanya.

'I love you ..." Lumaki ang mata ko tumitig sa kanya.

He just said he loves me right? Shit! Gusto kong tumalon ! Gosh!

"Ano yun Brylle?" I wanna hear it again.

"i love you." Oh Shit! Dalawang ulit yun!

Tumayo ako ng dahan dahan at tumakbo sa loob ng banyo.

"My goossshh! Love daw ! Love daw!" Mahinang pagsigaw ko.

Pinag-uuntog ko ulo ko sa pader sa kilig na nararamdaman ko. Shuteks! Oo alam ko. Lagi niya akong sinasabihan ng ganun noon pero kasi... Ngayon ko lang ulit narinig sa kanya yun.

NALIGO na ako habang pakanta-kanta.

"I'd rather have bad times with you, than good times with someone else.. hmm hmm." May narinig naman akong tumatawa sa labas ng banyo.

"Brylle? Bakit ka tumatawa?" Sigaw ko s kanya.

"Nothing!" Sigaw niya ulit sakin kaya nagkibit balikat ako.

"Hmm..." Pagkalabas ko ay nagbihis na ako.

PAGKALABAS ko ng kwarto ay di ko na siya nakita. Siguro nasa kusina siya.

Sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon. I want to hear it again. Yung hindi siya tulog. Excited kong marinig ulit yun.

Biglang nawala ang ngiti ko ng may naalala ako. I can't let him go. It's so hard. I just can't.

Mali na to. Mali na talaga to. I should let go. Alam kong sooner or later baka malaman ng girlfriend niya ang tungkol sa amin.

Kailangan ko siyang pakawalan. Kailangan.

Bumaba na ako at nakita ko naman si Brylle na nakatayo sa harap ng ref at may hinahanap.

Niyakap ko siya mula sa likuran.

"Oh andito kana pala. I made you a breakfast."

Hinawakan niya ang kamay ko para tanggalin sa pagkakayakap pero mas hinigpitaan ko pa.

"Hey may problema ba?"

Di ako kumibo. May problema? Oo Brylle. Problema ko kung paano ka isuko. Lalo na ngayon na mas minamahal pa kita.

Tinanggal niya ulit kamay ko at tinanggal ko naman. Hinarap niya ako at niyakap kaya ngumiti ako.

"Brylle. Pwede mo bang sabihin ulit yung sinabi mo kanina?"

I wanna hear it. Isang beses lang at baka magbago ang isip ko na pakawalan siya.

"Ha? Ano ba yun?" Di niya maalala?

"Yung sabi mong mahal mo ako." Napayuko ako. Nakakahiya.

Hindi ito nagreact kaya tumingin ako sa kanya. There it goes again. His coldest stare.

"May sinabi akong ganun?" Parang hiniwa ang puso ko. Oo pala. Tulog siya nun.

Tumawa ako. "A-ah hahahahaha. Joke lang. Nanaginip lang ako na sinabi mo yun. S-Sige mauuna na ako. Ilock mo ang pinto mamaya."

Dali-dali akong lumabas.Tinakpan ko ang bibig ko at napatulo luha ko. Narinig ko pang tinawag niya ako pero di ko pinansin at nagdirediretso ng lakad.

I'll let him go.

F BuddyWhere stories live. Discover now