Diary 20.2

142 4 1
                                    

Dear Diary,

hindi ako makatingin ng diretso sa boss ko dahil nahihiya ako sa nangyare sa banyo kanina. Pati nga ang ihi ko ay umurong sa sobrang gulat ko.

kasi naman diary imbis na takpan niya ang hindi dapat makita ay ibinalandra pa niya ito sa harap ko. naglakad siya palapit sakin at ako naman si tanga nakatitig lang sa kanya.

natauhan lang ako ng sobrang lapit na niya sakin at agad akong tumalikod. ramdam na ramdam ko siya sa likod ko at naestatwa ako ng abutin niya ang twalya na nasa harap ko.

hindi ako nakahinga ng maayos kanina diary. umaasta siya na parang hindi niya ako nakita. nang lumabas siya ng banyo saka lang ako nakahinga ng maluwang.

Diary alam mo bang- ay wag na pala. baka sabihin mo ang manyak ko kapag diniscribe ko pa ang nakita ko. Pero bakit ganun? ganun ba talaga ang itsura nun? waaah! ayoko na.

Ayun nga naiilang ako kapag nakikita ko siya. hindi kasi mawala sa isip ko ang itsura niyang nakahubad sa harap ko kanina.

nakikita ko nga siyang nakangisi sakin kaya mas lalo ako nahihiya. feeling ko mukhang kamatis na ang pisngi ko.

-Cory

Dear DiaryWhere stories live. Discover now