Chapter 16 - Honeymoon

277 2 2
                                    

JOSH POV -

Grabe lang nakakapagod talaga 'yung kahapon! Until now ramdam ko pa din 'yung pagod ko!

Ngayon na nga pala ang flight namin papuntang New York. Wala pa man din ako sa eroplano. Pakiramdam ko may jet lag na ko.

Ang saya naman kasi ng first night namin bilang mag-asawa!

*flash back

Kakauwi lang namin galing reception. Papasok na sana ako ng kuwarto ko nang pigilan ako ng Mommy ko.

"Since kasal naman na kayo eh, matulog na kayo sa isang kuwarto. After all first night niyo naman" sabi sakin ni Mmommy at ngumiti ng nakakaloko. Itong nanay ko napakapilya.

"Tama 'yun kaya Mich pasok ka na din" excited na sabi ni Tita El-- I mean 'Mom' kay Mich at tinutulak pa ito papalapit sakin. Grabe nag sanib puwersa pa silang dalawa.

"Wait doon na lang po kami sa kuwarto ko" suhestyon ni Mich.

Pumayag din naman sila Mommy kaya pinabayaan na kami. Mabuti na din dito at least may privacy kami mahilig pa naman sumigaw 'yung babaeng 'to. 

 

Nauna na siyang magshower kaya inaantay ko siya dito sa sala. Sumunod din naman ako nang matapos siya. Paglabas ko sa CR ready na kong pumunta sa kama nang bigla niya kong awatin.

"Oh anong gagawin mo dito?" mataray na tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

"Matutulog malamang!" sagot ko at akmang sasampa ulit sa kama.

"Not so fast Mr! You're going to sleep at the couch. The contract? Remember?" makahulugang sabi nito.

"Ano ba naman 'yan Michaella. Hindi ba exception 'to? I mean mga Mommy naman natin ang may gusto nito! Isa pa wala pa tayo sa bahay natin" sabi ko emphasizing the word 'natin'. Oo nga pala 'di ko na kailangan ibili ng bahay si Mich dahil niregaluhan na kami nila daddy ng bahay. Pero 'di pa namin na kikita.

Nanghihinayang tuloy ako sa 20 percent share sa mamanahin ni Mich.

"The contract is officially on by this night! Kasi kasal na tayo" sagot nito. Ang daya niya talaga. Tusong nilalang.

"Ang arte mo! Siryoso ka bang papatulugin mo ko sa couch? Eh mas malaki pa nga ko sa couch mo!" katwiran ko

"I'm dead serious!" kalmang sagot niya at binato ako ng kumot at unan...

*end of flashback

And there. Wala na din naman akong nagawa eh. Halos 'di na ko makatulog kagabi. Sobrang pagod ako simula ceremony, reception, hanggang sa pagbubukas ng mga regalo.

It's a LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon