Chapter 5

18.7K 585 57
                                    

Danah puffed her cheeks. Matamang nakatitig lang sa kanya si Text. Nasa isang coffee shop sila. Hindi niya alam kung ano ang naglalaro sa isip nito. Ni wala wala man lang siyang mabasa sa mukha nito. Nakakainis talaga. Angelic face na blank face.

Hindi parin siya umaamin na 'di talaga siya buntis simula pa noong nasa principal's office pa sila dahil sa kalokohan niya. Buti na lang nagkalinawan agad kung 'di sa kalye na lang magtuturo si Text. 'De loaded na naman ng combo ang konsensiya niya.

"Are you really pregnant?" mayamaya ay basag nito.

Matapang na tinignan niya sa mata si Text.

"Hindi." Diretsa niyang sagot.

Wala paring nagbago sa expression nito. Pero kahit ganun paman. Alam niyang may pagbabago sa nararamdaman ni Text sa loob-loob nito. Magaling lang talaga itong magtago ng emosyon. Ganun ba talaga ang mga soon to be priest? Mahaba ang pasensiya at sobrang lalim ng balon ng pagtitimpi. Wow, ha.

Kung sa iba niya 'yon ginawa baka sinipa na siya sa kabilang planeta o kung hindi ay minura na nang sagad sa dibdib at likod 'yong tipong bubutas talaga ng wagas sa katawan at sisira sa sistema ng degistive system. De wow! Ano 'yon?

"Bakit ginawa mo 'yon?"

"Eh kasi... wala lang. Trip ko lang."

"Alam mo bang hindi maganda ang ginawa mong 'yon?"

"It's not like I mean all of those. I was just kidding. And it's not like sobrang bobo nila para malaman na 'di naman talaga ako estudyante doon."

"It's still not a good thing." This time may tuno na nang disappointment ang boses ni Text.

Nag-panting ang tainga niya. Sino ba kamo ito para pagalitan siya. Hindi porket may nangyari sa kanila makakaya na nitong tratohin siya na parang ang tagal-tagal na nilang magkakilala. Umayos siya ng upo.

"Bakit ba?" mataray niyang sagot. "Sino ka ba para pagsabihan ako? Hindi mo ako estudyante. Hindi mo ako girlfriend, asawa, anak, at higit sa lahat wala ka pang naiambag sa buhay ko."

"Kailangan ko bang maging SINO para lang mapag-sabihan ka? Yes, we are completely strangers, but that doesn't mean na hahayan lang kita sa mga ginagawa mo lalo na't alam kong mali 'yon. Sino ang magtatama sa'yo?"

"Dinala mo lang ba ako dito para pagalitan?"

"You act like a kid."

"Eh ano naman sayo? Ngayong alam mo na na ganito ang ugali ko might as well na tigilan mo na lang ako. Bumalik ka nalang ng seminaryo at kalimutan ang lahat nang nangyari dahil lahat ng 'yon ay aksidente lang. Walang may gusto nun."

"That's why you're acting like a spoiled brat? You're giving me that bad impression to push me away. Ganun ba 'yon, Danah?"

"Alam mo, kung wala din naman tayong pag-uusapan na maganda mabuti pang-umuwi na lang ako. Kasi mai-i-stress lang ako sayo. Magkaka-uban ako ng neon pink sayo." Tumayo na siya at walang pasabing nag-walk out. Bahala siya sa buhay niya!

....

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Danah.

"Hoy!" nagulantang siya nang pabagsak na naupo si Pepsy sa tabi niya. Sa inis ay inirapan niya ang kaibigan. Natawa lang ito. "Ay ang taray. Kay aga-aga nag-iigib ka sa malalim na balon ni Sadaku. 'Te, 'yan na ba ang resulta sa kalokohan mo sa gwapong teacher doon sa ICA?"

"Huwag mo kong kausapin."

"Sabi ni Colt saken mukhang mabait naman daw ang teacher na 'yon dahil pinagtakpan ka pa. Ay ang bongga. Sayang lang at 'di ko nakita in person. Sobrang gwapo ba talaga? May abs? Ilan?"

SWEET ACCIDENT - COMPLETED 2015Where stories live. Discover now