Chapter 23 - New Agreement

90 1 2
                                    

JOSH POV -

Napakamainitin talaga nitong ulo ko ng mga nakaraang araw so I decided to freshen up. Tumambay na naman ako sa bahay ng bestfriend kong si Kara. Napapadalas ang lakad namin ngayon dahil siya ang napili kong paglabasan ng sama ng loob.

Kakauwi lang nito last Monday galing sa London. Kaya hindi siya nakapunta sa kasal ko. Nagkita lang kami kinabukasan pag-uwi niya para makapag bonding at 'yun ang araw na nakita ko si Michaella na kasama ang mokong na si Valesa.

Oh how I hate that day! Kaya imbis na umuwi ako sa bahay namin pagkahatid ko kay Mich sa hotel dumeretso ako 'agad sa condo ni Kara.

Sinabi ko lahat ng inis ko sa kanya para sa araw na 'yun at ang sabi niya nagseseloslangdawako. Natawa talaga ako nang sabihin niya 'yun.

Iyon talaga ang gusto ko sa kanya eh. 'Yung lagi akong pinapatawa. Noong high school pa lang ako sa kanya na ko naglalabas ng mga hin-nanakit kay Jerome. Kaya nga naging bestfriend ko 'to eh. Hanggang mag-college gano'n pa din ang set up namin. Pero na iirata ako sa kanya kapag pinagsasabihan niya ko tungkol sa pangbababae ko.

Pilit niya talaga akong nilalayo kay Marjory dahil bad influence daw 'yun sakin. Cheer-leader si Marjory kaya naging play-partner ko siya.

Si Marjory lang ang tumagal saking babae dahil sa maagaan talaga ang loob ko sa kanya bukod kay Kara siya din ang isang taong napaglalabasan ko ng sama ng loob.

Ang kaibahan lang nila ni Kara. Si Kara kapag sa kanya ako nagsasabi gumagaan ang pakiramdam ko at tapos no'n tatawa lang ako ng tatawa. Pero pag si Marjory, gumaan na ang pakiramdam ko nasolve pa ang pangangailangan ko bilang lalake.

"Oh nandito ka na naman! Medyo na kakasawa na din pala 'yang pagmumukha mo eh" mapang-asar na sabi nito.

This is the third time na pumunta ako dito. 'Yung pangalawa ay 'yung Friday. Matapos naming mag-usapni Jerome.

That talk was a total shit! Kaya naglabas na naman ako kay Kara ng sama ng loob. Sinabi ko sa kanya lahat lahat. Simula sa kontrata hanggang sa naging sagutan namin ni Valeza.

Kaya that day sinabi ko sa kanya na hindi talaga ako nagseselos sa dalawa. Dahil wala naman kaming relasyon ni Michaella. Pero pinagpilitan niya lang na nagseselos ako. Sabi ko pa nga sa kanya na ego ko lang 'yun. Ayaw ko kasing na-uungusan ako ni Jerome.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon