Umpisa

2.8K 22 28
                                    

Sa Likod ng Lahat (2013)

TheMarkOfAPen 

UMPISA

“Mr. and Mrs. Crisanto, I suggest your daughter needs a TLSO orthosis. That is if you don't want her to undergo surgery.” Litanya ng doktor sa amin. Tinapunan niya ako ng tingin bago niya ito inilipat sa mga magulang ko.

Tinakpan ni Mommy ang kanyang bibig sa pagkabigla. Wala namang reaksyon si Daddy sa sinabi ng doktor habang ako, palipat-lipat lang ng tingin sa kanila.

"What do you mean she'll undergo surgery?" Nahahalata na ang takot sa boses ni mommy. Nagsisimula na rin akong makaramdam ng takot. Hinawakan niya ang mga kamay ko at mariin niya itong pinisil.

"In her case, an operation will be our last resort. If her body doesn't respond well to bracing, we might add a pair of titanium rods inside her. This will make her posture straight again. The titanium rods will be held together by 12 screws which will run parallel from top to bottom of her spine" May ipinakita pa siyang litrato ng likod sa amin para idemonstrate kung anong gagawin sa operasyon ko.

Ayoko! Gusto kong pagpunit-punitin iyon. Isipin ko pa lang na may bakal sa loob ng katawan ko, nanindig na ang mga balahibo ko.

“We’ll have her braced.” Mabilisang sagot ni Daddy. Mukhang hindi rin siya sang-ayon sa gustong mangyari ng doktor. 

"But doc, don't make her undergo operations." Dagdag pa ni Daddy. Matigas ang tonong ginamit niya pero mukhang hindi natinag ang doktor.

"We can't guarantee that, Mr. Crisanto. There's a possibility that the orthosis might not work." Pilit na pinapaunawa ng doktor sa mga magulang ko ang punto niya. 

Tahimik lang si Mommy sa tabi ko at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Tumingala ako para makita ang reaksyon ni Daddy pero walang ekspresyon ang mukha niya. Tahimik lang din ang doktor habang nakatingin sa amin. Binasag ko ang katahimikan na namayani sa klinikang iyon.

“Mom, what’s going on?” tanong ko sa kanya. Hinawakan ni mommy ang pisngi ko at hinarap niya ako.

“You heard him” Tinapunan niya ng sulyap ang doktor bago tumingin muli sa akin. "You're going to have a brace on. But don't worry dear, we'll get through this." Ngumiti sa akin si Mommy at hinalikan ang buhok ko. Nakaramdam ako ng kaunting takot dahil ibig sabihin noon ay pumapayag si Mommy kung sakaling kailangan ko nga ng operasyon.

“So doc, kailan lalagyan ng orthosis ang anak ko?” Nakita kong kinagat ni mommy ang labi niya habang hinihintay ang sagot ng doktor.

“Pwede na siyang sukatan ngayon para makuha niyo na ang brace in two weeks time. May available namang orthotist ngayon.” Tila hinihintay na lang ng doktor ang pagsang-ayon ng mga magulang ko.

Nagkatinginan ang mga magulang ko at parang nag-uusap ang kanilang mga mata. Mukha namang nagkasundo sila sa pamamagitan lang niyon kaya sabay silang humarap sa doktor.

“Okay. doc.” Napabungtong-hininga si mommy. Hawak-hawak na rin ni Daddy ang isang kamay niya at binigyan rin naman ako ng isang ngiti ni Daddy. Tumayo na ang doktor at iginiya kami palabas ng clinic.

Bumaba kami mula sa second floor ng ospital at naglakad hanggang sa may gitna ng pasilyo at tumigil roon. Napatingin ako sa glass wall at nakita ko ang mga pasyenteng sinusukatan ang katawan.

Pumasok na kami sa loob at pinaupo kami ng doktor sa silyang bakante. Sinabi niyang hintayin ko ang orthotist para sukatan ako. Tumango na lang ako at inikot ang tingin sa palagid. Napayuko ako ng makita kong pinagtitinginan ako ng mga tao.

 Napabuntong-hininga na lang ako habang kinukutkot ang mga kuko ko. Napa-angat ako ng tingin ng may nagsalita.

“Ikaw ba si Floren?” Ngumiti sa akin ang babae. Nakasuot siya ng blue na scrub suit at hawak-hawak niya ang lalagyanan ng mga materyales na gagamitin niya para siguro sa pagsukat sa akin.

Tumango ako bilang pagsang-ayon at inutusan niya akong tumayo. Sinimulan na niyang sukatan ang balikat ko hanggang sa baywang. Nakikinig lang ako habang nagkukwento ang babae dahil hindi ako makatingin at nahihiya ako. Tango at iling lang ang sagot ko kapag tinatanong niya ako.

“Ayan! Tapos na. Balik kayo after two weeks para malagay na yung bracing sa katawan mo, okay?” Hinawakan pa ng babae ang ulo ko at saka ngumiti ng matamis sa akin.

Kinausap pa ng babae sina mommy at Daddy at umalis na rin siya pagkatapos. Tinanong ako ni mommy kung okay lang daw ba ako dahil hindi ako umiimik kaya umiling na lang ako bilang sagot. Lumabas na kami ng ospital at sumakay sa loob ng kotse.

“Mom, masakit po ba magkaroon ng brace?” untag ko sa kanila. Lumingon sa akin si Mommy mula sa passenger seat at naaawang tumingin sa akin.

“You’re gonna be okay, honey. I promise.” Inabot niya ang mga kamay ko at hinalikan. Ibinalik na niya ang tingin niya sa daan at narinig ko ang mahihinang hikbi na kumawala sa kanya. Nakita kong tumingin sa akin si Daddy mula sa rearview mirror at nginitian niya ako ng malungkot.

I don’t get it. Kung magiging okay ako, bakit ganyan sila maka-react? Gusto kong sumigaw sa kanila at magprotesta pero nanahimik na lang ako. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse.

Pasukan na nga pala bukas. Napabuntong-hininga ako sa naisip. 

Sa Likod ng LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon