Chapter 16

14.1K 502 38
                                    


"SIGURO, hanggang dito na lang tayo, noh?" malungkot na wika ni Lyra kay Text. Nanatili namang tahmik ang huli. "Aaminin ko sayo Text na nasaktan ako. Hindi ka naman siguro manhid para hindi mapansin 'yon, diba?"

"Alam ko,"

"Pero gayun paman, gusto kong malaman mo na tanggap ko na." Nakangiting baling nito sa kanya. Pero kitang-kita naman ang kalungkutan nito sa mga mata.

"Sorry,"

"Hindi na, okay na saken na pumayag kang kausapin ako. Saka naintindihan ko na. Desisyon mo 'yan eh. Sino ba naman ako para sabi –"

"Lyra," hinuli niya ang mga mata nito. "Huwag mong sabihin 'yan. Alam mong mahalaga ka saken at hindi 'yon magbabago. Mananatili kang espisyal sa buhay ko. Tandaan mo 'yan."

Napabuntong-hininga ito bago siya nito binigyan ng mapait na ngiti. "Text,"

"Hmm?"

"Pwede bang maging tapat ka saken. Kahit bilang isang kaibigan na lang."

Kumunot ang noo niya. "Ano 'yon, Lyra?"

"Totoo ba talagang kasal na kayo ni Danah?"



KANINA pa nakatunga-nga si Danah sa labas ng bahay. Masakit na nga ang leeg niya sa kakatingin nung mangga sa itaas ng puno. Kanina pa umiinit ang dugo niya sa mangga dahil 'di niya maabot 'yon. Aba'y Danah? Walang manggang mahuhulog kung tititigan mo lang. Akyatin mo kaya para matapos na?

Pinag-krus niya ang dalawang braso bago ito pinasadahan ng tingin. Iniisip niya kung paano niya aakyatin 'yon? Nang ma-kwenta niya sa isip kumuha siya ng bato at binato na lang ang bunga ng punong mangga. Hay naku! Pahihirapan pa niya ang sarili babatuhin niya na lang.

"Aish! Ayaw mo tamaan, ha? Hayan! Hayan pa!"

Sunod-sunod ang pagbato niya doon sa malaking bunga.

Natigil lang siya sa ginagawa nang may kung sinong barabas ang nagtakip sa mukha niya – at hindi lang simpleng takip dahil pinasok talaga ang ulo niya sa isang karton. Marahas na inalis niya ang box sa ulo niya at binangalingan ang gumawa nun.

"Hoy Text!"

"Oh, bakit?" nakangiting ginulo nito ang buhok niya bago namulsa. Nabaling ang tingin nito sa puno ng mangga. Nakabalik na pala ito. Sabi kasi ni Boge sa kanya nakita nitong umalis si Text kasama ni Lyra. Ewan kung saan pupunta. "Sinong may sabing batuhin mo 'yang puno, Danah?"

Hinarap niya ang puno. "Alangan namang akyatin ko 'yan?" pabalang na sagot niya.

"Kung batuhin mo ah parang ang laki-laki ng kasalanan ng punong 'yan." He gave her a side glance. Napasimangot lang siya nang magtama ang tingin nila. "Mag-sorry ka sa puno."

Namilog ang mga mata niya. "For real?!"

Tumango ito. "Mag-sorry ka,"

"Paano kung ayaw ko?"

Hinarap siya nito at bahayang yumukod kaya magka-eye level na sila. "Kapag hindi, lalabas ang naninirahan diyan at 'di ka papatulugin."

"Niloloko mo naman ako eh!" akusa niya.

"Hindi kita niloloko, nakikita mo 'yang mga punong nandiyan?" inisa-isa nito 'yong itinuro, kumunot naman ang noo niya nang kagatin nito ang hintuturo nito pagkatapos.

"Oh ano naman 'yang kagat-kagat na 'yan?"

"Kinakagat ko 'yong ginamit kong panturo dahil sabi ng mga matatanda kapag 'di mo 'yon kagagatin mapuputol ang daliri mo dahil nagagalit ang mga ITO kapag tinuturo o pinapakialaman."

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon