143.6

89 14 2
                                    

/KRING

/CLANK

143 hotline, problemang pag-ibig ating bibigyang solusyon. Magandang gabi! Ako po si Gia... Ano pong pangalan nila?

Mahal ko o mahal ako?

Ay kabog! Gusto ko 'yan. Naku paboritong kanta ko yan ni kz.

....

Hello?

Umiiyak ka ba miss?

A-ang hirap na kasi. Hindi ko na talaga alam gagawin ko.

Naku miss, wag ka nang umiyak. Ganito nalang ha. Ibibigay ko sayo ang opinyon ko sa tanong mo.

Well opinion ko to, hindi nagaapply sa lahat ng tao.

Para saakin ha, yung mahal ko ang pipiliin ko.

Bakit?

Siguro kasi hindi ako naniniwala na eventually maiinlove ka din dun sa taong mahal ka. I mean yes it happens, but not all the time. Mahirap na diba... paano nalang kung ipinilit mong mahalin ang isang tao at pagkatapos ay hindi mo parin magawang masuklian ito? Magkakasakitan lang kayo sa huli hindi ba?

Pero ang sinasabi ng iba, atleast you gave that person a chance.

A chance to break his or her heart? Sa aking opinyon, mas maganda kung ako nalang yung masaktan kaysa ako pa yung makasakit ng iba.

Not giving him his chance would still hurt him.

Pero hindi kasing sakit kapag pinaasa ka ng tao. Masakit oo, pero hindi kasing lala.

So ano nang gagawin ko...

Make the guy you like fall for you. O kaya naman malay mo gusto ka din pala niya. You'll never know.

At pag hindi niya talaga ako magustuhan?

Atleast hindi ka nakasakit. Yun nalang ang isipin mo. Congrats! Kasali ka na sa "mahal ko" troops.

Hahaha. Salamat ha. Napatawa mo ako kaya salamat ng marami.

Walang anuman! Hahaha. Sana nakatulong ako saiyo.

Oo naman. Alam ko na ngayon kung sinong pipiliin ko.

Mabuti naman! Salamat sa pagtawag mo rito sa aming hotline.

Ano nga palang pangalan mo?

Ako si Heidi.

Ahh. Goodnight Heidi! Tawag ka uli nextime ha.

/CLANK

143 HotlineWhere stories live. Discover now