Not my type (One shot)

35.8K 509 117
                                    


Mabuti naman at umalis na yung si Aldrin. Paluhod-luhod pa sa harap ko. 

Umupo nalang ulit ako sa pwesto ko.

Kilala ako sa eskwelahang ito dahil sa maganda at mayaman ako. Lahat ng lalaki ay nahuhumaling saakin pwera lang sa isa. Sikat naman ako ah?

Napatingin ako kay France.

Nakatungo lang siya. Alam kong masakit yung nararamdaman ni France ngayon kasi ginawa siyang rebound ni Aldrin. Pero alam kong hindi na ako mahal ni Aldrin. Sigurado ako doon.

"Jen akin ka nalang please?"

"Jen ang ganda mo talaga!!"

"Sasaya ka sakin pramis."

"Be my girlfriend Jen."

Asa pa kayo.

Sa totoo lang naappreciate ko naman tong mga taong to eh pero ayoko talaga ng ganito. Medyo nakakasar lang. Oo sikat ako pero hindi ko ito ginusto. Ni hindi naman ako mapansin ng mahal ko.

"Jen... nakapost na sa board yung mga sasali sa quiz bee." Sabi ng secretary ng seksyon namin.

"Ah okay salamat!" Sabi ko at naglakad na paunta dun sa board.

Hindi porket maarte o mataray ako bobo na ako... Matalino din naman ako kaya nga titignan ko kung kasali ako dun sa quiz bee. Kailangan kong makasali dun kasi paniguradong kasali dun yung mahal ko. Pinaghandaan ko yung quiz bee na yun para sakanya. Nagaral pa ako ng mabuti.

QUIZ BEE PARTICIPANTS:

James Yu

Jen Cruz

Gray Holder

Rich Quinto

Halos mapatili na ako sa sobrang saya. Makakasama ko siya.

Si James.

"Thank you lord!" Panalangin ko, tumalikod na ako pero pagkatalikod ko...

"Aray! Ano ba yan?" Bumangga ako sa dibdib ng kung sino man.

Ang tigas huh.

"Ay s-sorry sorry Jen." Ay shit! Yung boses... Si James.

Tumingala ako at potek siya nga. Bumibilis nanaman tibok ng puso ko.

"Ok lang." Sabi ko nang walang emosyon pero deep inside gusto ko nang mamatay sa kilig.

Akmang aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"A-ano Jen partner tayo sa quiz bee. So kailangan nating magtulungan para manalo."

"Oh tapos?"

"Baka gusto mo lang uhmm.. magaral tayo sabay para madali?"

Uy seryoso ba yan? Kinikilig ako James! Ikaw lang talaga yung may kayang magpalambot ng puso ko.

"O-okay. Bukas nalang sa library."

Sawakas. Makakasama ko na siya at mas makikilala pa ng lubusan.

Ngumiti siya "Sige pupunta ako."

"Dapat lang. Ayoko ng late ha." Sabi ko at umalis na habang nakangiti.

Nawalan ako ng pag-asa.

Nabalitaan ko na may gusto pala si James kay France. Syempre nagulat ako dun. Hindi ko alam na may gusto pala si James na iba. Naiiyak akong isipin yun kasi sobrang sakit.

Not my type (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon