143.1

188 17 2
                                    

/KRING


/CLANK


143 hotline, problemang pag-ibig ating bibigyang solusyon. Magandang gabi! Ako po si Gia... Ano pong pangalan nila?



Goodevening po! Ako po si Sherlyn...


Hi Sherlyn! Bakit ka naman napatawag saaming hotline? May problema ba?


Hmm... wala naman po ate Gia. May itatanong lang po sana ako.


Ay ganun ba? Sige ano iyon? At wag ka na palang mag po 20 years old palang naman ako. Hahaha.


Nako po hindi po pwedeng hindi ako mag-"po". 13 years old lang ako eh. Hehehe.


Sige na nga. Ano na ulit yung tanong mo Sherlyn?


Ahh onga pala! Ate ano po ba feeling ng inlove ka?


Inlove ba kamo? Hmm... alam mo kasi Sherlyn, hindi pa ako nainlove sa tanang buhay ko. Pero sabi ng nanay ko nung nainlove daw siya kay tatay, palagi daw siyang nakakaramdam ng paro-paro sa tiyan niya. Tapos pag malapit daw si tatay sakaniya lagi daw siyang kinakabahan. Napapaiyak daw siya at the same time, napapatawa rin daw siya ni tatay. Sabi rin ni nanay, pag kasama niya raw si tatay, bumabagal daw yung oras... Ay jusko. Ano ba itong mga nasasabi ko. Hahaha.


Hahaha. Ganun pala 'yun ate! Ngayon alam ko na.


Bakit? Inlove ka na ba? Naku Sherlyn mag-aral ka muna... 13 years old ka palang.


Ay ate hindi ako inlove. Hahaha. Study pers 'to.


Oo tama yan. Studies first. Tsaka na mga lalaki okay?


Yes ate Gia! Salamat sa tulong. Sana sa susunod na makatawag ako dito, ikaw parin po yung makasagot.


Hahaha. Walang anuman Sherlyn. Wag kang magalala, siguradong magkakausap uli tayo. Basta lagi kang tatawag sa 143 hotline okay?


Opo, sige po ate!


Matulog ka na, mag-aaral ng mabuti ha. Goodnight!


Goodnight ate!


/CLANK

143 HotlineWhere stories live. Discover now